15

488 24 0
                                    

Chapter Fifteen - Party Basics
~~~


Sa huli, wala rin akong nagawa kung hindi ang tanggapin ang katotohanang: kailangan kong makisama sa bagong mechanics ng palaro para bukas. Okay na sana ako sa plano nina Nana at Grendel na 'wag na kaming (ako at si Thea) palaruin sa paligsahan; kaya lang—bwisit 'tong bagong mechanics.

"Apat na Elites, apat na Volunteers." Simula ulit ni Nana. "Mahahati sa dalawang division ang bawat guilds na sasali sa tournament. Apat na miyembro per faction, kung Volunteers ang pag-uusapan—kumpleto na kayo." Saad ni Nana.

Sandali akong natahimik, at pinagnilay-nilay ang mga sinabing 'yon ni Nana. Kumpleto na kami? Paano? Ako, si Yin at kung sasali sa amin si Thea—na hindi ko pa alam kung anong level na ba: tatlo lang kami. Paanong nasabi ni Nana na kumpleto na kami?

Subalit ang lahat ng mga katanungan kong ito eh, mabilis namang nasagot nang muling nagsalita si Nana.

"Ito nga pala si Sekmeth." Tugon ni Nana habang ipinakikilala ang Elf na katabi ni Thea. "Isa s'yang Silver. Since sa dalawang factions lang nahahati ang bawat guilds na sasali bukas, pwede s'yang mamili sa dalawa." Nilingon n'yat tinitigan si Sekmeth, na hindi naman nagtagal eh marahang tumango.

Nilingon kami ni Sekmeth saka kami kinawayan, mabilis namang inilahad ni Thea ang kanyang kamay kay Sekmeth; kung saan mabilis naman niya itong tinanggap at sa huli malugod silang nagkamayan. Ako? Wala akong ibang nagawa kung hindi ang kumaway.

Ito pala ang ibig sabihin ni Nana na kumpleto na kami. Pero bakit—


"Teka lang Nana," Simula ko. "Kung kumpleto na pala kami, bakit parang hindi ka pa rin kumbinsido? Hindi ka na maghahanap pa nang Volunteers oh, buo na pala 'yung party—" Natigilan ako nang biglang sumingit si Grendel.

"Pangit ang party n'yo. Walang basis—isang DPS, isang support, isang range..." Saad ni Grendel. "Hindi natin alam kung anong klase nang mga quest ang ibibigay nila sa'nyo. Kulang kayo sa tank, kumbaga—napaka-nipis nang party n'yo." Mahinahon niyang bulalas. Humigop muli siya ng tsaa at pagkatapos ay bumuntong hininga.

Tama ba 'yung narinig ko? Tank? Dps? Range? Parang sa mga videogames ko lang madalas na marinig 'tong mga 'to eh! Kadalasan kasi sa mga videogames na nilalaro ko, lalo na 'yung mga role-playing-games kung saan may mga pagkakataong magkakaiba 'yung mga kasama mo sa isang party; hindi nawawala 'yung typicial na set up na kailangan may:

Tank.

Support.

Range.

At DPS.

Tank ang tawag doon sa mga characters (sa videogames) na may matataas na life-points, at kadalasang malaki 'yung defense. Sila madalas 'yung nagto-taunt or nagpo-provoke sa mga monsters, sila rin yung madalas na tumatangke nang damage. Pero for a cause: para makagalaw ng mas madali ang mga ka-party n'ya, na sila namang kikilos para tapusin 'yung mga monsters na na-provoke nang tank.

Support naman ang tawag sa mga characters na kadalasang may kakayahan para palakasin, o i-heal 'yung mga party members. Kadalasan healer sila—'yan sinabi ko rin, pero may ibang supports kasi na mas malakas 'yung buff skills nila; tipong bibigyan ka nila nang blessings para lumakas 'yung weapon mo, tumaas agility mo, tumaas 'yung defense or mag-debuff kung sakaling tablan ka nang abnormal status. Madalas silang nasa likod at nag-oobserba, habang 'yung ibang mga players eh abala sa pakikipag-laban; hindi madaling maging support: kailangan mo nang matinding concentration at observation, dahil kailangan mong mamonitor 'yung bawat status nang mga ka-party mo.

Susunod naman ang Range. Tulad nang mga Supports, madalas din silang nasa likod, parang support na rin 'yung galawan nila, pero hindi sa healing at buffing matter. Kadalasang mga archers or caster 'yang mga 'yan at pang long-range lang talaga 'yung mga atake nila—pang-malayuan.

Ashereth | A Chronicle | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon