9

548 31 0
                                    

Chapter Nine - Reason
~~~

"Ano..."

"Hm?"

Isang babaeng may pulang buhok at thick-rimmed glasses ang ngayon eh nakatayo sa labas ng gate namin, at nakatingala sa bintana kung saan naman ako nakasandal at nagmumuni-muni.

"Baket?" Inaantok kong sagot, na sinabayan pa nang pag-hikab at pag-uunat. Pinagmasdan kong mabuti ang babae; hindi ko pa s'ya nakita dito—bagong lipat siguro sa subdivision.

Hindi naman sumagot ang dalaga, pero hindi rin s'ya umalis; iniangat lang n'ya ng bahagya 'yung dala-dala n'yang tupperware na para bang sinasabi sa'king ibinibigay n'ya 'yon sa'kin.

Napakamot naman ako.

"Sino 'yon?" Bulong ko habang nakataas ang kilay at pinipilit isipin kung ano bang pakay ng babaeng 'yon. "Baka mga nagbebenta na naman ng mga kung-ano-ano." Pailing-iling kong dagdag.

Lumabas na ako ng silid ko't bumaba patungong sala, pinagmasdan kong mabuti ang itsura nitong bahay namin habang marahan kong binubuksan ang doorknob.

"Maglilinis ako nito—" Nakapikit kong saad na may kasamang buntong-hininga. "Lagot na naman ako kay ermats nito pagnagkataon."

Huling linggo na nang bakasyon, at napagpasyahan ni Tanda na pwede na akong umuwi sa'min. Mas makakainam naman daw 'yon dahil mas makakapag-prepare ako para sa pasukan. Okay na okay sa'kin 'yon dahil sa wakas: hindi na ako mangangamoy sabaw ng mami, makakapaglaro pa'ko ng videogames maghapon, o kaya naman eh makakapagbabad na ako sa TV.

Pero ayaw ni Mama sa gano'ng set-up. Magiging makalat na naman daw 'yung bahay at siguradong tataas na naman 'yung singil sa'min sa kuryente dahil sa maghapon kong pagko-computer.

Hindi naman s'ya nagkamali do'n. Tama naman si Mama, pero ang point ko lang: mabuti nang ganito na 'yung lifestyle ko, kesa mag-adik pa ako tulad nang iba.

Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa gate namin, naroon pa rin 'yung babae. Tahimik na nakatayo, at talaga namang hinihintay akong makalabas. Hindi na sana ako bababa eh—ayoko kasing mag-entertain nang mga gano'n.

Una wala akong pera. Pangalawa, wala akong pake.

"Ano 'yan?" Tanong ko habang sinisilip ang dalaga sa mga pagitan nitong mga steel-bars na disensyo nang gate namin.

Hindi ko masyadong makita nang buo ang itsura ng dalaga, medyo malabo na rin kasi ang mata ko. Epekto daw 'to nang sobrang computer eh.

"A-ano..." Dinig kong sagot n'ya. "B-Bagong lipat kami dito sa street na 'to. G-gusto ko lang bigyan kayo nang kaunting—ah!"

Napatalon ang dalaga, nang bigla kong buksan 'yung gate.

"Pagkain ba 'yan?" Tanong ko sa kanya, habang marahang isinisiksik ang sarili ko sa kakabukas ko lang na gate namin. Hindi ko masyadong binuksan eh—just in case.

"Ah—" Sagot naman ng dalaga. "C-cookies lang—" Saad n'ya habang inilalahad ang hawak n'yang maliit na tupperware.

"Patinging nga." Sambit ko. Nilapitan ko na ang babae, para makita nang husto ang nilalaman noong tupperware. Sakto gutom na rin ako eh—anong oras na ba?

"Ano..." Mahinhing sagot ng dalaga. "E-eto..."

At ganoon na nga ang ginawa ng dalaga, ipinakita n'ya sa'kin ang ilang piraso ng chocolate-chip cookies na nasa loob nang hawak-hawak n'yang tupperware. Automatic naman akong dumukot at kumuha ng isa—bakit ba?

Ashereth | A Chronicle | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon