22

409 26 1
                                    

Chapter Twenty-Two
~~~


Kumakaripas, humahangos at pawisan kong tinatahak ang mataong alley, sa isa sa mga eskinita nitong siyudad ng Treno, habang nakatuon pa rin ang mga mata ko sa lalaking kumuha sa mga gamit ko doon sa dalampasigan.

Mabuti na lang talaga at medyo masikip dito, pareho kaming hindi—

"Anak ng—" Bulalas ko nang biglang tumalon sa isa sa mga bubong ang magnanakaw.

Napahinto ako saglit habang pinagmamasdan ang lalaking ngayon eh nakatingin rin sa akin, na para bang sinasabi niya na kailangan ko s'yang sundan. Sandali itong huminto at pagkuwa'y nagpatuloy na muli sa pagtakbo.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis, wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapakamot. Marahan akong napapikit at napabuntong-hininga.

"Susmaryosep..." Bulong ko sa sarili.

Dahan-dahan kong iniamba ang talampakan at mga tuhod ko, huminga ulit ako ng malalim, at pagkatapos noo'y dali-dali akong tumalon patungo sa pinakamalapit na bubong.

Ayoko naman talagang gawin 'to eh. Napaka-showy. Naku! Kung hindi lang talaga importante 'yung mga kinuha nang magnanakaw na 'yon—

"Babayaran ko pa 'yung armor eh—" Bulalas kong muli sa sarili. "Loko-loko 'yon ah?" Dagdag ko.

Muli kong itinuon ang aking paningin sa direksyon nang magnanakaw, nagmamadali pa rin itong tumatakbo at nagpapatalon-talon sa mga bubungan nang mga bahay dito sa alley. Hindi na ako nag-aksaya pa nang oras—

Itinuloy na namin ang habulan.

Matindi ang sikat nang araw, mahina pa ang ihip nang hangin, tagaktak na ako nang pawis at medyo nagsisimula nang mahilo dahil sa init, pero hindi ako nakakaramdam nang pananakit nang hita or tuhod—ni hindi rin ako masyadong kinakapos nang hininga.

Bago 'to. Kadalasan hindi ako tumatagal nang ten-minutes sa takbuhan eh, dahil na rin sa kulang talaga ako sa exercise. Pero itong ginagawa kong paghabol sa magnanakaw—parang hindi man lang ako napapagod.

Magaan pa nga ang pakiramdam ko.

"'Ba? Bago 'to ah?" Bulong ko sa sarili habang pinakikiramdaman ang mga tuhod kong patuloy pa rin sa pagkaripas. Wala talaga akong maramdamang pananakit eh.

Anong meron?

Nagpatuloy pa rin ako sa paghabol sa magnanakaw. Iba't ibang bubong na ang tinakbuhan at tinalunan namin, binilisan ko na nga nang sobra 'yung pagtakbo ko—ginamit ko na pati 'yung blink.

"Ang bilis no'n ah?"

Pero hindi ko pa rin magawang abutan ang magnanakaw.

Hanggang sa muling bumaba mula sa bubong ang magnanakaw, at nakita ko itong pumasok sa isang abandonadong simbahan—chapel s'ya actually, base na rin sa liit nito. Sobrang abandonado na 'to at halata namang hindi na nagagamit.

Bitak-bitak at kulang kulang na 'yung mga marmol na sahig sa hagdan nito na tumutumbok naman sa sira-sira at nabulok nang kahoy na pinto, basag na rin ang mga stained glasses nito't mga bintana, may cracks na rin 'yung mga pillars nito—parang konting lindol lang guguho na.

"Ba't naman kaya dito pumunta 'yon?" Tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang maliit na kapilya. Bumaba na rin ako't pinagmasdang mabuti ang paligid.

Tahimik ang buong paligid at parang wala 'atang dumadaang tao dito. Napalunok ako at huminga nang malalim. Mukhang napasubo ako sa kakahabol sa mangnanakaw na 'yon ah?

"Mukhang dito pa 'ata 'yung hideout nila..." Bulong kong muli sa sarili habang kinakamot ang magulo at basa sa pawis kong buhok.

Hindi ko naman inisip na umuwi na lang. Ano ako hilo? Ni hindi ko pa nga nasusubukan 'yung armor na huhulog-hulugan ko, tapos hahayaan ko lang? Naman! Hindi pwede—tsaka 'yung pinamalengke ko.

Ashereth | A Chronicle | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon