19

379 21 0
                                    

Chapter Nineteen - Regrets
~~~

Isa-isang nagsilabasan mula sa mga nagkakapalang mga damo, ang noo'y nagkukubling mga Exis, naka-amba ang matutulis nilang mga daliri at nakatuon ang nanlilisik na nmga mata sa amin.

Effective 'yung provoking skill ni Con, dahil sa kanyang direksyon lamang tumungo ang mga Exis.

"Kayo nang bahala. Thirty seconds lang ang tagal nito—" Saad n'ya.

Bigla kong naalala 'yung sinabi sa akin ni Nana. "Kapag may class ka na, bibigyan ka nang special skill—na isang beses, sa isang araw mo lang na magagamit."

"Hindi mo na ulit magagamit 'yan?" Tanong ko kay Con. Nangangamba akong baka hindi namin magawang ubusin ang mga 'to sa loob lang nang thiry seconds. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at sinubukang bilangin ang mga papalapit na Exis.

Five, eight, thirteen—

May mga nagsusulputan pa.

Fifteen—twenty-two—thirty?

"Thirty seven lahat?" Bulalas ko. Hindi ko maitatangging medyo sumakit ang ulo ko sa kakaisip sa kung anong klaseng pag-atake ba ang gagawin ko—namin. Bukod sa hindi ko pa talaga nakikitang umatake ang mga 'to—lalo na si Thea.

Eh ngayon ko palang naman sila nakasama.

Hindi ko alam kung anong kapasidad meron sila, si Con—bukod sa nakita ko s'yang namumutla't pawisan kahapon sa kakahayuan; eh wala na akong ideya kung papaano ba s'ya makipaglaban. Pati na rin si Yin, na sinagip ko naman mula sa Boss-Exis sa Prestigos.

Wala akong kaalam-alam kung ano at kung papaano ang mga estilo nila sa ganitong sitwasyon. Ayoko namang kumilos at magbara-bara. Marami kami. Ayokong may madamay dahil sa kapusukan ko.

Ayoko nang maulit ang nangyari dati...

~~~

"Takbo na!" Sigaw ko kina Gagay at Gerson. "Bumalik na kayo sa campsite at humingi na kayo ng tulong sa mga campers do'n!" Dagdag ko.

Kitang-kita sa mga mata nang magkapatid ang takot at hilakbot habang pinagmamasdan nila ang nakatatanda nilang kapatid na si Gareth, na duguan at wakwak ang laman sa magkabilang binti na nagmula naman sa patuloy na pag-atake nang maliit... Subalit nakakatakot na nilalang.

Sandaling hindi nakapagsalita ang magkapatid. Nakatuon pa rin ang kanilang paningin sa nanghihina nilang kuya.

"Takbo na!" Sigaw kong muli. "Bilisan n'yo!" Dagdag ko.

Doon na lamang bumalik sa huwisyo ang magkapatid at mabilis na napa-iktad. Dali-dali nila akong nilingon at mabilis na tumango. Isang sulyap ang huli nilang ibinalik sa kuya nilang si Gareth, bago sila tuluyang tumakbo pabalik nang campsite.

"Van!" Sigaw ni Gareth. "T-tulungan mo 'ko!" Samo niya.

Patuloy pa rin sa pag-atake ang nakakatakot na nilalang, paulit-ulit nitong pinagsasaksak ang hita at binti ni Gareth, gamit ang matutulis nitong mga daliri—kinagat rin niya ang mga ito't dahan-dahang hinila ang laman hanggang sa tuluyan na itong humiwalay sa duguan at manilaw-nilaw niyang buto.

Nanlumo ako sa mga nasaksihan ko't para bang wala na akong ibang magagawa kung hindi ang lumuhod at lumuha. Natataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin.

"Tulong..." Dinig kong bulalas muli ni Gareth.

Pero hindi ko talaga alam ang gagawin. Kaya lang ayoko namang tumunganga lang at panoorin habang dahan-dahang nauutas ang kaibigan ko sa kamay nang nakakatakot na nilalang na ito.

Ashereth | A Chronicle | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon