Season 2 [Teaser]

824 45 18
                                    

Season 2 - Paradigm of Uncertainty
~~~


Hindi ko na alam kung anong oras na kami ginising ng kapitan nitong lumilipad na barko. Basta ang alam ko: pungas-pungas pa ako nang nagtungo kami sa kubyerta nitong airship, doon ko na lang din napansing wala na pala kami sa himpapawid.

"Nasaan tayo?" Ingit ko kay Con na wala namang naisagot kung hindi ang isang mabagal na pag-iling na sinabayan pa nang marahang pag-angat ng kanyang balikat.

Wala na kami sa himpapawid, maliwanag na sinisinagan nang buwan at libo-libong mga bituin sa langit ang madilim, kalmado, at napakalawak na karagatang tumutulak sa barkong sinasakyan namin, patungo sa isang mataas at hindi ko masyadong maaninag na tore.

Makapal kasi masyado ang hamog, bukod sa ilaw sa tuktok nitong tore na nilalapitan namin eh wala na akong iba pang makita. May ilang mga torches sa paligid---o kung torches nga ba 'yon. Hindi ko kasi talaga maaninag---siguuro inaantok pa talaga ako.

"Nasaan na tayo?" Tanong ko ulit. Sa pagkakataong 'to, hindi na ako lumingon. Nagsimula na rin kasi kaming balutin ng hamog habang mas lalo kaming lumalapit sa nasabing tore.

"Humanda kayo, magsisimula na ang unang pagsubok." Dinig ko namang sagot sa akin ng isang pamilyar na boses.

"N--Nana?" Ingit ko.

Sakto namang naramdaman kong may parang tumabi sa akin, kung hindi ko pa ikinurap ng paulit-ulit at kinusot ang mga mata ko, hindi ko mapapansing si Nana na pala talaga ang katabi ko. Nakahalukipkip ang mga braso nito habang diretso itong nakatayo at nakatingin sa direksyon ng tore.

"Pagsubok?" Kunot-noo kong sagot. "U--uumpisahan na nila? Agad-agad?!" Bulalas ko.

Subalit isang ngisi lang ang isinagot sa akin ni Nana. Umiling-iling ito't marahang umalis mula sa aking tabi. Sinubukan ko s'yang pigilan at tanungin kaya lang, bigla naman akong nahinto nang tumigil sa pagkilos ang barko at muli na namang nagsalita ang kapitan.

Huminto ang barko sa tabi ng isang luma at nilulumot na piyer. Medyo numipis na rin ang hamog. Nanatilo akong tahimik.

"Pamilyar na siguro kayo sa parteng ito ng paligsahan." Simula nang kapitan. "Mula sa walumpung mga koponan nang Volunteers at walumpung mga Elites ay pipili lamang kami ng tig-sampu. Sabihin na nating, isa itong: elimination round." Salaysay niya.

"Elimination round?" Bulong ko sa sarili.

"Ang sinumang koponan na makarating sa tuktok nitong tore, ang s'yang magpapatuloy para sa susunod na level nang patimpalak." Saad ng kapitan.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay mabilis siyang tumalon pababa nitong barko.

Hindi ko alam, pero bigla akong napangisi sa sinabing iyon ng kapitan. 'Yun na 'yon? Ganoon lang kadali 'yon? Anong Elimination ang mangyayari kung aakyat lang naman kami ng tore?

"Madali lang naman pala." Bulong ko kay Con. "Tara na--" Naudlot kong sambit.

Umalingawngaw sa paligid ang ingay na tila ba nagmumula sa mga kadenang isa-isang hinihila at mga pintuang bakal na isa-isang nagsisibukasan at malakas na humakampas sa buhangin nitong islang kinatitirikan nitong mataas na tore.

"Anong--"

Sunod-sunod na yabag ang mabilis kong narinig, at kung pakikinggan kong mabuti: sigurado akong hindi lang sa isang bagay nagmumula iyon---marami. Dali-dali kong hinawakan ang nagliliwanag kong patalim at alertong inobserbahan ang paligid.

Hanggang sa---

"Anak ng--" Bulalas ko.

Dose-dosenang mga nanlilisik at nagliliwanag na dilaw na mata ang isa-isang nagsisulputan mula sa hamog, Kapansin-pansin rin ang iba't ibang hugis nang mga aninong isa-isa nang nagsisilapitan sa barkong kinatatayuan naming mga Adventurers.

May mga malalaki, pero karamihan ay mga maliliit. Napabuntong hininga ako't mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa noo'y nagliliwanag kong patalim.

Tama ka, Exis nga ang mga 'to. At hindi lang sila ordinaryong mga Exis: may mga malalaki rin at kung hindi ako nagkakamali'y mga boss-Exis ang mga 'yonl; hindi ko lang alam kung anong class.

Pero kahit na. Mahirap pa rin kung magsasawalang bahala ako.

"Magkita-kita na lang tayo sa itaas!" Dinig kong sigaw ng kapitan. "Simulan na ang patimpalak!" Dagdag niya.

Pagkatapos noo'y isa-isa nang nagsi-suguran ang mga Exis patungo sa amin. Nanlaki ang mga mata kong makita ang limang naglalakihang mga Boss-Exis na tumalon at ngayo'y patungo sa aking direksyon.

Subalit sa isang banda: napangisi ako.

"Heh." Ingit ko habang mas lalo kong hinihigpitan ang pagkakahawak sa mas nagliliwanag kong dagger.

Mukhang hindi ako maiinip dito.

***

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ashereth | A Chronicle | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon