20

391 26 1
                                    

Chapter Twenty - Inevitable Past
~~~


Nagmamadali kaming lumabas ni Gagay sa maliit na kweba, para tignan kung ano ba ang nangyari kay Gerson, noong gabing 'yon. Nataranta at naalarma kasi kami nang bigla na lang namin siyang narinig na sumigaw, matapos ang sunod-sunod na pagyanig.

Iniwan namin si Gareth sa kweba, natutulog s'ya noon at nagpapahinga matapos naming buhusan nang kakaibang likido ang sugat na natamo n'ya sa halimaw na nakasagupa namin sa kakahuyan.

Isang halimaw na may kakaibang itsura, maliit lamang ito pero kakaiba ang lakas—

Nakakatakot.

"Steady lang muna tayo," Bulong sa akin ni Gagay, habang iginagala ang paningin sa paligid. Bukod sa ingay nang talon, at sa payapang agos nang maliit na ilog; wala na kaming iba pang napansin na kakaiba.

Kahit si Gerson wala.

"Nasaan na si—"

Naudlot ako sa pagsasalita nang bigla na namang umalingawngaw ang sigaw ni Gerson, na sinundan muli nang sunod-sunod na tunog nang pag-yabag nang tila ba mala-higanteng mga paa na may kasamang maya't mayang pagyanig nang lupa.

Napaurong ako nang kaunti, hanggang sa mapasandal ako sa basang batong dinaraanan nang maliit na talon. Nakaramdam ako nang kakaibang kaba—nakaramdam ako ng takot.

Lalo pa noong nagsimulang magsi-galawan ang mga matatayog na punong nakatayo sa buong paligid. Parang may kung anong humahawi sa kanila, patuloy pa rin ang sunod-sunod na mga yabag... At habang tumatagal ay parang mas lumalakas pa ito...

Parang may kung anong papalapit sa amin.

"Kuya! Kuya!" Dinig kong sigaw ni Gerson mula sa 'di kalayuan. "Bitawan mo ako! Kuya! Tulong!" Dinig kong sigaw niyang muli.

Nagpalinga-linga kami ni Gagay, subalit hindi pa rin namin matanto kung saan ba nagmumula ang sigaw na 'yon. Hanggang sa muli na namang nagsigalawan ang mga puno.

Kitang-kita ko kung papaano nagsiliparan ang mga paniki at ibong mahimbing na nakahimlay sa mga nagkakapalang sanga nang mga punong bigla na lamang nagsitumbahan, umalingawngaw rin ang mabilis na pagkalaskas nang mga dahon at sangang dahan-dahang hinahalikan ang masukal at maputik na lupa.

Muli na naman naming narinig ang mga yabag, at mas lalo na akong natakot nang sinabayan pa ito nang isang nakakatakot na ungol.

"A-ano 'yon?" Tanong ko kay Gagay, na hindi naman sumagot—bagkus ay tinitigan lamang ako't napailing.

Kitang-kita ko kay Gagay na tulad ko'y balot na balot na rin s'ya nang takot. Hindi lang talaga niya ipinapahalata—ganoon naman si Gagay: sa sobrang idol n'ya si Gareth—ipinapakita n'yang kasing tatag niya 'to.

Pero hindi naman n'ya kayang itago, pilit man n'ya itong ikubli; hindi naman kataka-taka na talaga namang mahina ang loob n'ya sa maraming bagay.

Muli na namang sumigaw si Gerson, at muli na naman kaming nagpalinga-linga. Hindi kami umalis sa kinatatayuan namin—dahil hindi naman namin alam kung ano bang meron o kung ano ba ang nangyari kay Gerson.

Hindi namin pwedeng iwanan si Gareth, hindi safe ang lugar lalo pa't naglipana sa kakahuyan ang mga nakakatakot na halimaw na 'yon. Hindi naman kami mapakali dahil gusto rin naming malaman kung nasaan si Gerson.

Nagsisimula na akong mataranta. Ayoko nang ganito—ipit na ipit ako sa sitwasyon.

Lalo pa nang magsimulang magsi-sayawan ang mga nagkakapalang damo sa paligid, at mula roo'y isa-isang nagsilabasan ang mga maliliit na aninong halimaw. Napaiktad kami ni Gagay at inihanda ang sarili habang kumakaripas ang mga ito patungo sa direksyon namin.

Ashereth | A Chronicle | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon