18

479 24 1
                                    

Chapter Eighteen - Nesha
~~~


Gaya nang inaasahan: maaga kaming nagsibangon nina Thea, Yin, Sekmeth, Con at Nana kinaumagahan. Siguro mga nasa alas-singko y medya palang eh nasa kusina na kami't inaantok na pinagsasaluhan ang agahang nakalapag sa lamesa, na niluto naman ni—

"Ang sarap nito Van ah!" Bulalas ni Con, habang patuloy na nilalantankan 'yung niluto kong omelet.

"Ah—" Nakangiti at nagkakamot kong sagot sa kanya. Muli kong hinarap ang kawaling nakasalang sa kalan at dali-daling hinalo ang sinangag na kanina ko pa niluluto.

Hindi ko alam kung anong oras ako ginising ni Nana kanina, basta alam ko kulang ako sa tulog. Nakailang hilamos na ako pero parang tinambayan ng buhangin 'yung mata kong mamula-mula't parang nanunuyo pa sa sobrang antok.

"Bukas, Con—" Dinig kong bulalas naman ni Nana. "Ikaw naman ang nakatoka para sa agahan." Saad n'ya.

"Eh?" Gulat na gulat na bulalas ni Con.

"Hindi naman pwedeng si Van lang 'yung palaging naka-toka sa kusina." Sagot ni Nana. "Kasama 'to sa mga gawain n'yo dito sa Guild House—bilang member ng Existalsis." Malumanay n'yang dagdag.

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabing 'yon ni Nana. Mabuti naman, akala ko araw-araw na akong gigising nang maaga para lang ipagluto sila ng almusal.

"Magtetraining po ba tayo ngayon?" Dinig kong tanong ni Thea kay Nana. "'Yun po kasi 'yung narinig kong sabi n'yo kagabi—"

"Hinde." Mariing sagot ni Nana.

Natigilan ako. Sandaling natahimik ang kusina, marahan kong tinitigan sina Con at ang iba pa na tulad ko'y pare-pareho kaming nakakunot ang mga noo't nakataas ang mga kilay.

"Akala ko ba—" Mahina kong bulong.

"Magpapagawa tayo nang mga gagamitin n'yong weapons, para sa tournament." Saad ni Nana na ngayo'y humihigop naman nang mainit na kape. "Lalabas tayo nang Treno—pupunta tayo sa Fortuna." Dagdag n'ya.

Hindi pa rin kami nagsalita. Para bang hinihintay pa namin na ituloy ni Nana 'yung mga sasabihin n'ya.

"Ayokong lumaban kayo na puro combat skills lang ang alam." Simula muli ni Nana. "Alam kong kasama na 'yon sa mga basics na kailangan n'yong matutunan para maka survive sa tournament, pero mas kailangan n'yo nang matitinog weapon. Ikaw Van—" Dali-dali naman akong lumingon.

"Ha?" Nagtataka kong sagot.

"Ipapaayos ko 'yang shard mo ah?" Sagot ni Nana. "Nagagamit mo man bilang weapon 'yan—o kasangkapan sa pagluluto; malaki pa rin ang posibilidad na masira 'yan—" Sagot niya.

"Eh? Totoo?" Tanong ko. Tumango naman si Nana.

"'Yung mga shards namin—'yung piraso nang maalamat na espadang hawak namin, eh nangangailangan rin nang maintenance ah—" Sagot sa akin ni Nana. "Kahit sabihin mo pang makapangyarihan 'to, hindi pa rin natin maipagkakailang isa pa rin itong kasangkapan na nangangailangan ng masinsinang pag-aalaga." Dagdag n'ya.

Hindi ako nakasagot sa sinabing 'yon ni Nana. Kung tutuusin may point naman s'ya eh. Dali-dali kong hinango ang kawali kung saan naroon ang mainit at bagong lutong sinangag at marahang isinalin ito sa isang malaking mangkok at maingat na inilapag sa lamesa.

Pagkatapos eh muli akong nagtungo sa lababo kung saan isa-isa ko nang tinipon ang kalat—mga pinagbalatan nang sibuyas, bawang, mga tumalsik na kamatis. Isa-isa ko na ring inilagay sa lababo 'yung mga kasangkapang ginamit ko sa pagluluto para linisin. Bigla naman akong natigilan nang abutin ko 'yung paborito kong patalim.

Ashereth | A Chronicle | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon