[24: Season Finale]

508 25 0
                                    

Chapter Twenty-Four - Sovereign [Volunteer's Faction]
~~~


Maingay na kalabog mula sa sunod-sunod na paghampas nang mga naglalakihang tambol at nakakarinding mga trumpeta ang gumising sa akin kinabukasan. Isama mo pa 'yung mga tili at halakhakan nang mga taong tila ba manghang-mangha sa pinapanood nila.

"Anong meron?" Bulong ko sa sarili habang marahang nilalapitan ang bintanang katabi lamang nang kamang hinihigaan ko. Dumungaw ako roon saglit at laking gulat ko na lang nang makita ang daan-daang mga tao sa ibaba.

May parada, at kung mamalasin ka nga naman: sa tapat pa nitong kwartong tinutulugan ko.

Nanatili akong nakadungaw sa bintana, habang pinagmamasdan ang magulong paligid sa ibaba. May mga makukulay na banderitas, mga taong nakasuot ng costumes at body paint, may mga payaso na nag-jujuggle—mga naka-sakay sa unicycle, may bumubuga ng apoy—mga floats kung saan naroon ang mga naggagandahang mga dilag na halos mangawit na ang labi kakangiti at kakakaway.

Naroon rin sa ibaba ang mga banda, tambol, trumpets, gitara—xylophone. In short: maingay—

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili habang nililingon ang relo na nakapatong naman sa side-table.

"Late ka na." Dinig kong sagot ng isang boses.

Napaiktad naman ako nang makita si Grendel na naka-upo sa kamang nasa kabilang dulo naman nitong kwarto. Suot-suot na niya 'yong baluti niyang itim at hawak-hawak ang sandata niyang palakol. Nakatingin ito sa akin at nakangisi na tila ba nag-uuyam.

"L-late?" Taas kilay kong sagot sa kanya.

Nagtitigan lang kami. Ako nakakunot ang noo, habang siya naman eh mariing nakatitig sa akin at patuloy pa rin akong nginingisian.

"Eh?" Ingit ko sa kanya. "Anong meron?" Tanong ko ulit.

Dito na ipinakita sa akin ni Grendel ang isang piraso ng parchment kung saan naroon at nakasulat ang ilang mga letra. Hindi ko masyadong pinansin ang mga nakasulat roon, pero nakatawag ng pansin sa akin ang logong naka-imprenta doon.

Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko, mabilis na bumaba mula sa aking ulo ang isang napakalamig na pakiramdam, pinagpawisan ako kaagad.

"Nasaan na sila?!" Bulalas ko kay Grendel habang nagmamadali akong tumayo at kinuha ang pantalon kong nakasabit sa likod ng pintuan.

"Sa plaza." Sagot ni Grendel. "Halos kakaalis lang din nila—bilisan mo, maraming tao sa labas—"

Wala akong ibang naintindihan sa sinabi ni Grendel kung hindi 'yung "Plaza". Mabilis kong hinablot sa kanya ang papel na hawak niya't dali-daling lumabas nitong silid, habang nag-aayos ng buhok.

Wala ng ligo-ligo—wala na ring almusal-almusal. Bakit ko ba nakalimutan ang tungkol dito?!

"Ngayon nga pala 'yung Festival!" Bulalas ko sa sarili habang nagmamadaling lumalabas nitong Guild House.

~~~

Tama nga naman ang sinabi ni Grendel. Kaibahan sa dami ng tao noong isang linggo—doble 'ata o triple ang bilang ng mga tao ngayon dito sa Treno. Nagdagsaan ang iba't ibang mga Adventurers, patok na patok rin ang mga tindero ng gears at items dito—lahat ng stalls halos puno. Umingay lalo 'yung buong siyudad.

"Nasaan na kaya 'yung mga 'yon?" Saad ko sa sarili habang nagpapalinga-linga.

Hindi ko naman sinasadyang mapalingon sa mga stalls a nagtitinda ng samu't saring mga pagkain. Automatic namang nagparamdam ang sikmura ko—kumalam ito ng paulit-ulit, lalo pa noong umabot sa aking ilong ang aroma ng iniihaw na pusit.

Ashereth | A Chronicle | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon