12

473 31 0
                                    

Chapter Twelve - Van's Past
~~~


Bagong lipat kami noon sa probinsiya, bagong lipat na naman. Madalas kasi kaming magpalipat-lipat nang bahay ni Mama, simula nang mawala si Papa; madalas rin akong nagpapalipat-lipat nang eskwelahan, ang ending: wala akong matinong kaibigan.

Pero okay lang naman, nasanay na rin naman akong mabuhay nang nakatutok lang sa tv—lalo na sa computer, most preferably: videogames. Halos kalahati nang childhood ko ginugol ko sa kakalaro nang videogames, may mga times na nababagot ako, may mga times na hinde. May mga times na tinatamad ako, pero madalas 'yung inaabot na ako nang umaga kakalaro.

Pero nag-iba ang lahat nang makilala ko si Gareth. Si Gareth ang unang taong naging kaibigan ko sa eskwela, sa lugar kung saan normal nang pagtripan nang mga old-students ang mga transferees, since bagong lipat kami at bagong salta ako sa school noon; walang araw na hindi ako binubuyo nang mga bullies d'on.

Pero okay lang, lumalaban naman ako eh. 'Yun lang, hinahayaan ko na lang. Lalo lang akong pagtitripan nang mga bullies dito kung magsusumbong pa ako o manlalaban—maaabala pa si Mama.

Tinulungan ako ni Gareth noon, doon sa pambubully no'ng kaklase kong pinaglihi sa kasibaan. Hindi ko naman talaga kailangan nang tulong noon, nagkataon lang na dumaan si Gareth no'n—naka duty kasi s'yang rumonda no'n sa school as member ng council.

Elementary lang kami no'n, pero may mini-council na talaga sa school na 'yon. Para lang ihanda 'yung mga chikiting for greater responsibilities just in case, sumali sila sa mga communities pagtanda nila.

Nagulat nga ako no'n, kasi wala pa namang ginagawa si Gareth no'n, pero umalis na kaagad 'yung baboy kong kaklase. Mas nagulat ako no'ng mga sumunod na araw, halos hindi na ako madikitan nang mga bullies sa school. Lalo na noong—no'ng halos araw-araw ko nang kasabay na pumapasok sa school si Gareth, kahit sa uwian sabay kami.

Sa parehong village kasi kami nakatira ni Gareth, at nagkataong parehong street din. Gaya nga ng sinabi ko: member s'ya nang school council, pero hindi 'yon ang dahilan kung bakit iniiwasan ako nang mga estudyante dito sa school.

Kung bakit iniiwasan si Gareth sa school.

Kung tutuusin, secretary lang si Gareth. Napakawalang kwentang trabaho—utusan. Kaya malabong 'yun ang dahilan kung bakit s'ya kinakatakutan dito.

Naalala ko tuloy noong second year highschool na kami.

"Oy..." Dinig kong bulong sa akin nang isang lalaki, isang tanghali habang kasalukuyan akong kumakain ng lunch.

"Hm?" Lingon ko.

Tatlong siga na nakabukas ang polo ang ngayo'y nasa likuran ko't, parang gusto akong pagtripan. Pinapalagutok pa nila 'yung mga daliri nila, para namang matatakot ako.

"Ano... Pasensya na, nahuli ako—ang haba ng pila sa canteen." Biglang sabi ni Gareth, habang dahan-dahan n'yang ipinapatong ang isang tray na puno nang pagkain, sa lamesa kung saan ako nakapwesto.

Nilingon ko ulit 'yung mga siga, na mabilis namang nagsitakbuhan. Halos matawa ako habang pinapanood silang nagkakamaot at pailing-iling, habang nagmamadaling naglalakad papalayo dito sa gymnasium. May muntikan pa ngang madapa!

"—Hindi mo naman sinabing tropa pala ni Garenth 'yon!"

"Sinabi ko! 'Di ka naman naniwala—gago!"

Sa huli, sila na rin 'yung nag-away-away. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang matawa sa katangahan nila.

Maraming siga dito sa school. May mga small time na bullies—'yung mga nasa elementary, na wala namang ibang ginawa kung hindi ang manguha nang baon nang may baon, okaya mang-asar; pare-pareho lang namang uhugin. Pero 'yung ibang mga elementary na ang grade eh nasa five and six—medyo iba ang galaw, may ibang sumasabay rin sa suntukan nang mga highschools.

Ashereth | A Chronicle | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon