Prologue

103 6 0
                                    

Pauwi na ako ng bahay namin galing ako as usual sa bahay ni Francisco.

Kung mukhang scary ang bahay ni Francisco dahil mukha itong abandonado at haunted — mas nakakatakot pa rin maglakad ng gabi at mag isa dito sa bago naming nilipatang subdivision.

Mas binilisan ko pa ang paglakad ko at  sobrang diin ng paghawak ko sa sling bag at napatingin ako sa likod dahil pakiramdam ko talaga may sumusunod sa akin.

Maya-maya pagharap ko may isang kalbong lalaki ang nasa harapan ko.

  Napasigaw ako ng malakas at tumumba pa ako. Yung mga mata niya ay purong itim at may dugo dugo pa yung ulo niya at may mga bubog pa rito.

  Mas lalong napalakas ang sigaw ko nang makitang tumatakbo ito papalapit sa akin kaya napatakip na lang ako ng mata.

  Mga ilang segunda pa ay parang biglang natahimik kaya dahan dahan kong binaba ang nakatakip kong dalawang kamay sa mga mata ko at may lalaking nakaputi ang nasa harapan ko na.

  Isang matipuno at talaga namang ka gwapong lalaking iyon. Dahan dahan itong humarap sa akin na hingal na hingal pa.

Francisco?! tawag ko dito. Ngumiti ito sa akin habang hinihingal siya.

  Tumayo ako sa pagkakatumba ko habang hindi inaalis ang tingin namin sa isa't isa.

Lumingon lingon ako sa palagid para hanapin yung kalbong multo daw na nagpapakita tuwing gabi — na nakita ko rin.

Binalik ko ang tingin ko kay Francisco at nakangiti pa ring itong nakatitig sa akin.













Kindly vote and comment guys! Kung sa tingin niyo ay deserving.

This is not yet the book 2. This is just some moments they had, before malaman ni Vivian kung sino at ano ba talaga si Francisco Kang.

Please support it guys!

~TAEYEONIE

Adventure of Francian On Spooky SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon