AFSS #9

17 2 0
                                    

AFSS #9: What happened?! Ghost!

Francisco POV

  Di ako makapirmi dahil sa ito ang unang beses na hindi ako dinalaw ni Vivian.

Para akong nawawala sa sarili, paikot ikot ako sa buong lumang bahay namin kakahintay lang sa kaniya.

  Lagi naman niya akong pinupuntahan at lagi niyang kinukuwento ang mga nangyayari sa kaniya kada araw. Pero iba ngayon, asan ba siya?

Ayos lang kaya siya? May nangyari bang masama sa kaniya? May sakit kaya siya?

Mag isa lang ako dito sa lumang bahay namin. Si Marie, hanggang tanghali lang dito para maglinis lang.

  Sanay naman akong mag isa dati dito nung naghihintay ako na may tumira dito pero simula nung nakilala ko siya biglang nagbago. Pakiramdam ko ay parang buhay pa ako.

  Naramdaman ko ang presensiya ni Vivian mula sa labas para salubungin pero sa nakikita ko ngayon. Mukhang sobrang lalim ng iniisip niya.

  Nilagpasan lamang niya ang bahay ko?

Lumabas ako hanggang sa gate para tingnan siya. Ano bang nangyari sa kaniya?

Di ko na siya tinawag pa at bumalik na lang ako sa loob at dumiretso sa silid ko.

  Umupo ako sa kama ko at wala akong iba iniisip kundi siya. Tumayo ako at lumakad pabalik balik kakaisip sa kaniya.

  Lumutang ako sa ere at humiga. Ipinagdikit ko ang kamay ko saka ko ipinuwesto ako likod ng ulo ko.

  Para nga akong nakahiga pero sa ere. Nakalutang ako kasabay ng paglutang ng isip ko.

  Kung iniisip niya na nakakalipad ako? Kaya ko naman pero hindi ganung kataas at di parang ibon na malayang nakakalipad.

Hanggang sa di ko namalayan na sumikat na pala ang araw. Buong magdamag siya lang ang nasa isip ko.

  Mayamaya pa ay may naramdaman na naman akong presensiya ng tao sa ibaba kaya lumabas ako kaagad ng silid ko at bumaba para tingnan kung sino iyon. Pero nadismaya ako dahil si Marie lang pala iyon.

Naisipan ko na lamang na pumunta sa bakuran sa may halamanan at ginamit ko ang pwersa ko para pagalawin ang mga tuyong dahon at inipon lahat ng iyon sa isang banda.

  Matapos nun ay nilaro ko iyon. Kahit papaano ay natutuwa ako sa ginagawa ko dahil para itong ipo ipo na iniikot ang kamay ko tapos gumagana ang kapangyarihan kong puwersa kaya gumagalaw ang mga dahon.

  "Tama na ang laro Francisco. Kailangan ko nang sunugin ang mga iyan. Salamat sa tulong mo at hindi ko na pa kailangan magwalis pa dito." Utos ni Marie sa akin at lumapit siya sa mga nilalaro kong tuyong dahon kanina at sinunog nga iyon.

  Walang anuman. Babalik na ako sa loob. Paalam ko at naglaho na lang ako at pumunta sa ikalawang palapag ng bahay namin.

  Walang masyadong alikabok ang bahay dahil sa ako rin ang naglilinis dito. Lumipas ang mga oras ay umalis na si Marie.

Mag isa na uli ako dito. Tulad nang lagi kong ginagawa ay tinitingnan ako ang mga litrato naming magpapamilya.

  Gusto kong balikan ang mga panahon na buhay pa ako. Gusto ko nang makita sina ate at kuya. Gayundin, sina ama't ina.

  "Francisco!" Nakarinig ako ng isang tinig ng babae mula sa baba kaya agad ako bumaba at laking gulat ko na si Vivian iyon.

  Tumakbo siya sa akin at niyakap ako.

  "Na miss kita Francisco!" Sabi niya habang yakap ako kaya ginantihan ko rin siya ng isang mahigpit na yakap.

Vivian POV

Adventure of Francian On Spooky SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon