AFSS #10

12 1 0
                                    

AFSS# 10: New Member

Vivian POV

  Sinara ko na ang locker ko at ni lock iyon matapos kong ilagay ang ilang libro doon na gagamitin ko bukas para kaunti lang ang bitbit ko.

  Habang papalabas ako ng university ay may biglang humintong familiar na sasakyan sa harap ko na siyang ikinagulat ko.

  Iniluwa nun si Rusio at naglakad iyon papalapit sa akin. Paano niya nalaman na dito ako nag aaral? Sinabi kaya...

  "Vivian? Pauwi ka na ba?" Tanong niya nang makalapit na sa akin.

May ilang mga istudyante na ang napapatingin sa amin. Halos mga babaeng kinikilig at naggu gwapuhan sa kaniya. Yung iba naman ay humihinto sandali para picture an siya saka tumatakbo paalis.

  O-Oo. Paano mo nga pala nalaman kung saan ako nag aaral? Napapangiti siya sa mga nakikita niyang student na babae saka binaling ang tingin sa akin.

  "Your little brother told me." Tulad nga ng naisip ko si Nathan lang ang nagsabi sa kaniya.

  I see! Bakit ka nga pala nandito? Wala ka na bang klaseng tuturuan? Tanong ko uli.

  "Wala na. Hanggang 3pm lang ang klase ko and no meetings. Gusto sana kitang makausap kahit ilang minuto lang kung hindi ka busy." Napapakamot pa siya sa batok niya. Ang cute niya sa ginagawa niya.

  Ayos lang. Wala namang masyadong binigay na trabaho mga professors ko ngayon. Saka 4pm palang naman. Pangiti kong pagpayag.

He leads me to get in his car and he starts the engine and he begin to drive.

Pumunta kami sa isang coffee shop at um order siya ng isang black coffee and iced tea sa akin.

Nakapwesto kami malapit sa may glass wall kaya kita namin yung mga tao sa labas.

  "Vivian?" Tawag niya kaya automatic akong lumingon rito.

"About nung isang araw. I'm really sorry. Nadala lang ako. " malungkot niyang saad.

Ano ka ba? Ayos nga lang yun. Wala yun. Pangalawang beses mo na itong nagso sorry. Bigla siyang ngumiti kaya ginantihan ko rin ito ng matamis na ngiti.

"Here's your Black Coffee Sir.? And here's your Iced Tea Ma'am." Nilapag niya ang mga order saka ito nag 'thank you' at umalis.

"Kaya kita gustong kausapin, tungkol pa ito sa offer mo sa akin." Humigop siya sa black coffee niya at nakikita ko pang mainit iyon dahil sa usok na lumalabas.

  Wala man lang ihip ihip ito. Para bang wala lang sa kaniya ang init at hindi siya napapaso.

  Ah. Yun ba? Kalimutan mo na iyon. Ibinaba niya yung mug niya at halos makalahati na niya ang Black Coffee niya.

  "No! Payag na akong sumali. Gusto ko naman pakinabangan itong kakayahan ko. Tulad nga ng sinabi mo na regalo sa akin ito. I realized that, I am not the only person having this kind of curse until I saw you. I hope you would help me to guide me." Pinatong niya sa ibabaw ang isang kamay niya sa isang kamay ko na nakapatong sa table at titig na titig ito sa mga mata ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa namin. Napakabilis ng tibok ng puso ko na para bang tumakbo ako ng sobrang bilis at ang mga paa ko ay medyo nanginginig.

  Hindi ako nai inlove sa kaniya to tell you honestly. Mataas ang respeto ko sa kaniya bilang naging teacher siya ni Nathan. Pero bigla talaga ako nakaramdam ng kaba.

  Ayos! Welcome to our league.  Hindi ko na lang ininda iyon at sumagot sa kaniya.

"Thank you!" Bigla siyang ngumisi sa akin.

After ng pag uusap namin ay hinatid na niya uli ako sa subdivision for my safety na rin daw.

  Thank you sa paghatid. Next time na lang siguro kita ipapakilala kay Francisco. Ingat ka sa pagda drive. paalam ko bago bumaba.

  "Your welcome. Ingat ka rin sa pag uwi mo and thanks for inviting and joining me." Binagsak ko na ang pinto at saka ito umalis.

  I feel really something strange while he was touching my hand. I suddenly felt so uncomfortable, danger, creepiness.

Napailing na lang ako baka siguro di ko pa siya ganung kakilala kaya jina judge ko siya agad.















******************************

Thanks for reading!

I'm so excited dahil babalik na talaga ang Super Junior! Can't wait to their latest songs.
ELF feels~

~TAEYEONIE

Adventure of Francian On Spooky SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon