AFSS #4

31 3 0
                                    

AFSS #4: Date the Handsome Ghost

Francisco POV

      Masayang masaya kong inaayos ang buhok ko ngayon sa harap ng salamin — na tanging ako lang ang nakakakita ng repleksyon ko.

   Pinagpag ko ang sarili ko at inaayos ang suot kong damit habang pumipito pa. Bukod kasi sa nahahawakan pala ako ni Vivian na para bang isang buhay na tao ay pumayag siya na magtagpo kami.

  Walang multo kaming tutulungan kundi ilalaan lang namin ang buong maghapon namin sa isa't isa.

   Bumaba ako ng bahay at naramdaman kong may tao sa kusina. Kaagad akong dumiretso doon at saktong naglilinis si Marie.

  Si Marie ay nakababata kong kinakapatid dahil inampon siya nina Ama at Ina nung panahon. Ang hindi ko lang lubos na maunawaan ay para siyang alipin dito sa bahay pero bukal naman sa kaniyang kalooban ang serbisyong ibinibigay niya sa amin.

  Naalala ko na isa siya sa mga taong nakita ko bago ako mawala dito sa mundong ito. Tanging siya lang ang nanatili dito nang ako'y bumalik bilang isang di nakikitang nilalang.
Napakarami nang nagbago sa kaniya. Ang mapuputi at mahabang buhok hanggang bewang, kulubot na balat at marami na siyang iniindang sakit. May asawa siya yung hardinero namin dati tapos nagkaroon sila ng dalawang anak pero bumukod na ito sa kaniya at patay na rin ang kaniyang asawa.

  Tanging itong bahay ang natitira niyang trabaho at sa mga suweldong ipinadadala sa kaniya ni ate.

  Pumwesto ako sa kaliwang gilid niya para humingi ng pabor.

  Marie. Tawag ko at tumalikod ito sa akin.

  "Ano yun Francisco? May kailangan ka ba? Mukha yatang masaya ka ngayon ah? Naririnig pa kitang pumipito at halata sa tono ng pananalita mo ngayon." Masayang niyang wika.

  Sa likod mo Marie. Natatawa kong sinabi at ngayon ay kaharap na niya ako.

  Hindi niya ako nakikita pero naririnig niya ako di tulad ni Vivian na para bang may katawang lupa ako.

  Naalala mo ba yung babaeng nakita mo na labas-masok dito? Panimula ko at tumango naman siya.

  Alam na niya ang tungkol kay Vivian, nung una ayaw niya pero sa huli ay natanggap na rin niya na may kaibigan akong tao na buhay.

   Sinabi ko sa kaniya ang pabor ko kaya pumayag naman siya at sinimulan na naming mamalengke.

   Habang namimili si Marie ay may nadaanan kaming tindahan ng mga bulaklak kaya naisipan kong bilhan siya.

   Naghanap ako ng taong puwede kong saniban at sakto may isang binata na mukhang maharlika ang napadaan.

  Gagamitin ko ang kakayahan ko. Patawarin niyo po ako pero sandali ko lang naman na hihiramin ang katawan niya. Bulong ko sa sarili ko.

  Napapikit muna ako at bumuntong hininga, pagkatapos ay matalim akong dumilat at hinabol ang binata at sumanib na dito.

  Nang makasanib na ako ay kaagad kong hinanap si Marie at nakita ko siya na kakatapos lang mag abot ng bayad sa tinderang pinamilhan niya ng mga gulay.

  Marie. Tawag ko ng makalapit ako.

  Itunuon niya ang atensiyon niya sa akin at halata rito ang pagtataka.

  Si Francisco ito Marie. Nanghiram lang ako ng katawan. Tulungan mo naman ako bilhan ng bulaklak si Vivan. Pumayag naman ito at nagtungo na sa tindahan ng bulaklak.

  Pagkatapos namin bumili ay nag aabang na lang kami ng masaksakyan pauwi.

  "Umalis ka na sa katawan ng binatang iyan Francisco para makauwi na tayo." Utos niya kaya kaagad akong bumalik kung saan ko siya sinaniban at umalis na ako sa pangangatawan niya.

Adventure of Francian On Spooky SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon