AFSS #12

12 1 0
                                    

AFSS #12: "Let Me Out"

Vivian POV

   Paalis na kami ng subdivision at papasok na kami sa kaniya kaniyang school at trabaho. Habang nasa loob kami ay medyo na traffic kami palabas dahil sa may mga pulis at mga doktor ang abala sa pag aasikaso.

"Anong meron diyan? Ano yang iniimbistigahan nila?" Tanong ni Nathan.

"May natagpuan daw bangkay ng batang babae diyan na itinapon sa bakanteng lote diyan. Kaninang madaling araw nung may makakita ng pangyayari na residente rin dito." Sagot ni mommy.

Paano niyo po nalaman mommy? Tanong ko habang di inaalis ang tingin ko sa pinangyayarihan sa labas ng kotse.

  "Tumawag yung kumare ko at binalita sa akin. Kasambahay daw niya ang nakakita." Nakaalis na rin kami at dire diretso nang nakalabas.

Pero bago pa man kami makaalis ay nakita ko ang kaluluwa ng batang babaeng iyon. Mukhang nasa 14 anyos pa lang ito. Bigla kong iniwas nang lilingon ito sa akin.

Another mission na naman ito niyan. Kailangan ko si Francisco dito dahil hindi yata kakayanin ng powers ko na kung mag isa lang ako.

"Hangga't maari Vivian ay mag iingat ka. Napakadelikado na ng panahon ngayon lalo na at babae ka pa. Magha hire ako ng driver para sayo at ipagagamit ko sayo yung isang kotse sa kumpanya. " sabi ni daddy.

Thank you po daddy. Sigaw ko papunta sa harap.

"Dad! Huwag naman yung Lamborghini..." Reklamo ni Nathan.

  "Huwag kang mag alala. Naka reserve yan sayo anak. Mapapasayo yan kapag nasa legal age ka na." Paliwanag ni mommy.

  "Thanks mom!" Ibinalik na ni Nathan ang headset sa tainga niya at pumikit habang ako ay nakatingin lang sa labas.

  Natapos ang klase ko ng mga bandang 5pm ng hapon. Medyo maaga rin ang balik ko sa subdivision namin pero di ako dumiretso sa bahay kundi sa bahay ni Francisco para sabihin sa kaniya ang bago naming misyon.

  Inabot kami ng 6:30pm kakagawa ng mga assignments ko. Kaya mabilis naming niligpit ang mga gamit ko para puntahan ang bakanteng lote kung saang tinapon ang batang babae.

"Asan si Rusio? Di ba natin siya papupuntahin dito?" Tanong ni Francisco habang naglalakad kami.

  Wag na muna siguro ngayon Francisco, mukhang busy yun eh saka baka hindi niya pa kayang makatulong dahil hindi ko pa alam kung nakakausap niya o nahahawakan din niya ang mga kaluluwa katulad mo. Basta ang alam ko palang ay nakakakita siya pero iniiwasan lang niya dahil sa takot. Mukha naman na pumayag siya sa sinabi ko kaya tahimik naming tinungo ang bakanteng lote.

 
Nang marating namin iyon ay nilibot libot namin ang aming paningin sa lugar pero wala kaming nakikita na kaluluwa. Yun namang bahay na malapit dito ay mukhang walang tao dahil sa madilim ito. Tanging mga ilaw lang sa poste ang nagbibigay liwanag dito.

"May nararamdaman ako sa loob ng talahiban." Sambit ni Francisco at lalakad na sana papasok ng pigilan ko siya.

Francisco! Lumingon siya sa akin at nginitian ako.

"Huwag kang mag alala. Saglit lang ako. Dito ka lang at kahit na anong mangyari. WAG NA WAG KANG AALIS DITO? " Tumango na lang ako ng may pag aalinlangan.

Binitawan ko na siya sa braso at sinimulan na niyang pumasok sa matataas na talahiban habang ako ay naghihintay.

7:50pm na at wala pa rin si Francisco. Di pa rin siya bumabalik. Baka kung ano nang mangari sa kaniya?

Adventure of Francian On Spooky SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon