AFSS #13

19 1 1
                                    

AFSS #13:  Who's My Driver?

Vivian POV

   Nakaupo kami nina mommy at Nathan sa living room namin habang hinihintay namin si daddy na tatawagin lang daw ang bagong hire na magiging driver ko raw.

"Mom?" Tawag ni Nathan kay mommy kaya pareho kaming napalingon sa kaniya.

  "Ang bilis niyo naman makahanap ng magiging driver ni ate? Katiwa-tiwala po ba yan?" Kunot noong tanong ni Nathan at ako naman ay napa nod at tumingin kay mommy para alamin ang sagot niya.

  "Don't worry! Kinilatis namin yan ng daddy mo. Inalam ko rin ang background niya at maayos naman ang mga nakalahad doon. May contact na kami sa kaniya at alam namin kung saan siya mahahanap at nakatira." Nakangiti at kampanteng sagot ni mommy.

"Di pa rin ako kampante mommy. Alam mo na ang mga modus ngayon? Wala na sa itsura binabase kung kriminal, mabait o masama ang isang tao. Basta ate, kapag nararamdaman ka nang kakaiba sa kinikilos niya tawagan mo na kaagad kami o tumakbo ka na palayo at magtago ka ng maigi." Paalala sa akin ni Nathan.

OA ha? Napaka judge mental mo masyado Nathan. Dinaig mo pa ako ha? Hindi mo pa nga nakikita yung tao... Naiiling na sabi ko.

"Huwag ka na lang kaagad magtitiwala at maging komportable. Huwag mo na lang kalimutan ang sinabi ko sayo."  Inis din na balik niya.

"Hey guys!" Sigaw ni Daddy na kararating lang.

Tumayo na kaming lahat at inabangan si daddy at nasa likuran niya ang magiging driver ko na mukhang nasa mid 35's or 40's. Naka uniform as driver at mukhang mabait naman.

  "Good morning po Madam, Sir., Ma'am" magalang na bati niya.

Lumapit kami ni Nathan para mag bless pero nakikita ko pa rin ang pagkilatis ni Nathan sa magiging driver ko.

"Ako nga po pala si Ronaldo. Ronaldo Valdez po. Marami na po akong naging trabaho at ipinapangako ko pong aayusin ko po ng mabuti ang trabaho ko." Tumango na lang kami pero si Nathan nanliit ang mata at parang hindi na siya nagtitiwala.

Psh.. Judgemental masyado itong kapatid ko. Pero naa appreciate ko yung concern niya sa akin. They really treating me as a princess sa family namin.

"Well see Ronaldo. By the way, this is my wife Madeline." Pakilala niya kay mommy at nakangiting nakipag shakehands sila.

  "This is Nathan" kahit na halatang labag sa loob niya ay nakipags shakehands pa rin ito at matalim ang tingin niya kay manong Ronaldo kaya medyo napaiwas ng tingin ito dahil natakot siguro?

"And this is Vivian. Siya ang susunduin mo and Vivian, he will be your driver." Nakangiti akong nakipag shakehands dito.

"Nice to meet you po Ma'am." Bati niya uli.

"Make sure na makakauwi sa oras yan and kung may nahuli kang umaaligid na lalaki sa kaniya ihiwalay mo kaagad. At kung hindi siya magpapasundo, I will contact you. Are we clear?" May authority sabi ni dad.

Alam ko na ngayon kung kanino nagmana si Nathan ng ka OA yan.

"Haha! Makakaasa po kayo Sir. May anak rin po kasi akong dalaga na kasing edad lang po ni Ma'am. Istrikto rin po ako sa ligaw ligaw na ganiyan." Seryosong tumango si Daddy.

"You can start later. We have to go now. Come on guys" Sumunod na kami at sumakay na sa kotse ni daddy saka niya ito pinaandar at umalis na kami ng bahay.

  "Vivian I'll just chat you or maybe I will text you if you I have something to ask for our project to Ms. Fabia. Ok?" Sabi ni Jasmine na classmate ko sa isang subject and kapartner ko sa project namin.

Adventure of Francian On Spooky SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon