AFSS #16

18 1 0
                                    

AFSS #16: Haunted House (Part 2)

"Tumakas ka na Carmen! Iwanan mo na kami dito!! "

" Sige na! Tumakas ka na bago magising si Donya Rowela... "

Pilit na pinagtutulakan ako palabas nina Celia at Pina palabas ng bahay na ito. Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas ay nakakandado na ang pintuan palabas at nakakadena na ito.

Hindi kami maaring bumalik sa kusina para sa dumaan sa likuran dahil nandoon si Donya Rowela at kasalukyan siyang walang malay dahil sa naipalo naming upuan sa likuran niya.

Duguan na halos kaming lahat dito. 3 na lang kaming natitira at namatay na ang 2 sa amin. May saksak na sa puso si Celia pero pilit pa rin siyang lumalabay para tulungan akong makalabas at makahingi ng tulong. Halos lahat kami ay puro may saksak na at may naiwan pang bubog sa mukha si Pina.

"Hinding hindi kayo makakalabas dito!!!" Lumitaw ang nanghihinang si Donya Rowela at may hawak itong mahabang itak.

Dali dali na akong pinaakyat sa ikalawang palapag at pagkarating ko sa itaas ay narinig ko ang pagdaing at sigaw ng mga kasama ko. Tumingin ako sa ibaba at nakita mula roon na naliligo na sa sariling mga dugo sina Celia at Pina.

Lumingon sa akin ang Donya ng matalim kaya kahit na hinang hina ako at marami nang dugo ang lumabas sa akin ay pinilit kong pumunta mula sa mga silid at doon ay nagtago ngunit bago natuntun ako ni Donya Rowela.

Tinusok niya ng tinusok ang pinto hanggang sa sumilip siya at ngumiti ng nakakatakot sa akin.

Vivian POV

   Idinilat ko ang mga mata ko at inilibot ang aking paningin. Nasa isa akong kwarto. Dinampot ko ang flashlight at doon ko naalala na kung anong nangyari sa akin bago ako mawalan ng malay.

Lumapit ako mula sa aparador at may isang babae doon sa salamin na kasambahay rin dati rito. May sunog ang binti nito at halos pasa ang buong mukha nito.

"Tu-tulungan mo kaming makalabas dito! Parang awa mo na." Humagulgol ito at umiiyak.


  Francisco POV

      Nilibot ko ang buong bahay upang hanapin si Rusio. Natagpuan ko siya sa isang silid at seryosong binabasa ang mga nakalap niyang mga papel.

   Rusio! Tawag ko dito at lumingon ito sa akin saka ko ito nilapitan.

  "Nasaan si Vivian?" Tanong nito tapos binitawan ang binabasa niya.

  Itinago ko muna siya sa isang silid sa ikalawang palapag. Sagot ko sa tanong niya.

"Mukhang alam ko na ang tunay na nangyari dito pati na rin ang mga nangyayaring kababalaghan. Si Donya Rowela Reyesa ay isang malupit na amo at ang mga nakikita nating iba rito yun ay ang mga kasambahay niya na pinagpapatay niya. Kapwa napatay din siya ng isang kasambahay pero hangga't hindi nakalalabas ang mga kaluluwa ng mga kasambahay dito ay hindi matatapos ang kababalaghan dito." Paliwanag niya saka niya sinabi ang plano niya.

Sigurado ka bang kaya mo na mag isa ang donya? Masyadong mapanganib. Alinlangan ko sa plano niya.

  "Kayang kaya ko na Francisco. Just promise me that you will let out Vivian on this hell pati na rin ang mga kasambahay. Kumilos na tayo!" Patakbo na sana kami para maisagawa ang pinagplanuhan naming ngunit may narinig kaming malakas na sigaw.

  "Si Vivian!"
      Vivian!!! Sigaw namin kaya dali dali kaming pumunta sa kinaroroonan ni Vivian.

  Vivian POV

     Mahigpit ang hawak sa leeg ko si Donya Rowela at balak niya talaga akong patayin dahil habang nakalutang ako sa ere at sinasakal ako ay handa siyang ihulog ako.

  "Vivian!!!" Napatingin ako sa ibaba at nakita ko si Francisco.

  May kung anong puwersa ang tumulak sa donya kaya nabitawan niya ako.

Sinalo ako ni Francisco para hindi ako bumagsak sa ibaba.

  "Ayos ka lang ba? Vivian? Sumagot ka!!" Alalang tanong ni Francisco kaya tumango ako rito habang hawak ang leeg ko at hinahabol ang hininga ko.

Niyakap ako ng mahigpit ni Francisco at ganun din ng ginawa ko sa kaniya. Nakita ang mga kasambahay na nakatayo at nakangiti sa akin. Sa tingin ko ay nasa isang dosena ang mga kasambahay na ito.

  Francisco! Andito na sila. Tapik ko sa likuran nito at inalis ang pagkakayakap sa akin saka ito humarap.

  "Kailangan na natin silang mailabas dito pati ikaw. Para makaligtas na kayo." Itinayo niya ako dahil medyo nanghihina pa nga ako.

  Si Rusio? Tanong ko at hinanap siya.

  "Iwan na raw natin sa kaniya ang Donya. Huwag kang mag alala. Babalikan ko siya sa oras na mailabas ko na kayo. Tara na."  Naglakad na kami sa may pinto at tulong tulong naming hinihila ang pinto hanggang sa nabuksan namin ito at kaagad na lumabas.

Mayamaya pa ay may nakakasilaw na liwanag ang tumapat sa amin mula sa kalangitan at isa isang umaakyat ang mga kasambahay. Maayos na ang kanilang itsura at isa isa silang nagpapasalamat sa amin habang unti unti silang kinukuha ng liwanag.

  Ija! Lumapit sa akin si Mang Jeric at tinanong kung ayos lang ako.

  Ok lang po ako. Nakangiti kong saad at mukha naman siyang nakahinga ng maluwag.

  "Tapos na! Salamat sa inyo ija at matatahimik na ang bahay na ito. Pero? Nasaan ang kasama mo?" Tanong ni Mang Jeric at sakto ay ang paglabas ni Rusio kaya tumakbo ako kaagad dito at niyakap ko ito.

Nagawa mo Rusio! Nalabanan mo ang takot mo. Bulong ko sa kanya.

Lumapit din si Francisco at Mang Jeric upang alalayan si Rusio at inilapag sa may damuhan dahil may hiwa ito sa kanang braso nito.

  "Malala na ang sugat mo ijo! Kailangan mo nang maitakbo sa hospital." Sabi ni Mang Jeric.

Kaagad naming siyang inalalayan sa sasakyan niya at isinakay roon.

  Sigurado ka bang kaya mong mag drive mag isa? Ngumiti ito sa akin at tumango.

"Hindi naman putol ang isa kong kamay. Umuwi na kayo. Ikaw na ang bahala kay Vivian." Sabi niya kay Francisco at sinimulan na niyang mag drive.

  Naglakad na kami ni Francisco upang maiuwi na niya ako. Si Mang Jeric naman ay kailangan niyang tingnan ang bahay para mailinis ito.

  "Mukhang ito na ang huli nating pagkikita Vivian." Saad nito kaya napalingon ako sa kaniya ng nakakunot ang noo.

  A-anong ibig mong sabihin? Aalis ka na ba? Lilipat ka na ba? Masakit para sa akin dahil ayoko na siyang mawala pa dahil inlove na ako sa kaniya.

  "Vivian,makinig ka! Hindi tayo maaari. Kailangan mo ring tanggapin ang lahat ng mga bagay sa iyong paligid. Ano man ang mangyari,lahat ng iyon ay may dahilan. Maaaring para sa ikasasama mo o ikasasaktan man o para sa ikabubuti mo rin." Malalim na pahayag niya kaya kahit hindi ko maintidihan ang lahat ng sinabi niya ay niyakap ko siya ng mahigpit.

  Gagawin ko ang lahat makasama lang siya. Hindi lang siya mawala sa akin.

Adventure of Francian On Spooky SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon