AFSS #15

15 1 0
                                    

AFSS #15: Haunted House (Part 1)

  Vivian POV

   Saturday ngayong araw na ito kaya may oras akong makapag jogging dito sa buong subdivision namin. Naka t shirt ako na white, jogging pants at naka rubber shoes ako.

Kasa kasama ko nga palang nagjo jogging si Francisco. Ito yung gawain namin kapag saturday morning.

     "Vivian, nakikita mo ba yang abandonadong bahay na iyon?" Turo niya.

  Napahinto muna kami atsaka ko sinundan ng tingin yung tinuturo niya. Kilala ko yung bahay na iyon. Malayo layo naman sa amin iyon. May kalumaan na rin yung malaking bahay na iyon at medyo marumi yung mga dingding na iyon.

   Oo Francisco. Ang dinig kong sabi sabi nila ay masama daw yung donya na nakatira daw dati diyan. Pareho kaming nakatingin sa malaking abandonadong bahay na iyon.

  "Sa tingin ko Vivian ito ang sunod nating misyon?" Napalingon naman ako kaagad sa kaniya at seryoso itong lumingon din sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  "Sa tingin ko Vivian ito ang sunod nating misyon?" Napalingon naman ako kaagad sa kaniya at seryoso itong lumingon din sa akin.

  A-a-ayoko Francisco. Natatakot ako. Haunted House yan eh. Baka hindi na tayo makalabas pa na buhay diyan. Pailing iling kong tugon at natatakot talaga ako.

Itsura pa lang kasi sa labas nakakatakot na. Eh di mas nakakatakot pa kapag nakita pa namin ang nakatira diyan. Palagi daw kasing nagpapakita yung donya diyan.

Hinawakan ni Francisco ang dalawa kong kamay at tinitigan ako sa mata.

  "Magtiwala ka sa akin Vivian. Hinding hindi kita hahayaang masaktan o may manakit sa iyo. Hangga't nasa tabi mo ako ay ililigtas kita. Tandaan mo yan Vivian. Hinding hindi kita pababayaan. Wala ka naman dapat na ikatakot diyan dahil marami tayong matutulungan diyan sa loob ng bahay na iyan." Ngumiti siya sa akin.

Nag isip muna ako saka ko itinuon ang paningin ko sa bahay.

  Sige! Payag na ako Francisco. Wait! Tawagan ko lang saglit si Rusio baka gusto niyang sumama sa atin mamayang gabi. Pagkatapos kong magpaalam ay kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number niya para tawagan.

***

"Ano daw sabi niya?" Tanong ni Francisco matapos kong makausap si Rusio.

  Payag daw siya. Sasama siya sa atin mamaya. Nag nod na lang sa akin si Francisco at napagpasiyahan na naming umuwi.

  Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko para maligo at magpalit. Tumalon ako sa kama ko at saka ko na itinulog. Kailangan ko ng sapat na lakas para mamaya.

*********
( 7pm)

  Nandito na kami sa tapat ng abadonadong bahay. Kumpleto na kaming tatlo dito.

Adventure of Francian On Spooky SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon