AFSS #7

38 2 1
                                    

AFSS #7: You See Ghost?!

Vivian POV

    Papasok na ako ng campus ni Nathan para manood ng laro niya.

   After class ko kasi dumiretso na ako dito. Alam niyo na? Supporting sister ako no? Ahaha

  About nga pala sa demo ko ng pagtuturo halos napanganga ko daw yung mga profs. sa ginawa ko. Yun ang sabi ng ilan kong mga kaklase pero alam ko naman sa sarili ko na ginawa ko naman ang best ko kahit na sobra akong kabado.

  Iniisip ko na si Francisco ay nanonood sa akin kaya kahit papaano ay mabawasan ang kaba kong nararamdaman.

  "Miss? Diretso lang po kayo tapos kaliwa kayo kapag narating niyo na ang clinic." Turo ng guard sa direction papunta sa basketball court kung saan gaganapin ang laban ni Nathan.

  Ewan ko ba pero parang mas kinakabahan ako kaysa kay Nathan. Everytime na may laban siya mas kinakabahan ako sa kaniya pero sa lahat naman ng laban niya ay laging nananalo ang team niya.

  OOOOHHH!!! Napa atras ako ng kaunti pero nalaglag naman ang mga librong hawak ko.

Paano ba naman kasi. Sa sobra kong kaba nawala na sa daan ko yung atensiyon ko kaya nakabunggo ako.

Nagbow ako para humingi ng sorry kasabay nun ang pagkuha ko ng mga libro kong nagkalat sa lapag.

  "I'm sorry Miss. Di ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako eh." Lumuhod din siya at tumulong na kunin ang mga libro ko.

  Ayos lang. Kasalanan ko rin naman eh. Thank you. Tumayo na ako kaagad matapos kong kunin ang mga libro ko at nagmadali na akong naglakad palayo na hindi ko na tiningnan ang itsura nung nabangga ko dahil sa hiya. Pero alam ko na lalaki iyon.

  Nang marating ko na ang basketball court ay pumasok ako agad at hinanap ang kapatid ko.

  "ATE! DITO!!" Tiningnan ko kung sino ang tumawag sa akin at si Nathan iyon na kumakaway na nakangiti.

Nakaputi sila at may printed na lion cubs sa jersey nila kasama ang name ng team na CUBS Lumapit ako agad at niyakap siya ng mahigpit.

  Good Luck Nathan. Galingan mo ha? Galingan niyo. Sabi ko nang maghiwalay na kami sa yakap.

  "Thank you ate. Gagalingan ko talaga. Mukhang mas kinabahan ka pa nga sa akin eh." Pang aasar niya.

  Asan ang coach niyo? Tanong ko ng mapansing wala ang coach nilang si Coach Martin.

  "Nag banyo lang daw eh." Paliwanag niya kaya napa nod na lang ako.

  "Yan ba yung ate mo bro?" Tanong ng isa niyang ka team na sa pagkakatanda ko is si Mark ito nung pinakilala sa akin ni Nathan dati.

  "Oo! Di ba pinakilala na kita sa kaniya noon?" Sagot ni Nathan sa kaniya.

  "Nakita kong niyakap ka niya kanina. Swerte mo bro at may ate ka na tulad niya. Baka puwede paki ako rin?" Binatukan naman siya ni Nathan sa huling statement na sinabi niya. Pabulong yung huli pero rinig ko naman.

Umakto na lang akong walang narinig at nakita kaya dinukot ko ang smartphone ko at sinet sa camera.

  Nathan! Selfie naman tayo? Aya ko sa kaniya kaya pumayag ito.

  "Pasali naman? Please?" Naka pout pang sabi ni Mark. He so cute parang bata.

  "Mamaya ka na! Sister and brother moments muna puwede?" Pagtaboy ni Nathan.

  5 shots ng selfie namin ni Nathan after nun kasama na si Mark.

After namin mag selfie ay nagpaalam na ako at humanap na ng mauupuan.

Pagkaupo ko ay may may nakita akong multong student na lalaki sa kabilang side nitong court na kinauupuan ko. May dugo ito sa mukha at masama ang tingin sa akin.

  Tumayo ako para lumipat ng mauupuan pero isang hakbang na lang sana pababa ay bigla itong sumulpot sa harap ko.

  "Tulungan mo akong makalabas dito..." May halong pagmamakaawa ang boses niya kahit na may echo iyon.

Pumayag naman ako at sinabayan niya ako palabas ng court.

Lumabas kami at parang nakarating kami sa isang mini park nitong campus.

Bawat bench ay may puno kaya malilim rito. Huminto na kami sa paglalakad at may nakakasilaw na liwanag ang tumapat dito.

  "Salamat po ate!" Masayang paalam sa akin nito.

Ngumiti ako at kumakaway rin dito para magpaalam hanggang sa mawalan na siya.

  "You see GHOST!" Isang malalim na boses ang nakapagpatayo ng balahibo ko.

  Nilingon ko kung sino man ang nagsabi nun. Paano niya nalaman na nakakakita ako ng ghost? Nakakakita din ba siya?

 Paano niya nalaman na nakakakita ako ng ghost? Nakakakita din ba siya?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


******************************

Hanggang diyan na muna.

Hintayin niyo next year dahil may papasok na bagong character sa story.

Yung clue ay yung nasa itaas nito na picture. Guess it kung sino siya?

Abangan niyo na lang sa cast and ano bang role niya sa kuwento nina Vivian at Francisco?

Isa ba siyang mabuti o masama?

May reward sa akin ang makakahula kung sinong character ba ang papasok.

Sa ngayon, lets enjoy this last hours of 2016.

Thank you nga pala sa mga readers nito. Sana mag comment na kayo at magvote!

Special mention nga pala sa bff ko here and outside the wattpad world RoseAnnTabios3 for always there and supporting me! Thanks bessie~

HAPPY NEW YEAR! 😃😃😃😃😃

-TAEYEONIE

Adventure of Francian On Spooky SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon