AFSS #20

12 1 0
                                    

AFSS #20: Farewell and See You Again

Vivian POV

Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ko alam kung paanong naisasak ko ang banal na espada sa dibdib ni Cerberus.

Ang alam ko lang ay pumaibabaw ang katapangan sa akin at galit dahil sa nakikita kong balak nang patayin ng tatlong ulo na halimaw sina Francisco at si Gabriel.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon habang abala na ang dalawang ulo kay Gabriel at ang isang ulo kay Francisco ay mabilis akong tumakbo patungo sa nag iisa nilang katawan at...

Aaaaahhhhh!!! Sigaw ko at gigil kong itinarak ang banal na espada sa dibdib nito at umalulong ang daing ng halimaw.

Isang nakakasilaw na liwanag ang lumitaw mula sa espadang nakasaksak kaya napapikit ako at ngayon ay nakahandusay na ako at halos di ako makagalaw o makabangon man lang. Bumibigat na rin ang aking mga mata na para bang gusto ko nang magpahinga at mabawi ang lakas.


Francisco POV

  Pagkatapos mapuksa ni Vivian ang halimaw ay napabalikwas ako kaagad siyang nilapitan kahit na medyo nanghihina ako.

Mabilis na dinampot ni Gabriel ang kaniyang espada at sinabing "Tapos na!".

Inihiga ko sa aking braso ang nakahandusay na si Vivian at mukhang hinang hina na ito.

Vivian! Nagawa mo. Salamat sa pagligtas mo sa akin, sa amin. Ngumiti ito sa akin at dahan dahang inilapat ang isang kamay nito sa aking pisngi.

  Tapos na Vivian. Tapos na. Nawalan na ito ng malay at bumagsak na ang kamay nito na kanina lang ay nakalapat sa pisngi ko.

Mahigpit ko siyang niyakap ng mahigpit at hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Naramdaman ko ang paglapit ni Gabriel sa amin at hinawakan ang aking balikat.

"Lisanin na natin ang lugar na ito." Banggit nito at ang bumuka ang malaking pakpak nito saka kami pinalibutan at pagkabuka muli noon ay nasa isang payapang lugar na kami kung saan wala nang pagdurusa at sakit na maari mong maramdaman.

Inihiga ko sa Vivian at lumayo ng kaunti sa kaniya. Pinagmasdan ko siya at talagang nakikita ko sa kaniya si Belen — ang una at huli kong inibig bago ako mamatay.

Hindi siya mamamatay hindi ba? Tanong ko sa aking Anghel Tagagabay.

Mariin itong umiling at isang ngiti ang itunugon nito sa akin.

"Hindi pa. Hindi pa sa ngayon Francisco!" Nabuhayan ako ng loob sa kaniyang isinagot.

"Pero kailangan nating tanggalin ang kaniyang alala na nakapunta na siya sa impiyerno. Isang malaking katatawanan ito sa isang malupit na mundo nila kapag binanggit niya ito. Maraming misteryo ang hindi pa nararapat na malaman ng mga tao. Kung hindi natin gagawin iyon Francisco ay baka malagay sa alanganin si Vivian at isipin pa nila itong isang baliw. Para na rin ito sa ikakabuti niyan at maipagpatuloy ang buhay na mayroon siya." Tumango ako bilang pag sang ayon pero may isang bagay akong maaring katakutan ito ay

  Kasama ba ako sa alala niya na kailangang mabura? Saglit na natahimik si Gabriel at umiwas ng tingin sa akin.

"Maaari." Isang maikling sagot nito.

Masakit ito para sa akin pero kung sa ikakabuti niya ay papayag pa rin ako. Walang magbabago sa desisyon ko.

Gawin mo na.

Isang trumpeta ang tumunog at biglang iniangat nito si Vivian at nawala na ito sa aking paningin.

  "Sumunod ka sa akin!" Sinundan ko si Gabriel at nakita ko sa isang ulap si Vivian.

Napangiti ako ng maidilat na nito ang mga mata nito at pinalilibutan na siya ng mga nag aalala niyang mga pamilya.

Masaya na ako para sa kaniya at ligtas na siyang muli at kahit na hindi na niya ako maalala ay isa ako sa mga magbabantay sa kaniya.

  Hanggang sa muli Vivian! Paalam!



Vivian POV

  Unti unti kong idinilat ang mga mata ko at isang nakakasilaw na puting liwanag ang aking natanaw.

Nang maliwanagan na ang aking paningin ay isa pala iyong ilaw sa ceiling at na realize kong nasa isang kwarto ako at nakahiga. Nasa hospital ako.

"Vivian anak! " isang nag alalang tinig ang aking narinig at ibinaba ko ang aking tingin at nakita si mommy na sobrang pag alala sa akin.

  "Vivian!" Tumingin ako kay daddy at na sobra rin ang pag aalala.

"Ate! Ayos ka lang ba? Naaalala mo pa ba kami?" Napangiti ako sa itinanong ng OA kong kapatid.

Uupo na sana ako pero mabilis rin akong inalalayan ni Daddy.

  A-anong pong nangyari? Tanong ko dahil sa hindi ko maalala at wala akong matandaan na huling nangyari.

"Nakarinig kasi ako ng malakas na kalabog mula sa kuwarto mo ate kaya nang mapunta ako doon ay nakita na lang kitang nakahiga sa sahig at wala nang malay." Paliwanag ni Nathan pero wala akong natandaan man lang.

"Kaya mabilis ka naming isinugod dito sa hospital. Almost one week ka nang walang malay Vivian." Dagdag ni Daddy.

One week?! Ganung katagal?

  "Anong bang nangyari sayo Vivian?" Napailing nalang ako sa tanong ni mommy.

"Ang mahalaga ay gising ka na ngayon Vivian at okay ka na." Masayang sabi ni daddy.

Niyakap ako ni mommy at daddy ng mahigpit.

"Sali naman ako diyan sa family hug..." Parang batang reklamo ni Nathan kay nakiyakap na rin ito.


















******************************
Epilogue na!

Thanks to all readers of this story. Ang dami na pinagdaanan ng kuwento na ito at muntik nang mabura pero salamat at matatapos na ito. Salamat sa lahat ng mga readers nito at mostly silent readers. Alam ko naman po na hindi ako famous writer pero thank you dahil sinuportahan niyo ito lalo na sa mga nag a add sa Reading List nila. Thank you! Kamsahamnida! ❤❤❤

-TAEYEONIE

Adventure of Francian On Spooky SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon