AFSS #5

32 3 0
                                    

AFSS #5: Samaritan Maid

Vivian POV

   Monday na naman at ayan na naman —  may klase na naman.   -_-"

   Napakarami na namang demand ng mga profs. ko every subject. Napakahirap talagang makakuha ng diploma.

  Kahit na hindi pa dumidilat ng maayos ang mga mata ko ay inayos ko na ang pinaghigaan ko at pumasok na ng banyo para makapaghanda na papasok. Hanggang 8pm pa naman ang klase ko ngayon dahil sa may P.E pa.

  Nang ready na ako ay bumaba na ako para makapag breakfast.
Umupo na ako sa pwesto ko at nagsimula nang kumuha ng pagkaing nakahain sa lamesa.

  Same scenario pa rin naman pag umaga. Pagka upo ko ay siya namang pagtapos ng breakfast ni Nathan. Alam niyo na? Iwas sa usapang academic nito. Wala pa naman akong naririnig na negative sa academic niya. Lagi namang pasado. Ewan ko ba kung anong sikreto nito at nakakapasa kahit di ko pa nakikita magbukas ng mga notebooks niya at libro. Kung sabagay HighSchool palang siya kaya enjoy enjoy muna siya.

  After naming magbreafast ay kaniya kaniya nang kuha ng mga gamit namin at sasakay na sa car ni daddy.

Paglabas ko ng bahay namin ay narinig ko nang konti ang usapan ng mga yaya ko habang nililinis yung mini garden namin sa harap ng bahay namin.

  "Alam mo na yung tsismis na may nagpapakita raw na multong yaya?" Yaya 1

   "Oo! Sabi pa nga nila yan daw yung yaya ng anak ni Madam Angelica. 2 months na nung mamatay ito dahil sa nabunggo ng isang kotse habang sinusundo daw ang anak nito." Yaya 2.

  "Grabe, nakakapangilabot talaga." Umakto pang hinihimas ni yaya 1 yung mga braso niya.

  "Ate! Male late na tayo. Ano pa bang tinatayu tayo mo diyan. Tara na!" Iritadong sabi ni Nathan habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan.

  Kaagad naman na akong sumakay at binuksan na ng isa sa mga guard yung gate at umalis na kami.

  Another mission na naman ito. Panigurado gaganahan na naman akong pumasok nito. Yun nga palang date namin, patuloy pa ring sumasagi sa isipan ko yun. Kinikilig pa rin kasi ako hanggang ngayon.

  "Hoy ate? Anong ningingiti ngiti mo diyan? Blooming ka ngayon ah? Iiihhh.. Si ate may dine date na..." Pang aasar sa akin ni Nathan. Ngumiti ba talaga ako? Di ko alam ha?

  Wala ah? Wala akong dine date okay? Isalampak mo na nga lang yang headset mo sa tainga mo. Kunwaring inis ko.

   After ng klase ko ay dumiretso ako sa bahay ni Francisco para sa bago naming mission.

   Sinabi ko lahat sa kaniya pero ang problema lang ay hindi ko alam kung saang parte ba ng subdivision nagpapakita ang yaya.

   Napagdesisyonan na lang namin na magpagala gala muna sa subdivision para hanapin ang multong yaya. Hanggang sa mag nasalubong kaming isang kasambahay na sumisigaw na tumaktakbo.

  "Miss! Miss! Andyan yung nagpapakitang multo! UMALIS KA NA DITO!!" Nagpa panic na sigaw nito at tsaka kumaripas ng takbo habang may natatapon tapon na pagkain mula sa dala nitong grocery.

  Pagkaharap ko ay may dalawang kamay ang mahigpit na nakahawak sa leeg ko. Isang naka unipormeng yaya at tulad ng nakikita ko lagi ay puro itim ang mga mata nito at  may dugo mula sa ulo nito. Magulo ang buhok at puro galos ang mga braso nito.

  Pilit kung inaalis ang mga kamay nito mula sa pagkakasakal sa akin pero kulang ang lakas ko para malabanan iyon. Kaya mas lalo niyang hinigpitan at iniangat pa ako sa ere.

Adventure of Francian On Spooky SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon