AFSS #3

43 4 0
                                    

AFSS #3: Lost Child

Nathan POV

Dito! Libre ako dito! sigaw ko sa mga kalaro ko dito sa basketball court sa may Park nitong subdivision namin.

Inabot na kami ng dilim sa paglalaro dahil by next month niyan may laban na kami kaya todo practice na kami niyan.

After 4th round ng laban namin. Nanalo yung mga ka team ko. Magaling kasi yung teamwork namin kaya nanalo kami. Hinati kasi kami sa dalawa ng team captain namin at ang ikinasaya ko pa ay natalo namin yung team ni Captain.

After namin maglaro ay kaniya kaniyang pack na ng mga gamit namin. Lumapit sa likod ko si Captain at tinapik ang likod ko.

"Nice game Nathan. You are really a Varsity Player. Lucky Charms ka ng teams natin. Dapat siguro ikaw na ang team captain." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Team work lang Captain. Kung hindi ikaw ang team captain hindi naman ako gagaling. Ikaw ang nag ga guide sa akin pati na rin sa iba. Ginulo niya yung buhok ko at pareho kaming napatawa.

Tinawag niya ang iba namin at naglupong kami. Pinagpatong patong namin ang mga kamay namin at sumigaw ng

"RUN FOR VICTORY, CUB!"

Sumakay na sila sa van at yung iba sa mga kotse nila. Nagpaalam na kami at mag isa ako ngayong pauwi. Konting lakad lang naman at nasa bahay na ako niyan.

Habang naglalakad ako sa may playground ay narinig ko ang isang ingay. Napalingon ako at nakita ko ang isang swing na malakas ang pag swing nito.

Hinanap ng mata ko kung sino ang may gawa nun pero wala akong nakita. Pagharap ko ay may isang ba-bata.. O_O!

Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ako magre react. Isang batang paslit na sobrang puti, para bang wala nang dugo. Tapos yung mga mata niyang nakakatakot. Parang yung batang multo sa "The Grudge".

"Tulong po! Hihihi" tumakbo ako ng mabilis para di niya ako maabutan pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tulong po! Hihihi" tumakbo ako ng mabilis para di niya ako maabutan pa.

Hindi ako pwede sumigaw baka may makakita sa akin kaya bago pa ako maka sigaw ay tumakbo na ako at umarteng hindi ko nakita.

Vivian POV

Nakaka stress naman yung pinagagawa ng mga profs. ko. Ang hirap hirap...

Napayuko ako sa glass table dito sa likuran ng bahay namin. Malapit sa pool area. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga presentation na pinagagawa nila. Nakakatuyo ng utak!

Magtuturo lang naman ako ng mga bata sa kinder pero parang College o HighSchool ang mga tuturuan ko kapag naging teacher ako.

"ATE!!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Si Nathan. Pawis na pawis at hinihingal. Kaagad siyang umupo sa kabilang upuan nitong table. Suot pa rin niya ang varisity ng 'Chicago Bulls'.

"Ate makinig ka." hinahabol niya yung hininga niya at itunuon ko muna ang atensiyon ko sa kaniya at ibinaba ko muna yung screen ng laptop ko.

Adventure of Francian On Spooky SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon