AFSS #11

12 1 0
                                    

AFSS #11: The Meeting

Vivian POV

   Kasa-kasama ko ngayon si Rusio at abala siya sa pagda drive ng kotse niya. Ngayong araw na ito ay ipapakilala ko na siya kay Francisco bilang bagong miyembro.

  Sinabihan ko na rin si Francisco kaninang madaling araw na pupunta kami sa kaniya pagkatapos ng klase namin. Tumakas pa nga ako eh para masabi yan kay Francisco na kunwari ay magjo jogging lang ako pero ang totoo ay pumunta nga ako sa kaniya.

Tahimik lang kami ngayon ni Rusio dahil sa kinakabahan daw siya na baka hindi siya tanggapin ni Francisco.

Nakarating na kami sa subdivision namin at ipinasok na niya ang sasakyan habang ako naman ay itinuturo ko ang daan.

  Kumaliwa ka diyan. Turo ko at sinunod naman niya.

  "Malayo layo pa ba tayo?" Pagod na tanong niya.

  Malapit na tayo. Yan! Yang lumang bahay na yan. Diyan siya nakatira. Ihinto mo na diyan sa may gilid. Ipinark na niya ang sasakyan at bumaba na siya.

Bumaba na rin ako at lumapit sa kaniya. Nakatingala ito at mukhang ino observe niya ang bahay. Nakapamewang pa ito habang tinititigan ang bahay.

  "I can't believe na may mga ganiyang uri pa ng bahay in this modern days. Halos lahat ng mayayamang nakatira dito ay halos modern ang concept ng bahay but this..." Umiling siya at nakangisi pa ito.

Huwag mo naman laitin. Tara na nga at naghihintay na siya sa loob. Nauna na akong maglakad papasok at naramdaman ko naman na sumusunod ito sa akin.

Pagkapasok namin ay nagpaalam na akong tatawigin ko lang siya sa itaas at nag nod na lang ito sa akin kaya iniwan ko na muna ito sa sala at abala naman siya na inililibot ang paningin sa bahay.

Umakyat na ako at napansin ko na napakadami nga palang kwarto nito at hindi ko alam kung saang room ba siya.

Halos makaluma pa nga lahat dito. Puro yari sa mga kahoy ito. Napasilip muna ako sa isang bintana at nilasap ko ang hangin galing sa labas. Napakaganda ng view dito. Kita mo ang mga modernong bahay pati na rin ang kalsada.

  "HULI KA!" Panggugulat ng isang boses lalaki.

Dahil nga sa gulat ko ay bigla akong nahulog sa bintana dahil sa lapit ko dito. Pero sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay may humila sa kamay ko at inilapit ako sa kaniya.

Nakahawak siya sa baywang ko at ako naman ay napahawak sa balikat niya habang ang isa ay sa braso niya. Napatitig ako sa mga mata niya. Mga ilang segundo o minuto siguro kaming nasa ganoong posisyon.

Napakaganda ng mga mata niya. Matangos ang ilong niya at napakaganda din ng labi niya. Napansin kong nag form ito ng smile at doon ko na realize ang posisyon naming iyon.

Nag iwas ako kaagad ng tingin at mahina siyang itunulak kaya nagbitawan na kami.

Bakit ka ba nanggugulat? Muntikan mo na akong ihulog oh? Inis na sabi ko.

  "Pero nasalo kita?" May halong pang aasar niya.

Oo na. Thank you. Oo nga pala! Nandyan na si Rusio sa baba. Baka kanina pa niya tayo hinihintay. Tara na? Pinauna niya akong maglakad at sumunod naman siya.

Pagkababa namin ay walang Rusio ang nakaupo sa sala. Nakita namin siya na tinitingnan ang mga pictures na nakasabit sa wall.

  Rusio! Tinawag ko siya at lumapit kaagad sa amin.

Ito na nga pala si Francisco! Francisco si Rusio siya yung bagong miyembro natin. Pagpapakilala ko.

"Nice meeting you, Francisco! I'm Cerberusio Lee. Just call me Rusio. I am a teacher in the school of his younger brother." Inilahad niya ang kamay niya kay Francisco.

  "Ako naman si Francisco Kang. Ang nag iisang matalik na kaibigan at tagapagligtas ni Vivian." Kinuha niya ang kamay ni Rusio at nagshake hands sila.

Bigla namang kumunot ang noo ni Rusio at saka ito ngumisi. Hindi pa rin nagbibitawan ng mga kamay ang ang dalawa. Parehong masama ang tingin nila sa isa't isa. Para bang may nabubuong tensyon sa pagitan nila.

Masama ang tingin ni Rusio at may nakakalokong ngisi samantalang si Francisco ay gayon din pero seryoso ang itsura nito.

Napansin ko na biglang nawala ang araw at naging makulimlim sa labas at kumukulog kulog na. Tirik na tirik ang araw kanina ah?

Hindi ko nalamang pinansin ang panahon at mas inintindi ko muna itong dalawa.

  Ah, hehehehe.... Mabuti at mukhang okay naman kayo. Pinaghiwalay ko ang kamay nila pero ang tingin nila sa isa't isa ay di pa rin nawawala.



Nagkwentuhan muna kami at ikunuwento ni Rusio kung kailan nagsimula na makakita siya at sa nakikita ko ay mukhang nawala na yung tensyon nila.

Inaabot na kami ng dilim at sinabi ko na kailangan na naming umalis dahil sa mag gagabi na.

Nasa tapat na kami ng gate at nagpapaalam na.

  "Mag iingat ka Vivian. Basta sabihan mo lang ako kapag may nakita kang multo. O kaya tawagin mo lang ako." Paalala sa akin ni Francisco.

Nagulat ako ng bigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap kaya ganun na rin ang ginawa ko tapos ay bumitaw na kami.

Sige! Ikaw naman Rusio, ingat ka sa pagmamaneho mo ah? Paglipat ko ng atensiyon kay Rusio.

  "Ikaw din! Mag iingat ka." Sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar na niya ito saka ito umalis.

Sinimulan ko na ang paglakad at kumaway na ako kay Francisco para mamaalam.



Someone's POV

    Sa WAKAS!!

Nagkita na rin tayo. Sa tagal na panahon kitang hinahanap ay malapit ka lang pala sa akin.

Magkasama na pala kayo. Hindi ako papayag na magtagumpay kayo at matupad ang propesiya!!

  Isa lang pala siyang babae kaya paniguradong madali ko lang kayo tatapusin.

BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nakita kong puro itim na ang mga mata ko. Bigla itong nagkaroon ng crack kaya hindi na naging maayos pa ang repleksyon ko.















******************************

Thanks for reading!

As always, Please leave a COMMENT and Press the STAR Button.

~TAEYEONIE

Adventure of Francian On Spooky SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon