AFSS #17

12 2 0
                                    

AFSS #17: The Real Demon

  Vivian POV

       Matapos ang panganib na misyon namin ay napagtagumpayan naman namin ito. Kinabukasan naging normal lang muli ang naging takbo ng aking buhay.

  Gigising ng maaga para huli mahuli sa paaralan, mag aaral at uuwi. Pero ang naging kakaiba lang ay nung bumisita ako sa bahay ni Francisco ay hindi ko na siya muli pang makikita dahil sa isang malaki at nakakagulat na nalaman ko. Isa na palang di matahimik na kaluluwa si Francisco.

  Nalaman ko ang buong detalye ng makilala ko rin si Aling Marie na dating kaibigan, kasambahay at nangangalaga sa dating bahay ng pamilya Kang.

  Nung una oo, nagalit ako kay Francisco pero hindi pala sapat na magalit ako sa kaniya kesa sa hirap na naranasan niya nung siya ay nabubuhay pa. Pati na rin sa mga magulang nito. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ko siya nahahawakan na parang isang normal na tao.

  Nag research ako sa mga kakaibang bagay na iyun ngunit wala akong nakita ni isa. Ang tanging nagagawa lamang ng mga nakakakita ng mga patay ay makita ito, makausap, mararamdaman mo raw ang malamig na hangin mula sa kaluluwang iyon  at sumanib pero ang mahawakan ay isang napaka impossible.

Huling beses ko siyang nakita sa aking panaginip at pagkagising ko ay may isang bagay pa akong ikinalugtang ko. Hindi lang si Francisco ang may kakaibang anyo kundi pati na rin si Rusio.

  Biglang sumulpot sa kuwarto ko si Rusio at pilit niya na mahalin ko siya pero dahil sa kaibigan lang ang turing ko sa kaniya ay masakit para sa kaniya iyon. Doon na lumabas ang totoong Rusio na malayo sa nakilala ko. Isa pala siyang demonyo. Oo, tama ang nalaman niyo. Isa siya sa mga kampon ng kasamaan.

  Dinala niya ako ngayon sa isang lugar na puno ng habang buhay na paghihirap. Habang nililibot ko ang paningin ko ay parang ito na nga  ang tinatawag nilang impiyerno.  Sobrang init dito na para kang nasa loob ng araw. Para ka ring nasa loob ng bulkan dahil sa mga parang lava nakapalibot sa lugar na ito.

Napaka ingay din dito at nakakabingi ang mga sigaw na mga kaluluwang napunta rito na pinarurusahan. Sabayan mo pa ng ilang umaalingawngaw na tawa ng mga demonyo dito.

  Ayoko sa lugar na ito. Gusto ko nang umalis dito pero mukhang wala na akong pag asahang makaalis pa dito.

  Pilit akong nagdarasal na habang nakayuko ako at nakagapos. Talagang naliligo na ako sa sarili kong pawis dahil sa init dito at medyo nahihirapan na rin akong huminga dahil sa sobrang init talaga dito.

  Sana nga lang talaga ay dinggin pa rin ng diyos ang aking panalangin kahit na narito ako sa lugar ng mga demonyo. Tinatawag ko rin ang pangalan ni Francisco dahil hinding hindi ko malilimutan ang sinabi niya sa akin na tawagin ko lang siya at kaagad siyang darating upang iligtas ako.

  "Gising ka na pala Vivian! Welcome to my our teritory. Sorry kung napaaga ang punta natin dito." Galing ang mga salitang ito sa isang demonyo na siyang dahilan kung nasaan man ako.

Tiningnan ko ito ng masama habang papalapit ito sa akin at lumuhod sa harap ko ang habang nakangiti.

"Napaka simple lang naman ng hinihingi ko sayo Vivian. You just have to marry me and you will be a queen here and you will have a power like you never expected Vivian." Pilit akong kumakawala sa pagkakagapos sa akin dito.

Sinabi ko na sayo Rusio. Kaibigan lang ang turing ko sayo at ayokong maging reyna dito o kahit man na magkaroon ng kapangyarihan. Pakawalan mo ako dito Rusio!! Galit na saad ko pero tumawa lang siya sa akin. A devil's laugh that can make you feel the creepiness.

"Sure!" Sagot niya at tinanggal ang kadena sa paa at kamay ko. "Pero hinding hindi ka na makakalabas pa dito sa kaharian natin Vivian."

Tumakbo ako palayo ng kaunti sa kaniya dahil alam kong wala na nga akong kawala dito sa lugar na ito.

  "Huwag ka nang magpagod pa Vivian. You will live here forever with me Vivian. Kung kinakailangan kong kunin na ang buhay mo ay gagawin ko at maaga kong ibibigay ang impiyernong ito Vivian." Unti unting nagbago ang pisikal na itsura ni Rusio.

  May tahi ang isang mata nito na pa ekis kahit na rin ang mata nito sa kabila ay nagbago ang itsura nito na paniguradong makakapagpatindig ng balahibo mo sa kakaiba niyang anyo ngayon kesa sa normal at inosente niyang mukha.



  May tahi ang isang mata nito na pa ekis kahit na rin ang mata nito sa kabila ay nagbago ang itsura nito na paniguradong makakapagpatindig ng balahibo mo sa kakaiba niyang anyo ngayon kesa sa normal at inosente niyang mukha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




May usok na itim na pumalibot sa kamay nito at nang mawala iyon ay lumabas ang isang patalim. Mas lalo akong kinabahan sa nakikita ko. Talaga bang kukunin na niya ang buhay ko?

  Tumakbo na ito papalapit sa akin at isasaksak na sa akin ang patalim na iyon kaya napapikit na lang ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
  Narinig ko na lang ang pagtapon ng patalim at dire diretso iyong nahulog sa parang lava.

  Nakahiga sa lupa si Rusio at may isang lalaking nakaputi ang nasa harapan ko ngayon. Nakatalikod pa ito sa akin pero alam ko na kung sino ito. Pero paano siya nakapunta dito?

Bigla itong humarap sa akin at bigla kong naramdaman ang saya sa aking puso at nabuhayan ako ng loob at pag asa na makakaligtas ako lalo na at nandito si Francisco. He's MY GHOST LOVE IN THE HAUNTED HOUSE but now he is my hero slash an angel.







******************************
A/N:

  2  MORE CHAPTERS AND FINALE NA. SOBRANG TAGAL NA NITO AT NA DELAY PA YUNG GAGAWIN KONG FIRST FANTASY AND TEEN FICTION STORY KO.

  KAYA BALAK KO NIYAN NA BEFORE THIS SUMMER ENDS IS MATAPOS NA ANG BOOK NA ITO MASIMULAN KO NA ANG BOOK 2 NG "MY GHOST LOVE IN THE HAUNTED HOUSE". YUN PO YUNG TINUTUKOY KONG TEENFIC. SOON!

KAYA GUSTO KO PONG MAG ADVANCE THANK YOU, THANK YOU SA MGA READERS PO NITO. HOPE TO SEE YOU SA BOOK 2. SA MGA NAGTATAKA O NALILITO MAN, HINDI PO ITO ANG BOOK 2 NG MGLITHH. SPECIAL BOOK LANG PO ITO LALO NA SA MGA NABITIN SA MOMENTS NG FRANCIAN (Francisco and Vivian)  DIYAN.

  PLEASE KEEP ON SUPPORTING TO MY OTHER STORIES AND ESPECIALLY TO MY UPCOMING! SA FANTASY STORY KO, WILL BE PUBLISH SOON. KASABAY PO NG BOOK 2.  SA MGA SILENT READERS DIYAN. PARAMDAM NAMAN PO KAYO OH? KA URI NA BA KAYO NI FRANCISCO O NI CERBERUSIO (RUSIO)? HAHA! JOKE LANG.

  THANKS SO MUCH READERS! MAHAL KO KAYO! 💕

~TAEYEONIE

Adventure of Francian On Spooky SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon