Kabanata 8

426K 12.6K 4.8K
                                    

Kabanata 8

"YOU can have your day off today," naibaba ko ang kape ko at kaagad na napalingon kay Iñigo.

"What?" ulit ko. He smiled and took a sip from his coffee.

"Off mo ngayon."

Nanlaki ang mata ko at napangiti. "Seryoso, Boss?" I exclaimed.

"Hmm," he nodded.

"But how about my work? May hearing ka ngayon 'di ba?" tanong ko.

"Yes," he answered.

"Paano 'yon?" tanong ko naman.

"Don't stress about it, I'll be fine," pangungumbinse niya. "You can shop or something, let Miss Tancio come with you," suhestyon niya.

"No, ayos lang na mag-isa ako. I'll go to my unit later. Kukunin ko 'yong ibang gamit," sagot ko naman at nakita kong natigilan siya. Inilapag niya ang baso ng kape sa lamesa niya bago ako tingnan.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin. "You're going there?"

Tumango ako sa kanya.

"Let the guards come with you, tatawagan ko sila..." aniya at nang akmang kukunin niya ang phone niya ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.

"No!" pigil ko. Nagtatakang napatingin siya sa akin. "I mean, I can do it on my own, kaya ko naman..." sagot ko.

Hindi siya umimik at nanatili lang na nakatitig sa akin. Nadi-distract pa ako sa buhok sa noo niya ngayon. He's hot whether he's on his just woke up hair or on his newly styled hair. Ang asul pa niyang mata ay nakakabusog kahit agahan pa lang.

The seriousness of his gaze made me tremble. I almost lost my senses when he licked his lips before speaking.

"Let me come with you," sagot niya na siyang ikinagulat ko.

"What? You don't have to!" sagot ko kaagad. Mas nangunot naman ang noo niya bago umiling. "I can handle myself, Iñigo..." dagdag ko.

"The last time you told me you can handle yourself, I found you crying on the floor," sabat niya habang nakataas ang kilay. Napanguso naman ako at hinawi ang buhok na tumama sa pisngi ko.

"Kaya ko naman talaga," giit ko.

"Then, mas sasama ako," sumimsim siya sa kape.

"But—" itinaas niya ang daliri kaya natahimik ako.

"No buts, Miss Raymundo. Sasama ako," muli niyang sabi. Hindi na ako nakaimik at napakamot na lang ng kilay. He saw my face and the side of his lips twitched, probably amazed by my facial expression. Mas inirapan ko siya pero na-distract ang dapat pagtataray ko dahil mahina siyang tumawa. Wala sa sariling napangiti ako.

"Good girl. Now, eat..." itinulak niya nang bahagya ang pagkain palapit sa akin.

Nakatitig lang ako sa pancake na luto niya.

"Not eating it?" tanong niya sa akin.

Hindi ako umimik.

"You want me to feed you?" muli niyang sabi kaya't napaubo ako at nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"What?" tanong ko. The offer sounds tempting and...

"You want it?" halos kumurap lang ako ay nasa tabi ko na siya. Nakatitig pa ako sa firm na braso niya na kita sa suot niyang sando na nagpe-flex dahil sa pags-slice niya ng pancake sa plato ko.

"Here," inuumang niya ang kutsara sa aking bibig kaya naman nawala ang tingin ko sa biceps niya at napunta sa kamay niya.

Is he really feeding me?! Napatingin ako sa pancake, sa mukha niyang nag-aantay sa pagsubo ko at sa braso niya na naka-extend dahil sa ginagawa.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon