Simula

654K 16.8K 5.5K
                                    

Hi! This book was written way back in 2016-2017. My advance apologies for the errors. (Mostly from the court scenes.)

REVISED EDITION - 2023 -

--

Simula

"FORTY-TWO, forty-three, forty four," my breathing almost stopped at kahit ayaw ko man ay kaagad akong bumagsak sa sahig at pinikit ang mga mata.

Damn, kaunti na lang! Bakit ba hindi umaabot sa fifty?!

Mabilis akong tumihaya habang nagtataas baba ang dibdib ko dahil sa paghahabol ng hininga. I need to workout more! I need to achieve fifty push-ups next time! Tumataba na ata ako!

Mariing naipikit ko ang aking mga mata at naihilamos ko na lang ang aking kamay. Matapos ang ilang minuto ay kaagad akong naupo para uminom ng tubig.

I dried my sweat and shifted my gaze to the treadmill resting near the balcony. I spent minutes stretching and when I'm finally ready ay lumipat na ako roon. I started running slowly and plugged my earphones to relax and feel the coldness of the fresh air.

"Ilabas mo ako rito! Ikaw na lang ang makakatulong sa akin, Thallia!" mahina pero mariing turan sa akin ni Ethan Castuares.

He's my Dad, well, para sa akin dahil kahit kailan ay hindi naman ako naging anak para sa kanya.

Who would like a child from sin, anyway? I know I was born because of lust. I know I was made accidentally.

"Hindi gano'n kadali iyon," mahinang sabi ko at pinagtuunan ng pansin ang daliri ko.

"Then make it easier for you! Gumawa ka ng paraan para mailabas ako rito! You know I can't spend another day here, Thallia!" he hissed at me. Ang linya sa kanyang noo ay nagiging malinaw sa aking paningin.

"Pero malakas ang ebidensya—"

"Then get it! Mag-isip ka ng paraan, Thallia!" Nanlaki ang mata ko nang suntukin niya ang mesa na naglikha nang malakas na kalabog.

"Anong nangyayari riyan?!" Kaagad kong nakita na nagsitakbuhan ang mga pulis sa tabi namin at hinawakan agad ang balikat ni Dad para pigilan siya.

"Ilabas mo ako rito! Anak kita kaya tutulungan mo 'ko!" he shouted and violently pushed the police.

"Hawakan niyo! Hawakan niyo!" sigaw ng isa sa bantay roon at hinawakan ang kamay ng Dad ko patayo.

My heart's pounding fast and hard. Napahigpit ang kapit ko sa bag ko habang pinagmamasdan ang ama ko na nagpupimilit kumawala sa hawak ng mga pulis. He was shouting and pushing them. He was mocking me, calling me names.

"Wala ka talagang silbi! Parehas ka sa nanay mo!" He's glaring at me with those fierce black eyes, matapang at galit na galit ang tingin nito sa akin at pinipilit akong ilabas siya mula roon sa kulungan niya.

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya habang ipinapasok siya sa selda at halos mapatalon ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko.

"Miss, ayos ka lang?" Kaagad akong lumingon at napahinga nang maluwag nang makitang isang pulis pala ang nagtatanong sa akin.

"Yes, I'm fine."

"Sigurado ka, Miss? Hindi ka ba niya sinaktan o—"

"He's my father and he's not gonna hurt me," prente kong sagot at bago pa man siya makapagsalitang muli ay kaagad ko na siyang tinalikuran at nagmartsa ako paalis.

What should I do? How can I get the evidence that fast? He was rushing me in doing it pero hindi ako makakuha ng tiyempo!

Halos malaglag ako sa treadmill sa gulat nang biglang mag-ring ang phone ko, mabuti na lang at mabilis akong nakakapit at pinatay kaagad ang makina nito.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon