Kabanata 21

330K 10.2K 2.4K
                                    

Kabanata 21

"NO one will love her! I am telling you!" narinig ko ang tawanan sa may bandang likuran ko pero hindi ako nagsalita.

"Nabalitaan mo ba 'yong ginawa niya sa kapatid niyang si Natalie Paige?" sagot naman ng kausap.

"Ano ka ba, balita ko hindi naman siya ang tunay na kapatid? Nagpanggap lang atang kapatid para makahuthot ng pera sa asawa ng nanay niya!" Kahit na nasasaktan ako ay nanatili lang ako tahimik at nakatitig sa baso ko.

"Really? Akala ko rumor lang since wala namang pahayag ang dad ni Natalie." Halatang pinaparinggan nila ako dahil sa lakas ng pag-uusap nila.

Gusto kong matawa habang nakikinig sa kanila. That issue was long ago! God, hindi pa rin makausad? Lahat ng mga dating kakilala ko ay lumayo sa akin dahil sa pangyayaring 'yan, which I admitted was true.

Some of my acquitances stayed but most of them left me nang malamang hindi ako ang tunay na anak ni Eduardo Paige, na ako ay nagpanggap lamang. Hindi naman naglabas ng pahayag ang pamilya nila Natalie pero may tainga ang lupa at may pakpak ang balita kaya wala itong kawala.

"Nabalitaan mo ba 'yong nangyari sa tunay niyang tatay?" sabi nito. Lumagok naman ako mula sa baso ng alak sa harapan ko habang nakikinig.

"He's in jail, right? Nagnakaw ata ang tatay niya, ayon sa balita."

"Guess what, girl, I saw her last time at Sandejas' Law firm! Probably working dahil sa suot niya!"

"Naghihirap na kasi! Look at her now, alone and drinking! Paniguradong wala na 'yang pera!" I heard the sound of their laughs. Lumagok ulit ako at napasandal sa sofa nang mahilo ako.

"Baka naman nilalandi si Iñigo Sandejas! Siya ang nagpapatakbo ng firm na 'yon right?" Mas lalong pumintig ang ulo ko nang marinig ang pangalang iyon.

"Probably!" she snapped her fingers. "Nasabi rin pala sa akin ni Erika last time na she's with him sa bar and siguro nga nilalandi niya!"

"This bitch!" nagngingitngit siya sa galit.

If this was a normal day, I'd probably go and bitch-slapped her for bad-mouthing me pero sa ngayon ay wala akong lakas para makipag-away sa kanya. I am emotionally and physically hurt and tired. Parang gustong sumuko ng katawan ko sa mga nangyari ngayong araw na ito.

Iñigo Sandejas. That man.

Hindi ko na napansing nagtubig ang mga mata ko at naramdaman ko na lang ang pagkakabasa ng pisngi ko. I bit my lip to stop myself from sobbing. Ayokong maging mahina at umiyak habang pinapakinggan ang mga sinasabi nila at habang nakikita ako. Ayokong ipakita kung gaano ako kahina ngayon, na wala akong panlaban sa mga katotohanang sinasabi nila sa akin.

I am a bitch, maybe. Probably. Minsan nga naisip ko kung bakit ba kailangan kong mamuhay ng ganito? Bakit ako pinanganak sa isang marangyang pamilya para magkagulo lang ng ganito? Bakit ako naging sakim? Bakit ako nagmahal? Bakit ko kailangang magsakripisyo at masaktan?

Is this my purpose in life? To live and suffer the consequences of my actions?

I deserved it, ilang beses ko nang sinasabi. Na tanggap ko na pero ang sakit pa rin pala? Na dahil sa mga maling paniniwala at desisyon ay naghihirap ako ngayon.

My heart hurts pero habang nagtatagal ay parang namamanhid ako sa sakit na nararamdaman ko. Parang mas gusto ko na lang na lumayo at mamuhay ng panibago.

'Yong walang nakakakilala sa akin, 'yong walang manghuhusga. Sa totoo lang ay ayos lang sa aking pag-usapan ako pero hindi totoo ang mga sinasabing masama sa akin but what they're gossiping about me now is true.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon