Kabanata 10

392K 10.7K 3K
                                    

Kabanata 10

"UY, Kuya, magsalita ka naman," udyok ni Zeijan kay Iñigo na kanina pa walang imik. Simula nang pumasok ang isang 'to kanina para mambitin ay masama na ang mood ni Iñigo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa kaya napatingin sila sa akin. I flashed a small smile at nagsalita.

"I'll get coffee," sabi ko bago mababaw na yumuko at tumalikod. Kahit ako rin naman siguro ay maiirita sa ginawa ni Zeijan. I mean, even if he did it unconsciously at hindi niya sinasadya ay nakakainis pa rin!

Naipikit ko ang mata at dumiretso sa pantry pero kaagad na humarang sa paningin ko si Dash.

"Sir Dash!" gulat kong sabi.

"Hi, Thallia!" ngiti niya bago pasadahan ang buhok gamit ang kamay. Ngumiti naman ako at tumango.

"Nasaan si Kuya?" tanong niya bago inilibot ang paningin.

Tinuro ko ang pintuan ng opisina ni Iñigo.

"Good, thanks!" aniya bago ginulo ang buhok ko at naglakad papunta sa opisina ng kapatid niya.

Ano bang meron? Bakit nagsisipuntahan dito ang dalawa? Hobby ba talaga nilang manira ng moment? The first time we almost did it, panira si Dash and now, just when the fire is burning, Zeijan comes and kills it!

Nakasimangot na pumunta ako ng pantry at kumuha ng tatlong tasa. Hindi man ako marunong magluto ay na-master ko naman nang mabuti ang pagtitimpla ng kape.

As a secretary, of course, I should learn how to do this. As far as I remember naman ay wala akong natatanggap na reklamo kay Iñigo kaya I assume na maayos naman ito. I prepared two cups of dark coffee and a cup of tea. Hindi na pwedeng magkape si Attorney dahil katatapos niya pa lang, it's bad for his health. Baka hindi pa 'to makatulog mamaya.

Pagkalabas ko pa ay nagkukumpulan ang mga ka-opisina ko at pinag-uusapan ang tatlong magkakapatid. Pinilit pa nila akong sila na ang maghahatid ng kape pero siyempre ay hindi ako pumayag.

Who wouldn't want to be a secretary, anyway? Lalo na at iyong tatlo ang makikita mo madalas. One Sandejas is a hundred percent enough and three is just too much. Sinong hindi maiinggit?

"Come in," I heard Dash's voice kaya kaagad kong dinala ang tray at pumasok sa loob. Their eyes is pinned with me nang makapasok ako kaya kaagad akong ngumiti.

"Coffee?" I said at kaagad kong nakita ang pagtaas ng kilay ni Iñigo. Mula sa pagkakapatong ng kamay sa lamesa niya ay umayos siya ng upo at sumandal sa swivel niya.

"Ayon!" Dash cheered at sumilip sa dala ko habang tatawa-tawa naman si Zeijan.

"Grabe ka, Kuya Raf! Ang swerte mo naman sa secretary mo!" baling nito kay Iñigo.

Inilapag ko ang tray sa lamesa pero kita ko ang seryosong titig ni Iñigo sa akin. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo, his lip twitched at bumaling ang tingin niya sa blouse ko kaya bumaling rin ako roon at nanlaki ang mata ko ng makitang may isang butones na bukas sa may malapit sa dibdib.

Mabilis akong umayos ng tayo at tumikhim si Iñigo at pasimpleng inabot ang kamay ko pahila sa pwesto niya.

"Fuckers, look at the TV," biglang sabi niya kaya napabaling ang dalawa roon.

"Oh? Anong meron diyan?" tanong ni Dash, bago naman sumagot si Iñigo ay binalingan niya ako bago ko pa man mabutones ang blouse ko.

"Come here," he mouthed at pagkalapit ko ay kaagad siyang tumayo at hinawakan ang damit ko.

"Anong meron diyan—" nang akmang lilingon si Dash ay tumiim ang bagang ni Iñigo at halos sumigaw na.

"Just fucking look at that!" natigilan naman si Dash sa paglingon pero nakita ko ang pagngisi niya.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon