Finally! Peace! Masayang sambit ko sa isip nang maamoy ang mabangong amoy ng kapeng in order ko. Midterms was hell and a cold coffee is a good treat to myself for doing my very best on the exam. Ilang gabi ding 2 oras lang ang tulog ko kaya mamayang pagka uwing pagka uwi ko ay matutulog ako ng isang buong araw.
Kinuha ko ang earpods ko sa bag at nakinig ng music habang nag sco-scroll sa feeds ko sa facebook gamit ang laptop ko. I deactivated my facebook before the midterm so that walang temptation kaya naman ngayon ay punong puno ang feed ko ng mga pictures ng schoolmates kong nag popost ng #MidtermOver.
Tumambay pa ako ng ilang minuto sa cafe bago ko napag desisyunang umuwi na para makapag pahinga na ako at ma fulfill ang promise ko sa sarili ko na matutulog ako ng isang buong araw. Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong ako ng aso kong si Pitchie, sa liit niya ay hanggang kalahati lang siya ng tuhod ko.
"Hi baby pitchie! I miss you! How are you? Hmm? " kausap ko sakanya. Tumahol tahol naman siya bilang sagot sa tanong ko at masayang ginagalaw ang buntot niya.
Gosh! Ang cute talaga ng aso ko! Sarap tirisin! Kaso ayoko siyang mamatay! Kaso ang cute niya talaga!
Yumuko ako at binuhat siya "Tabihan mokong matulog Pitchie! Ilang gabi ding walang maayos na tulog ang amo mo" sabi ko sakanya habang buhat ko siya at malapit ang mukha sakin. Tila nakikisimpatya naman siya sakin dahil dinilaan niya ang mga mata ko. Umakyat na ako sa taas patungong kwarto ko at sinimulan na ang isang buong araw kong pag tulog.
Nagising ako dahil sa malakas na ingay at nang tumagal ay naalala kong tunog pala iyon ng ringtone ko kaya dali dali akong bumangon at inalis ang kumot sa katawan ko. Nagimbal ako nang makitang malakas na tumilapon si Pitchie na malakas na umiyak pagka bagsak niya ng sahig.
Mabilis akong bumaba ng kama at dinaluhan ang kawawang pinakamamahal kong aso "OMG i'm sorry Pitchie! Hindi ko alam na nasa taas ko pala ng kumot ko! Tumilapon ka tuloy. Sorry baby ko" paglalambing ko sakanya at hinimas ang parteng binagsakan niya. Agad na tumigil naman siya sa pag iyak kaya binitbit ko siya at inabot ang cellphone kong umiilaw, hindi na ako nag abala pang tingnan kung sino ang tunatawag
"Hello?! " asar na bungad ko sa taong sumira ng masarap kong tulog.
"Hey babe" pakiramdam ko ay tumigil ang tibok ng puso ko nang marinig ang malalim na boses ng taong kausap ko. Kung hindi pa tumahol si Pitchie ay baka iiisipin kong patay na ako.
"Ohh. Seems like Pitchie knows i'm the one calling" rinig kong sabi niya mula sa kabilang linya. Pinanlakihan ko naman ng mata ang aso kong tuwang tuwa na alam na alam kung sino ang tumatawag sakin.
"Tsk. Anong kelangan mo Perez?" Kunot noong tanong ko sakanya na tila ba kaharap ko lang siya.
"Woah easy there babe, why so hot?" Mabuti nalang at hindi ko siya kaharap dahil ramdam na ramdam ko ang pag akyat ng init sa pisngi ko.
The things you do to me Perez.
"Tigilan moko Perez. Papatayin ko na to kung wala ka naman palang importanteng sasabihin. Matutulog pa ako. Panira ka ng tulog" kunyari ay bugnot na sagot ko.
"Grabe! Sa libo libong babae na nagkakandarapa na matawagan ko tapos ikaw papatayan mo lang ako ng tawag?!" Agad na kumuyom ang kamao ko sa narinig.
"I'm not like them" tipid na sagot ko.
Ilang segundong katahimikan ang dumaan sa pagitan namin bago siya sumagot."I know" halos bulong na sagot niya pero rinig na rinig ko parin. Natigilan naman ako at walang maapuhap na sasabihin kaya tinikom ko nalang ang bibig ko.