Takot.
Ang tanging pakiramdam na nararamdaman ko ngayon habang nakahiga sa loob ng tent na nada gitna ng kawalan pagkatapos akong iwan na dito ng staff na nag hatid sakin.
Lahat na halos ng pagmamakaawa ang ginawa ko para huwag lang akong patulugan dito pero sanction is sanction daw kaya wala akong magagawa kaya heto ako ngayon nanginginig sa takot. Tanging flashlight lang ang dala ko dahil kinuha ng teachers ang phones naming lahat para makapag focus kami daw sa camp.
"Fuck!" Mahinang usal ko sa sarili nang makarinig ako ng sunod sunod na ingay ng yapak mula sa malayo.
Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kumot na tinaas ko hanggang sa ilong ko dahil sa kabang at takot na nararamdaman ko habang parang sirang plakang paulit ulit na nag rereplay sa isip ko ang mga nakakatakot na kwentong kinwento sakin noon at mga nakakatakot na kwentong nabasa ko.
Pakiramdam ko ay nanigas ang katawan ko nang narinig kong papalapit ng papalapit ang tunog na naririnig ko. Gusto ko mang isipin na isa yung taong may mabuting kalooban na nag volunteer na samahan ako ngayon dito sa kawalan pero base sa nakita kong itsura ng mga kaklase ko kanina bago umalis ay masyadong malabo.
Hinding hindi na talaga ako manonood ng horror movies, hinding hindi na rin ako maikikinig at magbabasa ng nakakatakot!
Halos pigilin ko ang pag hinga ko nang narinig kong bumukas ang zipper ng tent na kinaroroonan ko. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng pag tibok ng puso ko dahil sa sobrang takot nang marinig ko ang sunod sunod na malalim na pag hinga ng hindi ko alam kung anong bagay.
"Aaahhh!" Pinuno ng malakas na sigaw ko anb kagubatan nang bigla nalamang may humawak sa paa ko dahilan para mapasigaw ako.
"Hey! Hey it's me!" Rinig kong sabi ng napaka pamilyar na boses.
"Brooklyn?!" Tawag ko sa pangalan niya habang naka tingin sa kawalan dahil hindi ko siya makita dahil sa sobrang dilim.
"Yeah it's me" hindi na ako nagisip at agad na dinamba ang direction kung saan ko narinig ang boses niya.
"Woah what's wrong?!" Gulat na sabi niya nang bigla ko siyang niyakap.
Sunod sunod naman ang pag tulo ng luha ko nang maramdaman ko ang mainit niyang katawan na yakap ko.
Ilang segundo ng katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Nanatili akong nakayakap sakanya at pinigilan ang sarili kong mapahikbi nang naramdaman kong pumaikot sa katawan ko ang braso niya.
"I'm here" rinig kong bulong niya sa tenga ko.
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya at binaon ang mukha ko sa leeg niya.
Ilang minuto rin kami nasa ganoong posisyon nang bigla ko siyang hinampas.
"Ouch! Fuck woman! What's your problem?!" Asar na sigaw niya sakin. Kahit sa dilim ay nakikinita ko kung ano ang itsura niya.
Dikit ang kilay habang medyo nanlalaki ang ilong dahil sa inis tapos siguradong nakatingin siya sakin ngayon ng masama kahit hindi niya ako nakikita.
Napangiti ako sa sarili habang nakatingin sakanya sa dilim. Masyado ko na talagang kilala si Brooklyn. Nakakalungkot lang dahil humantong kami sa ganito. Sa labuan. Sa hindi pagkakaintindihan. Sa iwasan. Sa hindi pag pansinan.
"Bakit ka ba kasi nananakot?!" Singhal ko pabalik sakanya.
"I didn't mean to scare you! It's your fault na matatakutin ka!" Agad naman siyang nakatanggap ng isa pang hampas mula sakin.
"Aray! Nakakailan ka na ah!"
"So ako pa ngayon ang may kasalanan?!" Asar na sabi ko at binigyan siya ng malilit na kurot.
Sunod sunod na igik naman ang narinig ko mula sakanya "Sabi ko nga ako may kasalanan"
Agad akong natigilan kasabay ng pag tigil din ng hiyaw niya sa sakit.
Akmang ibababa ko ang kamay ko na naiwang kinukurot ang dibdib niya ba matigas nang bigla niyang hawakan iyon.
Hindi lang basta hawak ang ginawa niya kundi pinagsalikop niya ang kamay namin. HOLDING HANDS!!!
"I'm sorry if i scared you" mahinang sabi niya habang hinihimas ng mahina ang likuran ng palad ko.
"O-okay lang" tipid na sabi ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Ilang buwan narin ang dumaan simula nang naging ganito ako kalapit sakanya. Hindi man naging madali sa una dahil hinahanap hanap ko ang presensiya niya pero at least nakaya ko.
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" Bigla kong tanong nang mapagtanto ko ang nangyayari.
"I'm sleeping here" tipid na sagot niya at pinagpatuloy ang marahang pag himas sa kamay ko.
Gusto ko mang alisin dahil hindi ko nagugustuhan ang awkwardness na nararamdaman ko pero may parte sakin na nagugustuhan ang ginagawa niya kaya kahit tangkain ko mang agawin ang kamay ko ay hindi ko magawa.
"Huh?! Bakit?!" Gulat na tanong ko.
"Because i'm late" walang pakeng sagot niya na ikinagulat ko.
Paanong late siya eh wala na siya kanina sa bahay pagka alis ko?!
"Paanong late ka? Eh mas nauna ka pa ngang umalis sakin" kunot noong tanong ko.
"Nauna kalang dumating sakin sa school ng ilang minuto bago ako dumating kaya late ako" hindi ko talaga gets kung bakit at paano siya na late. Gets niyo ba?
"Paano?!" Narinig ko ang malalim na pag pakawala niya ng malalim na hininga.
"Because i followed you okay?" Parang nahihiyang sabi niya.
"Huh?" Hindi ko parin talaga gets.
"I parked my car not so far from your house so you will think i already left. And drove 2 cars away from the taxi your in when you're on your way to school" gulat na gulat ako pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. Ilang daang tanong agad ang rumagasa sa isipan ko pero tanging "bakit" lang ang nasambit ko.
"Because i know you're not informed about the announcement. Gusto sana kitang sabihan kaninang umaga na bilisan mo ang pag-aayos but i know i'll just ruin your day with my mere presence. So i decided to just join you here in your sanction cause i don't want to leave you alone. Not now. Not ever"
Dug
Dug
Dug
Ang pamilyar na tibok ng puso ko sa tuwing malapit siya. Pero ngayon ay triple ang nararamdaman ko dahil sa pinaghalo halong emosyong nararamdaman ko. At sa dami niyon parang nag malfunction ang utak ko kaya pinili ko nalamang manahimik dahil hindi ko alan kung ano isasagot ko.
Hindi ko nagugustuhan ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Ang maliit na pagasang muling bumangon dahil sa sinabi niya.
"Let's sleep" pagbabasag niya sa katahimikan namamagitan samin.
Tama! Matutulog nalang kami. Itutulog ko nalang tong nararamdaman ko.
"Ah. Sige goodnight" mabilis na sabi ko at agad na humiga.
Agad akong nag talukbong ng kumot at tumalikod sa direction kung saan naroon siya.
Ilang segundo ko rin pinakiramdaman ang paligid pero hindi parin siya gumagalaw sa kinaroroonan niya.
"Hindi ka b-" agad na naputol ang ano mang sasabihin ko nang bigla siyang humiga sa tabi ko at niyakap ako mula sa likod.
Pakiramdam ko ay nanigas ang katawan ko. Pati yata katawan ko ay nag malfunctio na dahil hindi ko maramdaman ang kahit anong parte ng katawan ko.
"I didn't brought my tent. So let's just sleep together"
Mas nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hagkan ang noo ko bago binaon ang mukha niya sa leeg ko.
"Good night Lia"
-Brooklyn Perez-
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘