Where are you?
Recieved 12:04 PM
Lunch?
Recieved 12:04 PM
Agad akong napangiti nang mabasa ang niya nang buksan ko ito pagkatapos ng klase namin.
"Asus lapad ng ngiti natin ah" nangaasar na sabi ni Tin.
"Tigilan mo ako" nahihiyang sabi ko at agad na tinago ang phone ko sa bag at hindi na nag abala pang replyan si Brooklyn.
"Pansin ko lang ah. Ba't medyo clingy ngayon sayo si Lover boy. Anyari?" Chismosang tanong ni Tin habang nag lalakad kami papuntang canteen.
Pansin ko rin yun simula nung gabing nagkatabi kami matulog sa gitna ng kawalan months ago. pero hindi ko lang bini big deal. Mahirap na mag assume.
"Wala yon. May kelangan lang" tipid na sagot ko.
Hindi narin naman siya nag commento dahil alam niyang hindi ko gustong pag usapan ang tungkol doon.
Tahimik lang kaming naglalakad papuntang canteen nang bigla nalamang may sumabay sa paglalakad namin.
"Hi" rinig kong bati niya saaming dalawa ni Tin. Takang nilingon ko ito para malaman kung sino nang makita ko ang lalaking humila sakin noon.
"WTF! KUYA KELAN KA LANG UMUWI?!" gulat na sabi ni Tin at mabilis na dinamba ng yakap ang lalaki.
"Kuya mo?" Gulat na tanong ko at nagpalipat lipat ang tingin sakanilang dalawa na kababakasan ng tuwa sa kanilang mukha.
"Anong kuya mo? Wag mong sabihing nakalimutan mo si kuya Keith?"
Agad na nangunot ang noo ko dahil sa tono ni Tin na para bang gulat na gulat sa pag tanong ko. May nakalimutan ba akong nangyari sa buhay ko na kasama ang lalaking to aside from the day na kinaladkad niya ako kahit hindi ko siya kilala?
"Uh" nakangiwing sabi ko habang hinahalukay ang utak ko kung saan ko pa nakasama ang kuya ni Tin.
"Myghaaaad. Makakalimutin ka talaga siya yung tumulong satin sa research natin noong freshman palang tayo!"
Huh? Siya ba yon? Pero bakit?
Agad na sinuyod ko ng tingin ang kapatid ni Tin mula ulo hanggang paa.
"Impossible" gulat na sambit ko.
Impossible talaga! Kasi mula sa pagkakatanda ko isa siyang dambulang chocong naglalakad! Kasi maitim na mataba pa!
"Nothing's impossible" sagot niya sakin at binigyan ako ng mala toothpaste na ngiti.
Muntik na akong mapanganga sa gulat dahil hindi ko talaga maisip kung paano siya naging ganito. From choco to white choco and from dambulang choco to sexy white choco!
"Let's eat" bigla niyang sabi at nauna nang mag lakad habang hawak sa kamay si Tin. Kung hindi pa ako hinila ni Tin ay hindi pa ako makakagalaw mula sa kinatatayuan ko.
"So bakit ka nandito kuya?" Tanong ni Tin sa kuya niya habang nasa kalagitnaan kami ng pag kain.
"I'm enrolling for my 5th yr. Isang sem nalang naman so dito ko nalang tatapusin since after ng graduation ako na mag mamanage ng company sabi ni Dad"
Napatango tango naman si Tin "so it means sabay tayong ga graduate? Cool! Kelan ka nga pala nakabalik from Canada?"
"4 months ago pa"
4 months ago. Exactly 4 na buwan simula nung huli ko siyang nakita. So it means kakauwi niya palang pala nun?
"What? 4 months ago pa?! Pero bakit ngayon ka palang nagpakita! Nakakatampo ka ah!" Nanghahaba ang ngusong sabi ni Tin.
Nawala ang attention ko sakanilang dalawa nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya dali dali iyong hinalungkat sa bag ko. Hindi na ako nagulat nang makita ang pangalan ni Brooklyn na naka rehistro sa screen.
"Where are you?!?" Hindi pa man ako nakakapag salita ay yun na agad ang bungad niya.
"Why?" Tipid na sagot ko.
"Never mind. I can see you now" agad akong napatingin sa paligid at nakita siyang naglalakad papunta sakin hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ko.
Napabuka ang labi ko habang nakatingin sakanyang naglalakad na parang modelo papunta sa kinaroroonan ko. And for heaven's sake naka bukas ang unang dalawang butones ng suot niyang uniform kung kaya kitang kita ng lahat ang ma hurma niyang dibdib. Parang bale wala lang naman sakanya ang attentiong natatanggap niya mapa lalaki man o babae.
"Why are you not replying to my text?" dikit ang kilay na sabi niya nang makarating sa mismong harap ko.
"I don't see the need to" bale walang sagot ko at inalis ang paningin ko sa makasalanang view sa harap ko.
"I was asking you out for lunch! and you'll tell me you don't see the need to?" pikong sagot niya at inip na sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri niya.
Napasunod nalamang ang tingin ko sa daliri niyang parang slow motion na dumaan sa bawat hibla ng buhok niya, sunod sa labi niyang mas lalong namula nang bigla niya iyong kinagat.
"Forgive me for butting in but i don't think it's right for you to get mad at her for a very nonsense reason" rinig kong sabi ni Keith mula sa likuran ko.
Agad na nangunot ang noo ni Brooklyn nang mapatingin kay Keith "And who the hell are you?" masungit na sabi niya.
Bago pa man sumagot sa Keith ay agad ko nang hinila palabas ng canteen si Brooklyn bago pa humantong sa kung ano ang eksena, knowing Brooklyn hindi siya basta basta titigil kung hindi pagbibigyan.
"Why did you pull me? i still don't know that fuckin buttinski" Reklamo niya at akmang kakawala sa pagkakahila ko sakanya nang mas hinigpitan ko ang hawak ko sakanya para hindi siya makawala.
"Akala ko ba gusto mong mag lunch kasama ako?" taas kilay na tanong ko sakanya nang lingunin ko siya.
Agad na napalis ang pagakakunot ng noo niya nang marinig ang sinabi ko at ngumiti ng sobrang lawak "Hindi mo naman kasi sinabi agad" nakangising sabi niya at inakbayan ako.
Parang na pipilan nanaman ulit ako nang bigla niya akong tingnan habang naka akbay parin sakin dahil sa lapit ng mukha namin "Let's go" masayang sabi niya at naglakad na habang naka akbay sakin.
Nakasunod lang naman ang tingin samin ng mga taong nakakasalubong namin, karamihan ay ang mga babaeng masama ang tinging pinupukol sakin. Mula sa kalayuan ay nakita ko ang pabebeng babae na umaway sakin sa canteen dahil sa hindi sinasadyang pagbungguan namin na nakakuyom ang dalawang kamay habang sobrang sama ng tingin sakin.
Napangisi ako sa sarili at inangklas ang isang kamay ko sa bewang ni Brooklyn sabay behlat sa babaeng yun.
Ano ka ngayon?
-Brooklyn Perez-
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘