10

1.5K 47 0
                                    

YES!!!! Malakas na sigaw ko pero sa isip lang nang makita ko mula sa malayo mula sa kinasasakyan kong taxi ang bus na sasakyan namin sa harap ng school. Exactly 5 kasi ang call time naming lahat kaya isang himala na andito pa sila kahit 5:15 na. Hayy Pinoy nga naman! Kaya hindi umuunlad ang economiya ng Pilipinas!

"Manong diyan lang po!" Nagmamadaling sabi ko at agad nang binayaran si mamang driver at lumabas na ng taxi bitbit ang mga gamit ko at tumakbo papunta sa kinaroroonan ng bus.

Agad na napunta ang lahat ng attention sakin ng lahat pagka pasok ko sa loob ng bus.

Anong meron? Takang tanong ko sa isip nang makitang pati si Kristin ay nanlalaki ang mata at nakatakip pa ng bibig habang gulat na nakatingin sakin.

Seriously anong meron?

Hindi ko nalamang sila pinansin at naglakad na ako papunta sa bakanteng upuan sa tabi ni Tin. Nakasunod lang naman ang tingin nila sakin habang naglalakad ako.

Sabi ko kanina sa sarili ko na ayos lang ma late ako at least maganda habang nag-aayos ako ng sarili pero hindi ko naman ginalingan ng ganon kaya hindi ko gets kung bakit masyado silang shock na makita ako ngayon. Alam niyo yon? Palagi naman nila akong nakikita sa school na maganda pero bakit masyado silang shock ngayon?

Hanggang sa makaupo ako ay nasakin parin ang attention ng lahat kaya tinaasan ko sila ng kilay. Agad naman silang umiwas ng tingin at agad na binalik ang attention sa kanilang ginagawa. Natigilan ako nang lingunin ko si Kristin ay ganon parin ang itsura niya. Nanlalaki ang mata at nagtatakip ng bibig habang gulat na gulat na nakatingin sakin. "Hindi naman masyadong OA ang reaction mo Tin" pairap na sabi ko at inayos na ang bag ko sa ilalim ng upuan ko.

"Bakit ka late?!" Pasinghal na tanong niya sakin habang parang stressed na hinilot ang kanyang sintido.

"Oh ano ngayon kung late ako? At least hindi ako naiwan ng bus!"

'Hindi ka nga iniwan ng bus pero sa gitna ng gubat ka naman mamaya matutulog ng magisa!"

"Eh ano ngayon kung sa gitna ng- teka! Ano?!" Gulat na sambit ko at nanlalaki ang matang nilingon si Tin.

"Hindi mo alam?! In announce na bawal ang late dahil ang sanction ay sa gitna ng gubat matutulog ang late"

Agad kong nahawakan ang bibig kong napanganga dahil sa narinig. Ilang araw lang na  hindi ako nag bukas ng facebook at cellphone ay eto na ang balitang kumalat na hindi ko alam? Parang hindi naman to in announce ah!

"Bakit hindi ko alam?!" Nagpapanic na tanong.

Hindi ko maimagine ang sarili kong matulog ng magisa mamaya at sa mismong gitna pa ng gubat! Ayoko pa namang naiiwang magisa sa gitna ng kawalan.

"Kagabi lang in announce yan girl! Naka post sa page ng school "

Agad akong napamura sa isip. Bakit hindi ko ba naisip na buksan ang cellphone ko kagabi or kahit ang fb ko manlang. At ang malala pa bakit hindi manlang ako sinabihan ni Brooklyn ?!

Wooh! Think positive Lia! Hindi lang naman siguro ikaw ang late diba?

-Brooklyn Perez-

Tatapusin ko na po ang story na to ngayong araw o bukas. Kaya stay tuned po! Salamat!

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

Booklyn PerezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon