2

2K 61 2
                                    

"Class dismissed" agad na nagsilabasan ang mga kaklase kong kanina pa atat na ata lumabas ng room,  well I can't blame them.  Ikaw ba naman ma stuck ng 2 oras sa teacher mong sa sobrang tanda ay hindi mo na marinig ang tinuturo?

"Finally!" Sarcastic na sabi ni Kristin sa tabi ko at nilagay na ang mga gamit niya sa bag pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng room. 

Paniguradong halos lahat na ng mga students ay nasa Gym at nag checheer dahil mula sa kinatatayuan namin ay rinig na rinig ko ang ingay nila. 

Meron kasing friendly match ang basketball players ng school namin vs the basketball players of our sisters school. 

"Tara bes!  Bilis! Baka wala na tayong pwesto! " nagmamadaling sabi ni Tin at nauna nang tumakbo papunta sa gym

Sus if i know gusto niya lang makakuha ng magandang pwesto para makita ang beloved Vinz niya.  Tsk.

Napailing nalang ako at tumakbo narin pasunod sakanya.  Hindi nga nagkamali si Tin dahil pagkapasok palang namin ay punong puno na ang gym.  Dikit na dikit ang mga students at halos wala na talagang mauupuan. 

Narinig ko namang frustrated na bumuntong hininga si Tin bago ako nilingon. 

"Hindi ba talaga tayo pwedeng umupo sa usual spot natin?" Nagmamakaawang sabi niya.  Napatingin naman ako sa usual spot namin everytime na may basketball game at nakita iyong bakante. 

The usual spot i'm talking about is the bleachers.  Brooklyn always want me to seat on that spot para daw mabilis niya akong makita if we will do our signature sign before his game.  I was always the one who assist him every break.  Taga punas ng pawis,  taga painom sakanya ng tubig.  Name it .

"You know we can't right?" Malungkot na sagot ko at umiwas sa nagmamakaawang tingin ni Tin. 

Yes we usually sit there.  But that was before he changed and started treating me like a nobody. 

Napatingin kami sa court nang tumunog ang buzzer hudyat na magsisimula na ang game.  Nakasunod lang ang tingin ko kay Brooklyn na dere-deretso ang tingin sa gitna at hindi manlang tinapunan ng tingin ang usual spot kung saan niya ako pinapaupo noon.  Pinatayo silang dalawa ng isang kalaban sa gitna para mag agawan ng bola.  Napakuyom ang kamao ko habang umaaasa na sana kahit mabilis lang ay lingunin niya ang lugar na dapat kinauupuan ko at hanapin ako para gawin namin ang usual sign namin.  Pero hanggang sa mag simula ang game ay hindi manlang niya tinapunan ng tingin ang spot na yun. 

Kasabay ng pag hiyawan ng mga students ng school namin nang mapunta ang bola sa team ni Brooklyn ay ang pagtalikod ko. 

I don't get it.  Okay naman kami nung kelan.  He even invited me for a dinner pero bakit ngayon kahit halos tapunan ako ng tingin ay hindi niya magawa?  He even keeps on ignoring my calls and texts.  Tapos nung huling beses na nag text ako sakanya ay nireplyan niya ako ng "Who's this? "

Rinig ko ang pag tawag sakin ni Tin pero hindi ko manlang siya nilingon at agad na sumakay sa naka paradang taxi sa labas ng school namin.  This is the first time na mag tataxi ako kasi usually hatid sundo ako ng driver namin o di kaya ay ni Brooklyn. 

I should really get him out my system.  Masyado akong naging dependent sakanya kaya siguro iniiwasan niya ako dahil nasasakal na siya.  But he should tell me,  hindi yung gugulatin niya ako sa pag trato sakin ng ganito. 

" Emperial 4, street 6 po tayo kuya" sabi ko sa driver. 

Agad kumabog ang dibdib ko nang magkasalubong ang paningin namin ng driver sa salamin at nakita kong namumula ang nata niya.  Ngayon ko lang rin napansin kung gano kabilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. 

"Kuya pwede pong dahan dahan lang tayo?" Nagpapanic kong sabi sakanya pero parang wala lang siyang narinig dahil patuloy parin ang mabilis na pagpapatakbo niya hanggang sa halos muntik na kaming mabundol ng isang sasakyan,  mabuti nalang at mabilis na naka preno yung sasakyan. 

Pero ang driver ng sinasakyan ko ay patuloy parin sa mabilis na pag dadriver. 

Jusko po!  Mahal ko po ang buhay ko!

Halos lahat na yata ng Santos sa langit ay nahingian ko na ng tulong pero mukhang hindi nila narinig ang panalangin ko dahil ang mabilis na paparating na sasakyan nalamang ang sunod kong nakita. 

-Brooklyn Perez-

  R E A D

V O T E

C O M M E N T

F O L L O W M E

Booklyn PerezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon