7

1.8K 59 2
                                    

Strangers. That's the perfect descripion of our set up. Tumitira kami sa iisang bubong pero wala kaming kibuan or should i say hindi ko siya kinikibo? Kapag alam kong magkakasulubong kami ay mabilis akong iiwas o di kaya ay hindi manlang siya tapunan ng tingin, minsan sinusubukan niyang kausapin ako pero sarado ang tenga ko sa kung ano mang sasabihin niya.

Ilang araw din ang dumaan bago ako mabigyan ng clearance ng doctor ko na pwede na akong mag-aral ulit, so here i am standing in front of the mirror staring at myself while my mind is blank.

What's happening to me?

Napailing ako at mabilis nang lumabas ng kwarto at bumaba para makapag paalam kay manang Wendell na aalis na ako papuntang school. Napatagil ako sa harap mismong pinto ni tinulutulugan ni Brooklyn.

Hanggang kelan kaya siya dito? Akala ko hanggang sa paggaling ko lang siya dito but now that i'm perfectly fine ay nandito parin siya at hindi umaalis.

Nagkibit balikat ako at bumaba na ng hagdan at tumuloy sa kusina, naabutan ko naman si manang na busy sa pag luluto.

"Good morning manang!" Masayang bati ko sakanya at sinilip ang kanyang niluluto. Omyghaad Bacon!

"Oh! Gising ka na pala. Kain ka muna"

"Actually aalis na po sana ako, kaso alam mo po talaga kung pano ako mapapakain" natatawang sabi ko at umupo sa harap ng mesa.

Natawa naman si manang sa sagot ko "syempre ayoko namang umalis ang alaga ko nang walang laman ang tiyan" malambing na pahayag niya at kinurot ang pisngi ko bago bumalik sankanyang niluluto.

Ano nalang kaya ang gagawin ko kung wala si manang sa buhay ko? Simula pagka bata ko ay siya na talaga ang tumayo sa tabi ko.

Nang matapos siyang mag luto ay sabay na kaming kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang bumaba si Brooklyn.

"Brooklyn Iho! Sa wakas ay gising ka narin. Sumabay ka na saaming kumain" napalingon ako sa hagdan at nakita siyang pupungas pungas pa. Napalunok ako nang makitang nakasuot lang siya ng putinf sleeveless na damit kaya nakahantad talaga sa paningin ko ang magandang braso niya. Agad akong umiwas ng tingin nang tumuon sakin ang tingin niya.

Sht! Ba't biglang uminit?

Agad kong inabot ang tubig at mabilis na nilagok ang laman niyon.

"Iha, okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong sakin ni manang nang maubos ko ang laman ng baso.

"Okay lang ako manang" hapo hapong sagot ko at pinahiran ang tubig na tumulo sa lalamunan ko.

"Hey you okay? " rinig kong sabi ni Brooklyn sa mismong gilid ko at hinawakan ang balikat ko

Parang napapasong tumayo ako para makalayo sakanya "don't touch me!" Gulat na sigaw ko at hinagod ang balahibo kong nananayo.

Parehong gulat naman ang expressiong naka rehistro sa kanilang mukha kaya agad akong humingi ng paumanhin at nagpaalam na aalis na.

"Hey! Wait. Let's go together" habol sakin Brooklyn pero hindi ko na siya pinansin at mabilis nang lumabas ng bahay.

Matyagang tumayo ako sa labas ng bahay para mag hintay ng tricycle dahil hindi ko feel mag drive ngayon dahil hindi ko pa pwedeng idiin ang paa ko, pero ilang minuto na yata ang dumaan ay wala paring napapadaan na bakanteng tricycle dahil karamihan ay puno kaya napagdesisyunan kong maglakad lakad muna .

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang maramdaman kong may naapakan akong malambot na bagay kaya agad kong ininspection kung ano iyon.

Anak ng! Tae?! Ang ganda naman ng simula ng araw ko! Tae!

Sunod sunod na mura ang pinakawalan ko habang naglalakad pabalik ng bahay, agad kong hinubad ang sapatos ko nang makapasok ako ng bahay. Saktong nasa harap na ako ng pinto ni Brooklyn nang bumukas iyon at lumabas si Brooklyn na topless habang basa at gulong gulo pa ang buhok.

"Lia?!" Gulat na sambit niya nang makita ako habang ako naman at parang natulala sa nakikita ko.

Lord! Eto na po ba ang peace offering mo dahil sa pagpapaapak mo sakin ng tae?

"Akala ko nakaalis ka na?" Napailing ako para alisin ang pansin ko sa katawan niya at tningnan siya.

"Uhm-"

"What's that stink?" Kunot noong tanong ni Brooklyn at napatingin sa sapatos na hawak ko.

Nahihiyang tinago ko naman iyon sa likuran ko at umiwas ng tingin.

"You step on a poop?" Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa pagka pahiyang nararamdaman ko.

"Duh! Obvious na nga nagtatanong ka pa!" Pagtatago ko sa pagkapahiyang nararamdaman ko at naglakad na.

Mariing napapikit ako nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko.

Nakakahiya!

Ilang minuto muna ang pinadaan ko bago lumabas ng kwarto ko. Gayon nalamang ang pagka gulat ko nang makita ko si Brooklyn na nakatayo sa harap ng kwarto ko.

"Are you done?"

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko at tuluyan nang lumabas ng pinto.

"Waiting for you to finish" tipid na sagot niya.

"Why?" Taas kilay na tanong ko.

"So we can go to school together" kibit balikat na sagot niya at nauna nanh bumaba ng hagdan.

Mabilis na sumunod naman ako sakanya "hindi ko kelangang sumabay sayo. Kaya ko ang sarili ko" sabi ko at inunahan siyang maglakad palabas.

"And what? Let you step on a poop again?" Nakangising sagot niya.

Makamandag na irap naman at pinakawalan ko bago padabog na naglakad papunta sa sasakyan niya.

Sinusumpa ko na talaga lahat ng tae sa mundo!

-Brooklyn Perez-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

Booklyn PerezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon