Paika-ikang Pababa ako ng hagdan nang maaamoy ko ang mabangong bacon na niluluto ni manang Wendell.
Myghood ilang araw na ba simula nang huli akong makakain ng bacon? 3 weeks? Puro healthy foods lang ang pinapakain nila sakin sa hospital. Feeling ko nga pasado nakong maging kambing sa kakakain ko ng halaman.
Ohh gosh bacon! Bacon!
Agad na kumalam ang sikmura ko habang iniisip ang itsura ng bacon habang piniprito, kung pano itong maging pula habang tumatagal. At kapag kinagat ay sobrang sarap ang crispy. Gosh! Bacon! Here i come!
Mas binilisan ko lalo ang pagbaba ng hagdan pero may halong pag-iingat. Wala akong planong bumalik sa hospital nang wala sa oras.
Agad na nanlaki ang mata ko nang mabungaran ko ang likod ng isang lalaking walang suot na pang itaas at tanging boxer short lang ang pangbaba habang may apron na nakasabit sa kanyang katawan na nasa harap ng lutuan namin.
Tumutok ang tingin ko sa pamilyar na malapad niyang likod pababa sa bewang niya hanggang sa maumbok niyang pwetan.
"It's not good for a lady to drool over a man's butt" agad akong napasinghap sa gulat nang mag taas ako ng tingin at nakatingin na pala sakin si Brooklyn habang may malokong ngisi na naglalaro sa labi niya.
"I-i'm not drooling!" Depensa ko sa sarili ko pero pasimpleng pinahiran ang gilid ng labi ko.
Wala naman akong laway ah!
Agad ko siyang tinapunan ng masamang tingin nang marinig ko siyang tumawa ng mahina. Bakit ba nawala sa isipan ko na nandito pala sa bahay ang lalaking to?
"Maupo ka muna, saglit nalang ito" utos niya sakin.
"I'm not hungry" masungit sa balik ko at akmang tatalikod na nang biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko na naging dahilan upang tumawa siya ng malakas.
"If you say so" natatawang sabi niya. Makamandag na irap naman ang ginawa ko at muntik pang mapapadyak sa inis kung hindi ko lang naalala na hindi pala pwede dahil masakit pa ng konti ang paa ko at hindi pa siya pwedeng lagyan ng masyadong pressure dahil hindi p totally healed.
Maingat na pagdadabog ang ginawa ko papuntang mesa at umupo doon habang hinihintay ang pagkain. Hindi nag tagal ay nakita ko siyang palapit sakin habang hawak ang isang plato ng bacon sa isang kamay at isang plato naman ng kanin sa kaliwang kamay. Pero hindi yon ang nakaagaw ng pansin ko kundi ang abs niyang nakahantad sa paningin ko dahil hinubad na niya ang suot niya kaninang apron.
"Here you go" napatikhim ako at iniwas ang tingin ko sa makasalanang tanawin at tinuon ang pansin ko sa pagsalin ng kanin sa plato ko.
"Is it good?" Rinig kong tanong niya habang nakatayo parin sa gilid ko nang sumubo ako ng pagkain.
Walang emosyong tumango ako habang hindi parin siya nililingon. Gusto ko sana siyang barahin na masarap naman talaga ang bacon kahit sino ang mag luto dahil piniprito lang ito. But no. I'm too distracted to utter anything.
"Hey you okay?" Nahihimigan ko ang concern sa boses niya at akmang hahawakan ako nang itaas ko ang palad ko sa mukha niya.
"Can you please wear a shirt?" Iritadong sabi ko habang patuloy parin ang pagkain at hindi siya nililingon.
"Why what's wrong with me being shirtless?" Nang-aasar na sabi niya at mas lalong lumapit sakin.
Oh tukso! Layuan mo ako!
Agad na nangasim ang mukha ko "nakakawalang gana" kunwari ay hindi apektadong sabi ko pero sa loob-loob ko ay ramdam na ramdam ko ang biglang pag-init ng paligid.
Narinig ko naman siyang ngumisi bago inabot ang isang shirt na nakasabit sa upuan. Agad naagaw ng pansin ko ang pamilyar na tattoo sa pala-pulsuhan niya.
"Brooklyn?" Tawag ko sakanya.
Napalingon siya sakin pagkatapos niyang suotin ang damit "yeah?"
"Binisita mo ba ako sa hospital?"
Hindi ako pwedeng magkamali. Akala ko talaga panaginip lang iyon pero eto ang ebedensiya sa mismong harap ko, kahit madilim nang gabing iyon ay klaro kong nakita angMatagal kaming nagkatitigan sa isa't isa bago siya naka sagot.
"No. I was busy. Why?" Agad na kumirot ang dibdib ko nang marinig ang naging sagot niya. Masyado akong umasa, nasaktan tuloy ako. Pero hindi ako tanga para hindi mapansing hindi siya nagsisinungaling.
"Why are you here?" Seryosong tanong ko sakanya.
Napakunot noo naman siya sa tanong ko "your mom asked me to accompany you" liar.
Si mommy na mismo ang nagsabi sakin na ikaw mismo ang nag offer na samahan kami dito ni manang Wendell sa bahay.
"Okay" tipid na sagot ko at mabilis na tinapos ang pagkain ko nang hindi siya pinapansin. Lahat ng gutom na nararamdaman ko kanina ay agad na nawala.
"Thanks for the food" pasalamat ko sakanya at tumayo na para umakyat pabalik sa taas. Akmang hahawakan niya ako nang tiningnan ko siya ng masama kaya napatigil siya sa kinatatayuan niya.
"Don't touch me" walang emosyong sabi ko at pinagpatuloy na ang paglalakad.
"What's wrong with you?" Takang tanong niya at sinubukang abutin ang siko ko nang agawin ko iyon.
"I said don't touch me!" Asar na sigaw ko.
"Jusmiyo anong nangyayari dito?" Nagmamadaling sabi ni Manang Wendell habang papalapit saamin.
"Wala po manang. Good morning" pilit ang ngiting sabi ko at iniwan na sila.
-Brooklyn Perez-
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘