"Sht" mahinang mura ko sa sarili nang hindi ko mahanap ang gym bag na gagamitin kong lalagyan ng mga gamit ko para sa susunod na dalawang araw.
Magkakaroon ng University Trip ang school namin kaya heto ako ngayon naghahanda para sa gagamitin ko para sa 2 days and 1 night na activity na iyon.
"Saan ko ba yun nilagay?" Asar na sambit ko at lumabas ng kwarto konpara hanapin si Manang.
"Manang!" Tawag ko sa pangalan niya at bumaba ng hagdan pero wala akong natanggap na sagot.
"Wala si Manang" agad akong napalingon sa taas nang marinig ang boses ni Brooklyn at nakita siyang nakasilip sa labas ng kanyang pintuan.
Gulo gulo ang buhok niya at nakasuot lang siya ng kamiseta kaya nakahantad sa paningin ko ang maskulado niyang braso na naka hawak sa hamba ng pinto.
Aw sht. Bakit ang hot niyang tingnan?
Agad akong napaiwas ng tingin at hindi na siya sinagot at bumalik na lamang sa taas papunta sa kwarto ko para ipag patuloy ang naudlot kong pag aayos. Deretso lang ang tingin ko dahil ayokong magkasalubong ang tingin namin ni Brooklyn lalo na ngayon na parang jelly ace sa lambot ang tuhod ko.
Napahinga ako ng maluwag nang malampasan ko siya at malapit na ako sa kwarto ko pero bago ko pa man mahawakan ang pinto ay naramdaman ko ang kamay niyang pumaikot sa palapulsuhan ko at pinigilan ako.
Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko habang pinakikiramdaman ang presensya niya sa likuran ko. Halos ilang araw ko din siyang iniwasan pero mukhang wala akong lusot ngayon.
Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko "B-bakit? " parang gusto kong kutusan ang sarili ko sa pag uutal pero hindi ko naman pweseng gawin dahil baka isipin niyang nababaliw na ako kaya minumura ko nalang ang sarili ko sa isip.
Agad kong niyuko ang ulo ko nang hawakan niya ang balikat ko at pinaharap ako sakanya. Nakatitig lang ako sa paa niya habang ramdam na ramdam ko ang intensidad ng pagkakatitig niya sakin.
Ang daya. Bakit mas maganda pa yata ang kuko niya sa paa kesa sakin?
"Look at me" mahinang utos niya sakin. Pero nanatili parin ang tingin ko sa paa niya habang kinokompara ang paa naming dalawa.
Seryoso. Bakit mas maganda ang kuko niya kesa sakin? Dahil ba lagi akong nag nenail polish? Siguro dapat tigilan ko na ang pag lagay ng nail polish dahil mas pink pa ang kuko ni Brooklyn kesa sakin. Nakakainggit.
Natigil ako sa aking pag iisip nang maramdaman kong hinawakan niya ang baba ko at tinaas ang mukha ko kaya napatingin ako sakanya.
"I said look at me" napalunok ako dahil sa ka seryosohang nakikita ko sa mukha niya. Pesteng kuko niya sa paa. Dapat ngang magpasalamat siya sakin dahil inaappreciate ko ang ganda ng kuko niya. Pero baka lumaki ulo niya pag sinabi kong mas maganda kuko niya kesa sakin kaya di ko nalang sasabihin.
Dahil ilang dangkal na mas matangkad sakin si Brooklyn ay naka tanga ako sakanya. Look at him daw eh.
"Are you avoiding me?" Kunot noong tanong niya sakin at mas nilapit lalo ang kanyang pag mumukha sakin.
Pinigilan ko namang mapahugot ng malalim na hininga dahil mahirap na baka ibuga ko lang. Hindi pa naman ako naka toothbrush.
"Hindi ah!" Mabilis na sagot ko at lumayo sakanya para makahinga. Peste hindi naman kasi ako informed na mangyayati to sana nakapag toothbrush ako kahit mabilis lang.
Nang tingnan ko si Brooklyn ay seryoso parin siyang naka tingin sakin.
"Hindi nga kita iniiwasan" pag tanggi ko at inirapan siya.
Napabuntong hininga naman siya at sinuklay ang magulo niyang buhok gamit ang daliri niya. Muntik na akong mapanganga habang nakatingin sakanya buti nalang napigilan ko ang sarili ko.
"Bakit mo nga pala hinahanap si manang?" Maya maya ay tanong niya at binalik ang tingin sakin.
Napakurap naman ako ng ilang beses at umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang makipag titigan sakanya "ah tatanong ko lang sana kung nakita niya ba ang gym bag ko. Di ko kasi makita" pag kwento ko sakanya.
Ilanh segundong katahimikan ang namagitan saamin bago siya sumagot "you can borrow mine" agad akong napatingin sakanya at akmang hihindi nang mabilis na niya akong tinalikuran at pumasok sa kwarto niya.
Aba bastos din tong lalaking to ah! Pagkatapos niyang sabihin na pahihiramin niya ako tatalikuran niya lang ako! Tatanggapin ko naman talaga! Magpapakipot lang ako ng konti!
Asar na tinaas ko ang middle finger ko sa harap nang nakasaradong pinto nang bigla itong bumukas at bumungad sakin ang mukha ni Brooklyn habang hawak sa isang kamay niya ang bag
Magkasabay pa kaming napatingin sa daliri kong nakataas.
"Ah! Nag bibilang ako kung ilang segundo ang pag kuha mo ng bag!" Pagrarason ko at bumilang gamit ang daliri pero sinimulan ko mula middle finger.
" he he" pilit ang tawang sabi ko at hinampas hampas pa ang braso niya.
Shet! Mga bes! Ang tigas!
"Here" walang emosyong sabi niya at agad nang sinarhan ang pinto ng kwarto niya at iniwan akong hiyang hiya.
-Brooklyn Perez-
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘