5

1.9K 58 2
                                    

"Good evening Liana" agad akong napatingin sa pinagmulan ng baritong boses na iyon at nakita ang pinakahindi ko inaasahang tao na nakaupo sa upuan sa tabi ng kama ko.

"Brooklyn?!" Gulat na sambit ko.

Anong ginagawa niya dito?!

"Anong ginagawa mo dito? " agad na nanlaki ang mata ko at hinila ang kumot hanggang sa dibdib ko nang bigla siyang mag lakad palapit sakin.

"Diyan kalang" tinaas ko ang kamay ko bilang warning sakanya na wag na siyang lumapit lalo pero nginisihan niya lang ako at mas lalong lumapit saakin hanggang sa dumikit ang palad ko sa dibdib niya.

Agad akong napalunok ng laway ko habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa dibdib niya. Ramdam na ramdam ko ang katigasan niyon sa ilalim ng pagkakahawak ko. Pati narin ang pag taas baba niyon dahil sa pag hinga niya. Pero mas lalo akong kinapusan ng paghinga nang bigla siyang yumuko na naging dahilan para magkalapit ang mukha namin.

"How are you feeling?" Tanong niya sa malalim na boses.

Sa sobrang lapit niya ay amoy na amoy ko ang pabangong binigay ko sakanya nung last birthday niya. Sunod sunod na mura ang pinakawalan ko sa isip ko dahil hindi ko mabuka ang labi ko para sagutin siya.

Agad naman niyang napansin ang expression ko na naging dahilan upang mapakunot noo siya "hey?" Nagaalalang sambit niya ay mahinang tinapik ang pisngi ko.

"Ha? " ang tanging salitang nasambit ko nang makabalik ako sa sarili.

Get a grip of yourself Lia! Nakakahiya!

Damn it! I'm barely holding my sanity! Pero hindi niyo ako masisi dahil kahit sinong babae ay mawawala sa katinuan kung ganito ka gwapong lalaki ang mabubungaran mo sa pag gising mo at ang malala pa ay magkalapit ngayon ang mukha namin!

Oh sht! Kakagising ko palang pala!

Agad na nanlaki ang mata ko at tinakpan ang bibig ko nang mapagtanto ang nangyayari

"Sht!" Mura ko nang mapansing simula kanina ay nakahawak lang pala ang kaliwang kamay ko sa dibdib niya.

Agad ko siyang natulak dahil sa pinaghalong gulat at pagkapahiya bago mabilis na tumakbo sa c.r na nandito lang sa loob ng kwarto ko.

"Lia!" Rinig ko pang sigaw niya mula sa labas habang ako ay hapong hapong nakasandig sa likod ng pintuan.

"Go away! " sigaw ko nang katukin niya ako sa loob.

Napapikit ako nang makita ang repleksyon ko sa salamin sa harap mismo ng pinto. Parang sinabungan ng manok ang buhok ko! Tapos may muta pa ako! Hinarap ko si Brooklyn nang may muta?!

"Oh god kill. Me. Now" mahinang usal ko dahil sa sobrang hiyang nararamdaman ko. Wala na akong mukhang ihaharap sakanya.

"Ouch! " malakas na sigaw ko nang sinubukan kong mag lakad pero bumigay ang tuhod ko.

"Aray" nakangiwing sambit ko at nilingon ang paa ko at doon ko lang naalala na hindi ko pa pala pwedeng gamitin ang  paa ko  sabi ng doctor.

"What the fck is happening to you there Lia? Are you okay?!" Nagaalalang sigaw ni Brooklyn sa labas at sinundan ng malalakas na sunod sunod na katok.

Hindi pa pala siya nakakaalis? Akala ko lumabas na siya!

"I'm fine!" Sagot ko sakanya .

"Open the door Lia" oh sht! Pano to? Ang itsura ko!

"I said i'm fine!" Tarantang sabi ko at sinubukang tumayo pero napaigik lang ako dahil sa sakit. Mukhang sa sobrang gulat ko kanina nang makita si Brooklyn ay nakalimutan kong dapat palang i rest ang paa ko. Mukhang hindi naman nakatakas iyon sa pandinig ni Brooklyn dahil naging mas malakas pa ang pagkatok niya.

"Open this god damn door Lia or i swear i'll break this" kahit hindi ko nakikita ang itsura niya ay alam kong seryoso siya. Nakikinita ko na nga ang itsura niya.

Napakagat ako ng labi habang dali daling sinuklay gamit ang daliri ko ang buhok ko at inalis ang muta ko sa mata bago binuksan ang pinto.

Agad kong nabungaran ang madilim na anyo ni Brooklyn habang dikit na dikit ang labing nakatingin sakin. Agad na nagsalubong ang kilay niya nang makita ang posisyon ko kaya napayuko nalamang ako.

Ilang beses ko palang nakitang galit si Brooklyn pero alam na ko na agad kung kelan siya galit ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit siya nagagalit ngayon.

Walang sali salitang binuhat niya ako kaya agad akong napahawak sa leeg niya. Hanggang sa malagay niya ako sa kama ay tahimik lang ako at hindi makatingin sakanya.

Ilang segundong katahimikan rin ang namayani bago siya bumuntong hininga "can you please be careful next time?" Parang pagod na pagod na sabi niya kaya napataas ako ng tingin at napatingin sakanya. Doon ko lang natitigan ng maayos ang itsura niya ngayon. Kung gaano kalalim at itim ang ilalim ng mata niya. Obvious na wala pa siyang tulog.

Akmang sasagot ako nang biglang bumukas ang pintuan at humahangos na pumasok si mommy

"Anong nangyari dito?!" Nagaalalang tanong niya at lumapit saakin.

"Nothing mom, we're just playing around. Right brook?" maagap na sagot ko nang makitang magsasalita si Brooklyn. Alam kong sasabihin niya ang totoong nangyari kay mommy kaya mag-aalala siya. Ayokong mangyari yun kaya inunahan ko na siya.

Agad na napatingin si mommy kay Brooklyn na nilingon muna ako bago tumango kay mommy.

"Thank God. Akala ko kung ano na ang nangyayari dito"  nakahingang maluwag na sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Nothing's wrong mom" paninigurado ko sakanya at niyakap siya

Napatingin naman ako kay Brooklyn na seryosong nakatingin lang samin.

"Anong oras ka uuwi?" Takang tanong ko sakanya.

Nag kibit balikat lang siya sakin at lumabas na ng kwarto ko. Agad na humiwalay si mommy sa yakap namin at tiningnan ako.

"Sweetie hindi pa ba nasabi sayo ni Brooklyn? "

Agad na nangunot ang noo "ang alin? "

"He'll be staying here sweetie. Tomorrow is my flight back to L. A kaya wala ka nang makakasama dito bukod kay manang Wendell but Brooklyn offered himself to stay with you. Isn't he great? "

Nakatulala lang ako sa nakangiting mukha ni mommy na tuwang tuwa sa balitang sinabi niya sakin habang ang systema ko naman ay hindi ma digest ang sinabi niya.

Say whut?!

-Brooklyn Perez-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

Booklyn PerezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon