"Pustahan bes, umasa ka nanaman no?" Agad na bungad sakin ng pinakamagaling kong kaibigan na si Kristin, pagka-upong pagka upo ko mismo ng upuan dito sa canteen.
"Por favor Tin, tigilan mo ako" wala sa mood na sagot ko at nilabas ang lunch box ko mula sa bag, hindi naman ako mapili sa pagkain sadyang paborito ko lang talaga ang pagkaing luto ni manang Windell kaya palagi akong nagbabaon ng lunch. Hindi naman na sumagot si Tin, marahil ay napansin niyang wala talaga ako sa mood.
Simula nang lumipat ako dito sa SPUI ay si Tin na ang naging pakner in crime ko mapa ligoy man o papuntang office ng dean ay always tandem kami, parang kambal sa magkaibang ina nga ang sabi samin ng parehong nanay namin dahil sa halos hindi kami mapag hiwalay.
"Ako na" pigil ko sakanya nang akmang tatayo siya para kumuha ng utensils namin. Agad akong tumayo at kumuha ng dalawang piraso ng kutsara at tinidor. Saktong pagharap ko ay nabunggo ako sa kung sino.
"I'm sorry!" Nagpapanic na sabi ko nang makitang nagkalat ang pagkaing marahil ay bitbit niya kanina.
"I'm sorry?! Pagkatapos mokong bungguin kaya tumilapon ang pagkaing dala ko ay 'sorry' lang ang sasabihin mo?!" Sa lakas ng boses niya ay rinig halos sa buong canteen ang boses niya. Napayuko nalamang ako nang makitang napunta halos lahat ng attention saamin.
Brooklyn where are you? Agad kong sambit sa isip ko. Sa mga panahong ganito o naiipit ako sa gulo ay parang superman siyang bigla nalang susulpot at ililigtas ako.
"What's with this commotion?" Agad na bumilis ang tibok ang puso ko nang marinig ang napaka pamilyar na boses na iyon, nakangiting nag angat ako ng tingin at nakita siyang seryosong naglalakad papunta sa pwesto ko. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sakanya kahit na naka uniform lang siya ay hindi nababawasan ang epekto niya sakin. Pakiramdam ko ag bibigay ang tuhod ko sa panginginig nito, ganoon kalakas ang epekto niya saakin.
Pero lahat ng saya at pagbubunying naramdaman ko ay agad napalitan ng kirot nang lagpasan niya lang ako at lumapit sa babaeng kaharap ko at hinapit ito sa bewang
What happened to you? One moment you were my hero then suddenly you became someone else's hero.
"This girl Brooklyn oh, she make bunggo on me!" Pabebeng sumbong ng babaeng nakabungguan ko at nag papadyak pa habang tinuturo ako. Hindi ko naman maiwasang hindi mapa kunot noo sa inaasal niya, kanina ay kung sino siyang siga ngayon naman ay para siyang batang inagawan ng kendi.
"Hindi ko naman sinasadya" pagdedepensa ko sa sarili pero lahat ng sasabihin ko ay nakalimutan ko nang
Tumuon ang tingin sakin ni Brookly kaya napaayos ako ng tayo at umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya, pakiramdam ko ay iiyak ako ano mang oras."Sa susunod ay wag kang patanga tanga" walang emosyong sabi niya at inakay na paalis ang babaeng hawak niya sa bewang napaatras pa ako ng konti nang banggain ako ng babae bago tuluyang umalis.
Napapikit ako ng mata habang hinihimas ang baga kong nasaktan habang paulit ulit na nagpeplay sa utak ko ang scenariong nangyari bago lang. Hindi matanggap ng systema ko na magagawa sakin yon ni Brooklyn.
Malakas akong napasinghap nang bigla nalamang may humawak sa pala pulsuhan ko ay hinila ako sa kung saan.
"Hoy teka kuya! " tawag ko sakanya at pilit na hinihila ang kamay ko pabalik pero dahil masyado siyang malakas ay walang kalaban laban ang petite na kagaya ko.
"Hoy ano ba! Saan moko dadalhin?! " asar na sabi ko at pinaghahampas ang kamay niyang nakahawak sakin pero no pansin parin ako. Sa huli ay tinigilan ko na ang pagpipilit dahil mas nadadagdagan ang sakit ng pulso ko sa bawat pagalaw ko dahil narin sa higpit ng pagkakahawak niya.
Dinala niya ako sa likuran ng gym kung saan halos walang tao "hoy ano bang problema mo ha?!" Asar na tanong ko at hinimas ang pala pulsuhan kong namumula na nang bitawan niya. Bumakat pa ang kamay niyang humawak.
Hindi naman siya sumagot at tumayo lang sa harap ko at seryoso akong tiningnan.So ganoon? Kakadkarin niya ako para lang makipag titigan?
"Alam kong maganda ako, kuha ka nalang ng picture ko sa fb it'll last longer. Hindi yung kakaladkarin mo pa ako kung saan saan. Una na ako" balewalang sabi ko at akmang aalis na nang bigla niya akong hilahin pabalik at isinandal sa pader.
"Why?" Tipid na sabi niya habang titig na titig sakin. Halos maduling naman ako habang nakatingin sakanya dahil sa sobrang lapit niya.
"Anong why?! Teka lumayo layo ka nga!" Kunyari ay masungit na sabi ko pero sa totoo lang ay hindi lang ako sanay na may lalaking ganito kalapit sakin.
Si Brooklyn lang naman ang palaging malapit sakin. Dahil sakanya lang ako kumportable.
"Why can you be strong and tough in front of someone else but act like a fragile glass in front of him? " natigilan ako ako napatingin sa mata niya na ngayon ay seryosong nakatingin sakin, bakas ang pagtataka sakanyang mga mata.
Kahit hindi ako magtanong ay alam ko na kung sino ang tinutukoy niya, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit niya ito ginagawa.
"Teka sino ka ba?! " takang tanong ko at sinubukang bawiin ang kamay kong hawak niya, pinakawalan rin naman niya iyon.
"Secret" agad ko siyang pinukol ng masamang tingin na ikinangisi niya.
"Chill, i'm just messing up with you" taas kamay na sabi niya at nilagyan ng distansya ang pagitan namin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapalayo ako sakanya, pakiramdam ko ah hihimatayin ako dahil sa distansya namin kanina.
"I'm Keith" pakilala niya sa sarili at nilahad ang kamay niya. Tiningnan ko lang naman iyon at pinagtaasan ng kilay.
"So?" Napangisi naman siya sa inasal ko bago binaba ang kamay.
"Let's just say i'm the one you need" nakatingin lang ako sakanya habang inaabsorb ang sinabi niya pero sa huli ay napa "huh" nalang ako.
"You'll see" nakangisi paring sabi niya at iniwan na ako magisa sa likuran ng gym.
"My Ghad i hate drugs! " bulong ko sa sarili habang nakangiwing nakatingin sa daang dinaanan ng weirdong lalaki.
-Brooklyn Perez-
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘