"Sweetie" agad akong napalingon sa pintuan nang marinig ang napakapamilyar na boses ng nagiisang taong tumatawag sakin ng ganoon.
"Mommy!" Naiiyak na sambit ko at mabilis na bumangon upang salubungin siya ng yakap.
Halos ilang buwan ko ring hindi nakita si mommy dahil nasa ibang bansa siya namamalagi to handle our family business kaya palaging si Manang Wendell ang kasama ko sa bahay dahil simula pagka bata ko ay siya na ang tagabantay ko.
"Oh my poor baby" naluluha ring sabi ni mommy at hinimas ang buhok ko. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya. Sobrang na miss ko siya.
"I miss you so much mom" bulong ko sakanya. Agad na bumitaw si mommy sa yakapan namin at hinawakan ang pisngi ko para matingnan niya ako ng mabuti. Napapikit ako ng hagkan niya ako sa noo. My forever and always sweet mother.
"I swear this will be the first and last time na mangyayari to sayo" napangiti ako dahil alam kong magsisimula nanamang mag rap si mommy. But compared before hindi ako naiinis ngayon, siguro dahil na miss ko talaga siya.
"Magiingat na po ako sa susunod mom so chill okay? I'm perfectly fine. See? " pagmamalaki ko sakanya ay sinubukang tumayo pero agad na kumirot ang isa kong paa kaya muntik na akong matumba kung hindi lang ako agad na nasalo ni mommy.
"See? Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka!" Sa tono ni mommy ay sasapukin niya talaga ako kung hindi lang ako pasyente ngayon.
Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niya "I just want you to calm down and stop worrying about me" pag eexplain ko ng side ko.
Sino ba namang anak ang gustong mag-alala ang kanilang ina?
Napabuntong hininga din naman si mommy at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa isa niyang kamay pagkatapos ay binigyan ako ng isang maluwang na ngiti.
"Don't worry sweetie, i know a way to keep you safe. And i swear you'll like it- no you'll love it"
"Dito ka na titira sa pinas?! " excited na hula ko pero agad na bumagsak ang balikat ko nang umiling siya pero hindi parin nawawala ang ngiti sakanyang labi.
Ilang hula pa ang sinabi ko pero puro iling lang ang sinagot sakin ni mommy kaya sa huli ay sumuko nalang ako."Oh come on mom! Ano ba kasi yon? " takang takang tanong ko. Paniguradong hindi kasi ako makakatulog nito kapag hindi na satisfy ang curiosity na nararamdaman ko. Natawa lang naman si mommy at inalalayan akong humiga.
"You'll find out tomorrow sweetie, now sleep. I'll just pay the bills para maka uwi na tayo bukas" agad na naging alerto ang pandama ko nang marinig ang sinabi niya.
"Uuwi na ako bukas?!" Excited na sabi ko.
Abot abot ang saya ko nang tumango si mommy. THANK GOD! I'VE BEEN DYING TO GO HOME!
"Now sleep sweetie"
-
Agad akong napangiti nang matanaw ang bahay namin mula sa malayo. Finally pagkatapos ng ilang araw na pagtagal ko sa hospital ay nakalabas na rin ako. Akala ko talaga noon walang forever pero pag nasa hospital ka pakiramdam mo biglang nagkaroon ng forever."Welcome home sweetie" nakangiting baling sakin ni mommy nang makapasok ang sasakyan namin sa loob ng bahay. Napangiti ako at dali daling binuksan ang pinto ng sasakyan. Agad namang lumabas si manang Wendell sa bahay at nagmamadaling lumapit saamin.
"Welcome home iha!" Masayang sabi niya sakin at tinulungan akong makaupo sa wheelchair. "Thank you manang, i miss you po" malambing na sabi ko sakanya. Napaigik naman ako nang kurutin ni manang ang pisngi ko pero nanatili parin ang ngiti sa labi ko. Well i don't mind since na miss ko siya.
" Welcome back din po ma'am" magalang na sabi ni manang kay mommy.
"Ikaw talaga manang, sabing Katharyn nalang" natatawang sabi ni mommy habang si manang naman ay napakamot nalang ng ulo.
"Pasok na po tayo. Ang init dito sa labas" pabirong angal ko.
Pagkapasok namin sa bahay ay agad akong hinatid ni mommy sa kwarto ko para daw makapag pahinga na ako.
"Mom" mahinang tawag ko sakanya habang inaayos niya ang kumot sa katawan ko.
"Hmm?" Mahinang sambit niya at tiningnan ako.
"Ano po yung sabi mong way mo to keep me safe? "Usisa ko pero nginitian lang ako ni mommy.
"You'll find out soon sweetie now sleep" malambing na sabi niya ay hinalikan ako sa noo. Nakasunod lang ang tingin ko sakanya hanggang sa makalabas siya ng kwarto ko. Ilang minuto ang dumaan pero palaisipan parin sakin ang sinabi ni mommy na way na yun. Wala naman akong ibang maisip dahil halos lahat ng hula ko ay mali.
"Something that will make me happy? " bulong ko sa sarili. Sa hindi ko inaasahan ay biglang nag pop ang itsura ni Brooklyn sa isip ko.
Agad akong napailing at pinilit ang sarili kong makatulog. Hindi nagtagal ay naramdaman kong hinihila na ako ng antok kaya hinayaan ko nalamang ang sarili kong makatulog.
Nagising nalamang ako nang naramdaman kong may nakatitig sakin. Pag mulat ko nang mata ay agad akong sinalubong ng dilim ng gabi.
"Good evening Liana" agad akong napatingin sa pinagmulan ng baritong boses na iyon at nakita ang pinakahindi ko inaasahang tao na nakaupo sa upuan sa tabi ng kama ko.
"Brooklyn?!" Gulat na sambit ko.
Anong ginagawa niya dito?!
-Brooklyn Perez-
Hi madla! Sorry po sa napakatagal na update! Anyway sembreak na po namin! Woooh! Goodluck sa may mga test pa sa inyo! God bless po always!
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘