3

1.9K 64 2
                                    

Puti. Yun agad ang kulay na sumalubong sakin nang mag mulat ako ng mata.

"You're awake" rinig kong sabi ng pamilyar na boses sa gilid ko at bago ko paman siya tingnan ay mabilis na siyang lumabas ng pinto.

Napakunot ang noo ko bago akmang babangon nang maramdaman ko ang mahapding pag kirot ng ulo ko at doon ko lang napansin na naka benda pala ito nang kapain ko.

"Miss Mendez" napaangat ako ng tingin nang tawagin ako ng lalaking sa ayos palang ay alam ko nang doctor na kakapasok lang ng pinto kasunod ng mga nurse at ang huling pumasok ay walang iba kundi si Kristin.

"What happened?" Nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko.

Nagaalalang lumapit naman sakin si Tin at umupo sa tabi ko sabay hawak sa kamay ko "friend wala ka ba talagang maalala?"

Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Nilingon naman niya ang doctor.

"Don't worry hija, ganoon talaga minsan. Nabangga ang sinasakyan mong taxi Miss Mendez. Luckily you survived, habang ang driver naman ng sasakyan ay dead on arrival. Later on we found out that the driver was under the influence of drugs"

Agad na bumalik naman sa isipan ko ang scenario kung saan ko nakita ang papalapit na sasakyan pasalubong sa sinasakyan namin. Yun siguro ang nakabanggan namin.

"Anyway, your recovery is very fast. I'm sure sooner or later ay makakalabas ka na ng hospital" nakangiting imporma niya samin. Nakahinga naman ng maluwag ang kaibigan ko

May binilin pa ang doctor bago umalis habang chineck naman muna ako ng mga nurse bago tuluyang umalis.

"Hey, sure kang okay ka na?" Naniniguradong tanong sakin ni Tin at pinisil ang kamay ko. Pinisil ko rin pabalik ang kamay niya para i assure siya na ayos lang ako.

"I'm fine friend. Don't ya worry. Narinig mo naman ang sabi ng doctor diba? Sooner or later ay makakalabas na rin ako ng hospital" malawak ang ngiting sabi ko.

"Ikaw okay pero yan okay ba? " nakangiwing tanong niya at tinuro ang dibdib ko.

Napahawak ako doon at naramdaman ko ang tibok nito.

"Ayos lang rin friend, tumitibok pa naman" pilit ang tawang sabi ko at hinampas pa siya.

"Brutal ka talagang bruha ka! Kahit nasa hospital bed ay masakit ka paring mang hampas!" Asar na sabi ni Tin habang hinihimas ang braso niyang namumula na. Maputi kasi siya kaya konting kurot o hampas lang namumula agad.

"I love you too" natatawang sabi ko at niyakap siya.

"Pero friend, pag kailangan mo ng kausap tandaan mo nandito lang ako lagi ha?" Seryosong sabi niya at sinuklay suklay ang buhok ko.

Na touch naman ako sa sinabi niya dahil hindi vocal si Tin sa feelings niya at once in a blue moon lang talaga siya mag voice out kaya nakakagulat talaga.

"I know friend" malas man ako sa buhay pag-ibig pero sobrang swerte ko naman sa kaibigan dahil kahit kelan ay hindi ako iniwan ni Tin sa ere.

"Ewww yuck! Ang drama natin! Magpahinga ka na nga muna. Uwi muna ako ang baho ko na oh! Papunta narin dito si manang Wendell! " kunyari ay nandidiring sabi niya at inalalayan ako pahiga.

Hinintay ko muna siyang makalabas bago dahan dahang nagpahila sa antok na nararamdaman ko.

-

Nagising ako sa kalagitnaan ng kadiliman nang maramdaman kong may humahawak sa buhok ko pero pag mulat ko ng mata ay wala naman akong nakitang tao sa loob ng kwarto ko. Nakapatay rin ang ilaw kaya tanging ang ilaw ng buwan lang na sumisilip sa bintana ang nagbibigay ilaw sa kwarto ko.

Baka guni guni ko lang. Naisip ko at dahang dahang pinikit ulit ang mata ko para bumalik sa pag tulog pero hindi na talaga ako makatulog.

Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko, gustuhin ko mang mag mulat ng mata ay parang may pumipigil sakin na huwag iyong imulat kaya nag kunyari parin akong tulog. Halos ilang minuto ring may humahawak sa kamay ko nang maramdaman kong hinalikan ng taong yun ang noo ko at agad nang binitawan ang kamay ko.

Agad kong minulat ang mga mata ko pero huli na ako dahil ang papasaradong pinto na lamang ang naabutan ko at ang kamay na nakahawak sa seradura ng pinto na may tattoo sa pulso.

-Brooklyn Perez-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

Booklyn PerezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon