Agad akong bumaba sa sasakyan niya saktong pagkaparada sa parking lot at mabilis nang naglakad palayo.
"Thanks! " sarcastic na sigaw niya sakin. Napairap ako sa kawalan at tinaas ang middle finger ko at hindi na ako nag abala pang lingunin siya.
"You're late" agad na bungad sakin ni Tin saktong pagkaupo ko mismo sa upuan kong katabi lang ng upuan niya.
"Nauna sa teacher na pala ngayon ang definition ng late" nag peace sign lang naman sakin ang loka at agad akong niyakap.
"I miss you" ma dramang sabi niya. Na touch naman ako kahit palagi ko siyang nakikita sa bahay dahil palagi niya akong binibisita kaya niyakap ko siya pabalik.
"Kahit nagsasawa na ako sa pagmumukha mo, i miss you too" agad siyang kumawala sa yakap namin at nanlalaki ang matang tiningnan ako.
"Ah ganon? Gusto mong-" agad kong tinakpan ang bibig niya dahil alam ko kung na kung ano ang dugtong sa sasabihin niya.
"Na miss nga kita bes wag ka nang magsalita baho ng bibig mo" akmang sasagot pa sana siya nang biglang pumasok ang prof namin at nagsimula na nga ang klase namin.
Wala namang nagbago kahit matagal akong nawala, nakatunganga parin ang kaklase kong basketball player sa prof namin tapos maya maya ay mag didrible at mag shoshoot ng bola kahit wala naman talaga siyang hawak na bola, tulog parin ang kaklase kong nakaupo sa pinakalikuran, tumakas parin ang kaklase kong laging ligoy, late parin ang kaklase kong laging late, boring parin ang teacher namin mag turo, at hindi sa lahat. Hindi parin kami nakikinig.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa pinto. Gayun nalamang ang pagkagulat ko nang makitang nakatayo doon si Brooklyn at nakasilip sa room namin na tila may hinahanap.
Agad akong yumuko at tinakpan ng notebook ang mukha ko. Pagkatapos ng ilang segundo ay sumilip ulit ako at nakitang siyang nakangising nakatingin sakin. Nanlaki ang mata ko at tumalikod. Parang nanginit ang ulo ko nang makita si Tin sa tabi ko na tinuturo ako.
Kaya pala!
"Gaga ka! " pabulong na singhal ko sakanya at pinag hahampas siya.
"Aray aray aray! Ano ba?! " pabulong ring sabi niya.
"Kita mo na ngang nagtatago ako tapos tinuro mo pa ako?!" Inis na sambit ko at kinurot kurot siya.
"Aray! Teka! Sino ba naghahanap sayo? " inosenteng tanong niya ag binigyan pa ako ng inosenteng tingin.
Sa inis ko ay napairap nalamang ako at pumikit pagkatapos ay nagbilang hanggang sampung segundo para pigilan ang sarili kong wag pektusan ang katabi ko.
Pagkamulat ko ay napatingin ako sa pinto pero wala na siya doon sa kinatatayuan niya kanina.
Asan na kaya yun?
Ay teka. Pake ko naman dun?
Nag kibit balikat ako at binalik ang attention ko sa kunyaring pakikinig ko sa prof namin.
Hindu nagtagal ay dismissal na namin kaya agad akong tumayo at lumabas ng pinto. Parang may kung anong bagay akong naramdaman sa loob looban ko na hindi ko ma explain nang wala siya sa labas pagka labas ko.
Bakit nga naman niya ako hihintayin? Pero bakit siya nandito kanina?
Ugh! Inis na napasabunot ako sa sarili kong buhok at pinag patuloy na ang paglalakad.
Hanggang sa matapos ang araw na iyon ay hindi ko na nakita pa si Brooklyn sa school. Hindi ko naman siya hinahanap. Sadyang hindi ko lang talaga siya makita.
Napailing ako sa sarili ko nang makitang maging ang sasakyan niya ay wala na sa parking lot nang mapadaan ako doon. Hindi ko tiningnan. Napadaan lang ako!
"Tsk. I'm not expecting anything. As if he will wait for me" mahinang sabi ko sa sarili at mabigat ang loob na nag marcha paalis.
Ugh! Why am i even feeling this way? May buhay siya ng kanya. Meron din ako! Walang pansinan! Strangers nga kayo Lia diba? STRANGERS!
At bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?
Napasabunot ulit ako sa sarili kong buhok. Pakiramdam ko ay masisiraan na ako ng bait dahil sa kakaisip.
Sumakay lang ako ng taxi pauwi dahil tinatamad akong pumili at makipag siksikan sa jeep. Masyado nang stress ang beauty ko ngayon, ayoko nang dagdagan pa.
Agad na tumikwas ang isang kilay ko nang makita ang sasakyan ni Brooklyn na nakaparada sa labas ng bahay.
Andito pa pala siya? Akala ko lumayas na siya.
Katahimikan ang unang bumungad sakin pagkapasok ko ng bahay kaya dumeretso na ako sa kwarto ko. Saktong nasa harap ako ng pinto ng kwarto ni Brooklyn nang bumukas iyon at bumungad sakin ang guilting mukha niya.
"Lia i'm so sorry hindi na kita nahintay pauwi! " tarantang sabi niya at hindi maipinta ang mukha. Akmang aawayin ko sana siya nang mapatingin ako sa loob ng kwarto niya at nakita ang mga nagkalat na mga papel at libro sa kama at sahig.
Napatingi ako sa mukha niya at nakita ang pagod at puyat doon. Agad akong nakaramdam ng awa sakanya at guilt dahil sa mga masasamang bagay na iniisip ko kanina tungkol sakanya.
He doesn't deserve that.
"Don't worry okay lang" mahinang sambit ko at binigyan siya ng isang tipid at sinserong ngiti. Natigilan naman siya at napatitig sakin kaya napaiwas ako ng tingin at nag tuloy na sa paglalakad nang may bigla akong naalala kaya napalingon ulit ako sakanya na nakatulala parin sakin.
"Ngapala. Anong ginagawa mo kanina sa labas ng room ko? " takang tanong ko sakanya.
Napakamot naman siya ng ulo at umiwas ng tingin.
"Well i was just checking if you're okay" tila nahihiyang sabi niya at hindu makatingin sakin.
Napakagat ako ng labi para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko.
"Thank you" mahinang sabi ko at mabilis nang pumasok sa kwarto ko.
Agad akong napahawak sa dibdib ko at pinakiramdaman iyon.
Only you can make my heart beat this fast Perez. Only you.
-Brooklyn Perez-
Hi madlaaa sorry busy ang lola niyo! Try ko ulit mag UD bukas! Love you all!
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘