Chapter 1

2.2K 58 21
                                    


Kakapasok ko pa lang sa University ay hindi ko na napigilan ang sarili kong huminga ng malalim. Yakap yakap ko ang backpack ko sa harap ko, nagcommute lang kasi ako galing sa bahay, halata naman dahil ang lagkit ng buhok ko pati ang oily siguro ng mukha ko.

Nagtanong ako kay Manong Guard kung saan dito ang pinakamalapit na CR. Tinuro niya ako papasok sa building na may 8 floors ata, di ko na binilang syempre. Kaya tumungo ako dun. Sa nakikita kong mga studyanteng palabas ay mukhang Engineering building ito kasi may bitbit silang tubes at mga T-square.

Kung paanong nakapasok ako sa school na to ay dahil yun sa scholarship na inoffer ng company na pinagtatatrabahuan ni Papa. Kasama yun sa offer sa kanya kaya siya napapayag na maassign dito sa Manila. 4th year na ako sa kursong AB Psychology, isang taon na lang sana gagraduate na ko, eh kaso, may mga minor subjects sila dito na wala sa dati kong school sa Bulacan kaya kailangan ko talagang kunin dahil prerequisite sa ibang Major kaya no choice. Okay nga naman dito, kaso mahihirapan akong magadjust. Hindi kami mayaman kaya mukhang di ko kayang makipagsabayan sa mga estudyante dito.

Napatingin ako sa sarili ko sa mahabang salamin dito sa CR, di naman ako panget, matangkad ako pero hindi yung tipong magiistand out. Hay. Wala eh. Insecure ako eh.

Pagkatapos kong magpunas ng wet wipes sa mukha ay naglagay ako ng konting pulbo saka lumabas na ng CR.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay kinuha ko ang RF ko at muling tiningnan ang schedule ko. Kabisado ko na to pero nidouble check ko lang para sure. 10:20am ang first class ko, 10am pa lang naman kaya may oras pa ko para hanapin ang Arts Building. Naglakad lakad ako at nagtanong tanong.

Pagdating ko dito sa lugar na tinuro ng babae ay napagtanto kong dalawa ang Arts Building!

To the left or to the right? Hmm. To the right!

I followed my instincts kaya yung sa right na building ang tinungo ko. Di naman kasi naka specify sa RF ko kung saan. Buti na lang at nandito lang sa ground floor ang room ko. Di naman na kasi ako nagbother na mag ocular inspection pa around the campus after ng enrolment, eto tuloy at ako din ang magmumukhang tanga.

Pagkapasok ko sa room, ay nagsisimula na ang lecture ng prof. Luh!

"Good morning po." Bati ko sa prof na tumigil sa pagsasalita na siyang dahilan para mapatingin sakin lahat ng estudyante niya.

"Are you with this class? Anong stub code mo?" Agad na tanong ng prof.

Parang nanginig naman ako sa takot. Ganito ba talaga magsalita ang mga taga Maynila? Parang ang tapang, parang galit.

Kinuha ko ang RF ko at binasa, "Hist3 - 231, 10:20am po with Prof. Barrido."

"Naku, Sir, alam ko yan!" Biglang sigaw ng isang babae na nakaupo sa harap habang nakataas ang kanang kamay niya.

"Okay. Miss?" Baling sakin ng prof.

"Reyes po." Sagot ko.

"Miss Reyes, this is Ms Fajardo, she will accompany you to your room." Bumaling naman siya kay Miss Fajardo at tinunguan ito, "go on. Nakalusot ka naman."

Humagikgik lang si Miss? Fajardo. Teka, Miss ba talaga siya? Pero kasi mas mukhang maton pa siya dun sa Prof niya eh.

Bago pa man ako makapagpasalamat dun sa prof nila ay nagulat na ako sa biglang pag-akbay sakin ni Fajardo-minus-the-Miss.

Ah. Okay?

"Ako pala si Kim." Panimula niya habang nakaakbay pa rin sakin.

Nakaramdam ako ng hiya habang naglalakad kami dahil pinagtitinginan kami ng mga estudyante, at lahat ng nakakasalubong namin ay tumatabi. Di ko alam kung dahil sikat siya? Gwapo? O kinakatakutan. Parang yun kasi ang nakikita ko sa mga mukha nila.

A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon