Chapter 8

1.7K 60 28
                                    


"Carol, antayin lang kita sa labas." Bulong ko kay Carol pagkadaan ko sa seat niya after ko ipasa ang test paper ko.

Salamat at natapos na rin ang huling prelim exam ko for this sem.

3 weeks had gone by at sobrang naging busy kami ng bullies but we followed the same routines.

Every Monday, kanya kanya kami ng uwi but they really see to it na kung sino ang pwede, siya ang maghahatid sakin. Every Tuesdays, nasa bahay kami ng kambal, we study and would help each other with our homework and requirements. On Wednesdays, na sa open bar kami, gumagawa ng homework kung meron but naghahang out pa din and we saw the same people including the hottest, most egocentric guy I will ever meet. Tuwing Thursdays naman, we would go sa bahay ni Carol. And on Fridays, depende sa kung ano ang usapan namin, either lalabas kami to have dinner or kanya kanyang asikaso ng mga requirements sa school.

During the weekends naman, di kami nagkikita. So knowing me, sa bahay lang ako. But last Saturday, binisita nila ako at naggroup study kami dito sa bahay, tiniis din nila ang sikip at ang init ng kwarto ko.

Consistent din kami sa pagkakatextmate ni Vic pero nadagdagan ng isa, si Kim. Until nagdecide kami ng bullies na gumawa na lang ng groupchat.

Lalo kaming naging close ni Vic at kahit papaano, nabalewala ko na ang pagka crush ko sa kanya. There are times na naaamaze at kinikilig pa din ako sa kanya. But true to myself, happy ako sa pagiging magkaibigan lang namin.

Nalaman ko din na nakikitira lang pala si Vic sa tita niya dito sa Manila kasi nasa Pampanga ang family niya. At based sa pagiging maselan ni Vic sa usaping pamilya ay hindi na ko masyadong nakiusyoso pa, kung ano na lang ang marinig ko, yun na lang, though alam kong kung tatanungin ko siya eh magkukwento din naman siya.

"Oh, bat di pa lumalabas si Carol?" Si Camille pala. Kakalabas lang ata niya sa classroom nila. Magkatabi kasi ang exam room namin at same time pa ang exams namin kaya napagusapan namin kanina na maghintayan na lang kami.

"Baka inatake na naman ng pagiging OC niya." Bigla na lang sumulpot itong si Kim sa tabi ko.

Nagkibit balikat lang ako.

"Ano pala game plan mamaya. Diba may dala kayong kotse, Mille?" Tanong ni Kim.

Pupunta pala kami kila Kim ngayon sa Batangas. Kailangan daw namin mag out of town kasi naging toxic kami for the past week dahil sa exams. Saturday naman bukas, walang pasok. Sila na rin ang nagpaalam sa mga magulang ko. Hindi na ko nagulat na napapayag na naman nila.

"Uwi muna kami sa bahay, then iwan ko ang kotse ko. Kukuha lang din ng gamit. Dun mo na lang kami balikan. Tapos makikisakay na kami sayo tapos daan na lang tayo kila Mika para makuha niya din gamit niya." Pagexplain naman ni Camille.

"Sorry, Kim." Paumanhin ko. "Commute lang kasi ako papunta dito sa school kaya ang hassle pag may malaking bag na bitbit."

"Psh." Pinitik ni Kim ang noo ko, mahina lang naman. "Pasalamat ka malakas ka sakin."

"Okay lang yan," akbay ko kay Kim. "Makikilala ko naman na girlfriend mo mamaya kaya alam kong happy ka."

"Ikaw lang ang happy!" Banat naman ni Kim. "Ako kinakabahan kay Carol."

Tumawa naman si Camille pero mahina lang kasi nageexam pa nga ang iba sa room at nandito lang kami sa corridor.

"At bakit ko narinig ang pangalan ko?" Biglang sulpot ni Carol mula sa likod ni Camille. Tapos na pala siya.

Naglalakad na kami ngayon papuntang parking lot. Nandun na daw naghihintay sina Cienne, Vic, Majoy, Justine, at ang kaibigan pa daw nila na si Ther. Naging close na rin ako kila Majoy at Justine. Two Wednesdays were enough to be close to them saka hindi na din iba ang pakikitungo nila sakin and we would joke around na din.

A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon