Chapter 5

1.2K 49 14
                                    


Nandito kami ngayon sa Sands SkyPark. Ito ang pinakamataas na bahagi ng hotel. Dito nila, I mean namin, napiling magbreakfast sa Spago. Restaurant ito ng isa sa pinakakilalang chef na si Wolfgang Puck. Sa TV ko lang dati napapanuod yun at heto ngayon, kumakain na ako sa restaurant niya.

All out kung all out si Cienne sa paglilibre samin. Pinanindigan niya talaga na we're on her. Si Carol dapat ang magbabayad pero naginsist siya na siya daw dapat. Kibit balikat na lang si Carol though halata naman na medyo nagtampo.

Heto naman ako. Parang lutang habang kumakain. Paano ba naman kasi. Hindi na talaga ako nakatulog. Nang nadatnan kami ni Camille kanina ay nagkwentuhan na lang kaming tatlo sa sala hanggang sa nagising ang iba.

Ready to go na kami. Kaya pagkatapos naming magbreakfast ay umalis na din kami kaagad.

Antok na antok na ako ngayon. Parang wala na akong energy para sa gagawin namin mamaya pero hindi naman ako makatulog. Nakatatak pa rin sa isip ko ang encounter na yun namin ni Vic.

Dito sa shuttle ay same pa rin ang arrangement namin. Tulog si Camille sa tabi ko. Ganun din sina Kim at Carol sa likod.

Nahagip naman ng tenga ko ang parang pagtatalo nina Vic at Cienne sa harap. Di ko maiwasang hindi makinig.

"Cienne, wag na kasi maraming tanong." Nakakunot noong sabi ni Vic.

"At bakit?" Pagcrossarms ni Cienne. "Wala na ba akong karapatang malaman ang iniisip mo?"

"Please!" Pasigaw na bulong ni Vic. "Let's not ruin this trip! Nakakahiya kung dahil satin, masisira ang mood ng lahat."

"At kailan ka pa nahiya sa bullies, huh?" Ganti naman ni Cienne.

Parang alam ko ng sa akin mapupunta ang pinagtatalunan nila kaya nagpanggap na kong tulog bago pa nila ako mahuli na nakikinig sa kanila.

"Cienne, tama na!" Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Vic. "Hindi porket--"

"I know.." Cienne cut her off. Bakas sa boses ni Cienne ang pagsubmit na kay Vic, na para bang inako niya na na siya ang mali. "I'm sorry."

"Sorry din, babe." Bulong ni Vic. "Hayaan mo, maguusap tayo pagbalik natin ng Manila, okay?"

Wala na kong narinig na nagsalita pa ulit kaya bahagya kong binuksan ang mga mata ko only to see na naghahalikan na pala ang dalawa.

Fudge! Wrong move!

Dapat hindi na ko nakinig. Dapat hindi na ako nakiusisa pa. Dapat di ko na tinitingnan ngayon.

Tumigil sa paghalik si Vic kay Cienne nang makita niyang nakatitig na pala ako sa kanila. Di ko rin napansin na ganun na pala ang ginagawa ko. Pati si Cienne napatingin na din sakin.

Ngumiti si Cienne at nag peace sign. "Sorry, Miks. Na carried away lang." she said while giggling.

Nagsmile lang din ako sa kanila. Nakatitig pa rin si Vic sakin pero umiwas na ko ng tingin.

Balik lambingan na ang dalawa sa harap ko kaya napagdesisyunan kong ipikit na lang ang mga mata ko hanggang sa makarating kami sa Vivo City. Dito lang kami nagpadrop sa shuttle at kinausap lang nila Kim ang driver na balikan kami dito around 7pm.

Pwede sana kaming mag-Sentosa express papuntang Sentosa. Pero mamayang pauwi na lang daw kami magtrain. Mas okay daw na maglakad na lang kami sa Sentosa Boardwalk habang di pa kami pagod lahat.

Hindi nga ako nagkamali, puro eyebags nga ako ngayon, buti na lang at may shades akong baon kaya hindi ako haggard sa pictures. Sina Carol at Camille ang may mga dalang GoPro. Lahat daw kasi dapat ng trips namin ay documented.

A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon