Chapter 3

1.3K 53 15
                                    



Nagsimula ang Wednesday, ang 3rd day of school ko sa paghalik sa cheeks ni Vic. Oh diba! Buong buo na araw ko, kahit wag na matapos. Char!

But on a serious note, heto nga at kakahiwalay lang ng lips ko sa cheeks niya. Siya kasi ang unang bully na nakita ko ngayon on my way to the caf. Mukha ngang nagmamadali pero sadyang tumigil talaga para sa nakasanayan nila/naming bully greeting.

"Bye, Mika! Laters!" Kaway niya pa at tuluyan ng tumakbo palabas ng caf.

Ako naman dumiretso na sa loob, nakita kong nasa table sina Cienne at Kim. Gumagawa ata ng homework, I'm not sure.

Same thing happened when I reached the table. Nagkiss ako kay Kim at nagbackhug na lang kay Cienne.

"Aga mo ata? Nakasalubong mo si Vic? Kakaalis lang papuntang class niya." Panimula ni Cienne.

"Buti ng maaga kesa matraffic ako at ma-late." Sagot ko. "Uhm, yeah, nagmamadali nga eh." Dagdag ko pa.

"Sinermonan ko yun." Seryosong sabi ni Cienne habang di inalis ang tingin sa ginagawa niya. "Hindi pwedeng ma late ang bullies sa class. No excuses. Wala dapat masabi ang profs or ang kahit na sinuman sa atin."

Napatango lang ako at napansing nagpout si Kim. She has this look of guilt written all over her face. Aha! Siya siguro ang pasaway.

It's been 3 days since I met these people for the first time, and not once have I found a single reason to say something against them.

Wala. Perfect lang ganern.

I also noticed na sobrang serious nila when it comes to academics. Kailangan daw sa harap nakaupo para walang ma miss out sa lecture, walang distraction at hindi makagamit ng phone during class. As much as possible wag lalabas ng campus if may natitira pang class para hindi ma tempt mag cut class. And now I just found out na bawal din pala ma late para walang masabi ang profs... at ang kahit na sino.

I think ito ang dahilan kung bakit sikat sila sa campus. Parang sila ang mabait na version ng Mean Girls.

And... they're equally serious talking about extracurricular activities. Lahat sila member ng orgs.

Si Cienne Vice President ng news forum, kaya siguro alam niya lahat ng ganap. Si Camille President ng Psych Society at si Carol ang Vice. Yup. Pareho kaming tatlo ng courses. Sina Kim at Vic naman class representatives ng Univ republic sa kani-kaniyang departments nila.

Ako? Wala... buntot lang nila as of now. Member ng Bullies daw. And speaking of...

"Cienne, di pa ko nakakapagpaalam kay Mama about sa trip sa weekend. Tingin ko di ako papayagan at wala kasi akong pamasahe." Dirediretso kong sabi at pinilit talaga na wag mag stutter. Katakot din kasi itong si Cienne minsan.

"That's okay.." tipid niyang sagot saka bumalik na ulit sa pagsusulat.

"You mean, okay lang na wag na lang ako sumama ha?" Paninigurado ko.

Tiningnan ko si Kim. Tahimik lang siya na nakatingin sa labas.

"No." matigas na sagot ni Cienne. "Anniversaries are very important. Vic and I never celebrate our anniversary without the bullies. It's never special without you guys. Monthsaries are okay, but anniversaries? Everyone should be present."

And so I've heard. Even before pa sila naging official, they celebrated anniversaries, according to Carol last night.

"And since you're a bully, hindi ako papayag na wala ka. I'll talk to your Mom and I already told you na ako ang bahala sayo. Wala kang gagastusin kahit piso."

A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon