kix_14 for you atiii 😙
----------
Naglalakad ako ngayon papasok sa campus. Lahat ng taong nakakasalubong at nadadaan ko ay tumatabi at nakatingin sakin, may iba ding nagbubulungan. Di ko na lang pinansin yon, wala naman akong ginawang masama kaya deadma lang.
Thank God it's Tuesday, right? Tuesday ngayon kaya ang ibig sabihin hindi ko classmate ang kahit isa sa bullies. Konting katahimikan din.
Honestly? Medyo bothered ako na may mag-gf sa tropa. Not that it matters to me, kasi sa barkada ko sa Bulacan may mga mag jowa din, uhm, fine. Bothered ako na may girlfriend si Vic. Worse, si Cienne pa.
Nope, I have nothing against Cienne, sooooobrang bait niya. Kung tutuusin mas mukhang maldita pa nga si Carol sa kanya. Di ko talaga alam. Siguro dahil crush ko si Vic?
Well yeah, mga 3 hours akong nagisip kagabi at ala una na ko nakatulog. Di nawala si Vic sa isip ko kahit pa mostly kasama dun si Cienne sa thoughts ko. Yesterday I saw how much she loves Cienne, how she's very caring and thoughtful towards her, how she looks at and touch her.
Crush ko siya kasi gwapo siya, and trust me when I say na wala akong balak sirain sila. Humahanga lang ako kasi napakagentle ni Vic kay Cienne, like Cienne is so fragile. Nakita ko kung paano niya ingatan si Cienne. Ikaw ba naman nakaharap sa kanila ng isang oras.
And what's amazing is that, never ko na feel maging out of place in front of them. Nakakahiya pero parang silang magkakaibigan pa ang nageeffort na mas lalo akong makilala. Sino ba naman kasi ako? Isang probinsyanang pinilit isiksik ang sarili dito sa Maynila. I'm a nobody compared to them.
Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong may 1 hour pa ako before my next class kaya naisipan ko munang dumiretso sa caf. Siksikan pa rin. Siguro dahil ito lang ang college caf dito sa university, ang dalawa pang caf ay nasa high school and elementary department na.
Tinungo ko ang table ng bullies. Walang tao dun and since may blessing naman nila na dito ako pupunta pag vacant ko ay di nako nagatubili pang makiupo. Papalapit pa lang ako ay may nakita na kong parang pocketbook na nakapaperback. Walang nakasulat sa cover nito pero may nakalagay na sticky note. Binasa ko ito.
For Mika
Para sakin?
Confident talaga sila na hindi to mawawala dito ah. Binuksan ko ito at nakita ko sa front page na may nakasulat in big, cursive letters na initials. CAC. I opened the next page and napansin kong dictionary pala ito. Ahh. Galing kay Carol.
"Ano yan?" Si Kim pala paglingon ko. "Vacant mo?"
Tumango ako saka naupo. "Dictionary na pinahiram ni Carol."
Naupo na rin siya. Inoffer niya sakin ang chips na kinakain niya kaya dumukot ako ng konti. "Bigay niya na yan." Dagdag niya pa.
"Ha?"
"Di nagpapahiram ng kahit na ano si Carol. Kaya mahirap manghiram dun, kasi bigay na lang agad." Paliwanag niya.
"Nakakahiya naman to. Dapat bumili na lang ako." Pailing iling kong sabi. Grabe nakakahiya naman talaga. Di naman sa ano, pero ayaw ko lang kasi na magkaroon ng utang na loob.
"At ang mas mahirap pa, is magtatampo yun kung di mo tatanggapin." Tumawa si Kim ng mahina habang patuloy lang sa pag kain ng chips niya at kumalikot na sa phone niya.
Di na ko sumagot pa pero muli na namang nagsalita si Kim.
"Bat pala di ka nakapunta dito kahapon after your last class?" Kunot noo niyang tanong. "Inantay ka namin at nasermonan pa ko ni Cienne."
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)
Fanfiction"It's a beautiful mess, and it's deep down, down." This is a KaRa-CiennAra fanfic.