Nagising akong sobrang nangangalay ang balikat ko. Naramdaman ko ding may naka backhug sakin. Nandito ako nakaharap sa wall. Sinubukan kong silipin kung sino ang nakayap sakin.Fuck!
Si Cienne!
Nakaramdam na naman ako ng guilt. Itong kaibigan ko na walang ginawa kundi alagaan ako, ibigay ang mga bagay na never ko naman hiningi sana, nageeffort palagi sakin at tinutulungan ako sa requirements ko ay magagawa kong lokohin.
Or can I even call this cheating? Kung nadidistract ako ng ganito dahil sa girlfriend niya, ang ibig sabihin ba nito niloloko ko siya?
Kung wala kaming ginagawa ni Vic na masama, niloloko na ba namin siya?
Andami kong tanong, pero wala akong mahingan ng advice. I need a friend right now who's great in making advices, and they're all I've got here. I can't talk to them about how I feel. Definitely not with them.
Ayoko na lang talaga munang magisip. Uuwi naman na kami mamayang hapon and bukas may buong araw pa kong magisip.
Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sakin ni Cienne, pagkabangon ko ay nakita kong sa likod ni Cienne ay naka backhug din sa kanya si Carol. Wala na si Majoy sa kama. Gising na siguro.
Pagkatayo ko naman ay nakaramdam ako ng hapdi sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Una sa tuhod ko. Nakita ko na ang gasgas ko kanina nang magising ako. Tapos... sa siko? Sinilip ko ang siko ko at may gasgas din pala ako dito.
"Mika?" Napalingon ako kay Cienne. "What time na? ... ouch!" Napahawak pa siya sa bandang shin niya. "My gosh, saan ko nakuha to."
Natawa ako nang makita ko ang malaking pasa sa shin niya. Anong nangyari samin kagabi?
Tumawa lang din si Carol nang magising na siya. "Meron din ako niyan," pakita samin ni Carol ng mga pasa sa braso niya. "Nag royal rumble tayo sa beach kagabi."
"What? Wala akong maalala. Black out na talaga ako kagabi. The last time I remembered was Ther, slow dancing with me, dare ata yun sakin." Sabi ni Cienne habang nakapikit saka bumangon.
"Seryoso? Naglaro pa tayo ng tagu taguan kagabi." Carol answered.
Tagu taguan?! Seryoso?!
"Grabe wala akong maalala talaga." Reklamo ni Cienne.
Bumangon na rin si Carol at dumiretso sa labas. Medyo nahihilo pa ko pero sumunod na ko sa kanya.
Pagkababa namin ay kanya kanyang business ang mga tao. Sina Tin at Ther ay nagpapasok ng mga pagkain sa isang basket. Sina Majoy at Justine ay nasa kitchen, naghahanda ng mga swimming goggles, snorkel, at kung anu ano pang mga gamit na hindi ko kilala. Sa labas naman ng kitchen, sa likod ay nakita kong masinsinang naguusap sina Kim at Vic habang nag iihaw ng pork. Nang makita ko naman si Camille na kumuha ng water ay nakiinom na rin ako.
"Saan ang punta natin?" Sigaw ni Cienne habang pababa ng hagdan.
Narinig ata ni Vic, iniwan kasi niya si Kim at pumasok dito sa loob at sinalubong si Cienne.
"Good morning, babe." Bati niya kay Cienne. At bago ko pa makita ang paghalik niya kay Cienne ay tumalikod na ko.
"Cienney, magayos na kayong tatlo. Antagal niyo magising kaso ayaw ni Kim na gisingin kayo." Tawag ni Justine saming tatlo nina Carol at Cienne. "Mag beach camp daw tayo sa isla nila Kim."
"Talaga?!" Tili ni Camille. Buti hindi niya naibuga ang tubig niya sakin sa sobrang excitement. "Na miss ko ang isla!"
Ha? May isla sila Kim?! Sila na talaga!
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)
Fanfiction"It's a beautiful mess, and it's deep down, down." This is a KaRa-CiennAra fanfic.