Warning: Super short chapter lang to. Maybe around 1k words dahil transition chapter lang to.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa mga mata ko. Ni compress ko na to ng ice cubes kanina pero wala pa rin. Kaya nagsuot ako ngayon ng sunglasses papuntang school. At hindi ko pa rin ito hinuhubad kahit pa nandito na ko sa caf at nakaupo lang magisa. Dalawang oras pa bago ang class namin ni Carol.
Namumuo na ang frustration sa kaloob looban ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Sino ba naman kasi ang nagsabi sayong patayin mo ang sarili mo sa pagiyak?!
Monday na Monday at kailangan ko na namang magsinungaling sa bullies. Makikita nila ang mga mata ko mamaya. At magtatanong sila. At magsisinungaling ako.
Noong Sabado, pagkatapos kong aminin sa sarili ko na nahulog na nga ako kay Vic, ay pinilit ko rin na wag na naming pagusapan ang sa kanila ng bullies, lalo na ang sa kanila ni Cienne.
Di naman ako nahirapan, naging emotional din siya. Umiyak pa nga. And when most friends would hug and comfort their crying friend, I didn't. I didn't comfort Vic. I didn't do anything to let her have the feeling that I will be there whenever she gets emotional.
Hindi ko alam kung naging selfish ba ako.
Selfish ba ako dahil gusto ko lang protektahan ang sarili ko? Kaya hinayaan ko na lang siyang umiyak sa harap ko?
Or sobrang selfless ko na ba dahil ginawa ko lang yun para protektahan sila? Kasi... alam ko na ang mga mangyayari if this would go on.
Okay na siguro na lalabas na lang na nadala lang siya ng emotion niya habang nagkukwento kasi.. para naman yun sa project namin eh. Diba?
Kaya ang naging resulta, pagkauwi niya, hanggang kahapon, hanggang kagabi ay inubos ko na ata lahat ng luha kong ilabas.
To be completely honest? Ni hindi ko nga alam kung ano ang iniiyakan ko.
Umiyak ba ko kasi nasasaktan ako na may Cienne siya, o umiyak ba ko dahil si Cienne yun at ako pa mismo ang makakasakit sa kanya?
Tama si Vic. And I quote,
"Hindi dahil nagmamahal lang tayo ng nagmamahal ay hindi na tayo makakasakit."Did she say that kasi alam na niyang masasaktan niya si Cienne? O ngayon pa lang ba talaga ito nagsimula lahat at wala na siyang magagawa dahil nasasaktan na si Cienne?
Andami kong tanong, andaming gumugulo sa isip ko. Gusto kong isisi sa mga nangyari ang lahat ng nangyayari ngayon. That stupid truth or dare, that game, ni ate Rossan, na hanggang ngayon wala pa kong naisip na hingin sa kanya.
But what if I ask for space from the bullies? Ibibigay niya kaya?
Pero hindi ba't parang ang selfish ko na naman kung yun ang hihingin ko? Pero diba magiging selfless din ako nun kung pipiliin kong wag ng magulo ang buhay nila ng dahil sakin?
Kasi kung hindi sana kami lumipat dito, eh di sana din hindi ako namomroblema ng ganito ngayon!
Di ko na namalayang nandito na pala si Camille sa tabi ko kung di pa siya nagside hug sakin at nagsalita.
"Wow. Umaartista." Tawa niya saka naupo sa tabi ko. "Aga mo ata?"
"Wala lang." kibit balikat ko at nagsmile lang sa kanya. Inoffer niya sakin ang kinakain niyang fries kaya kumuha ako ng dalawang piraso.
"Papunta na rin dito sila Kim." Sabi niya saka naglabas ng mga notes niya.
Kinabahan na lang ako bigla. Hindi pa ko nakakabwelo, haharap na naman ako sa kanila. Kay Cienne... kay Vic.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)
Fanfiction"It's a beautiful mess, and it's deep down, down." This is a KaRa-CiennAra fanfic.