A week has passed. Hindi ko alam kung paano ko na survive ang buong week last week. Ang alam ko lang ay hindi ko makakaya yun kung wala si Kim. Buti na lang talaga at nagkaroon ako ng excuse buong week na hindi sumabay sa kanila, kasing importante din naman kasi ng finals exam ang pre-finals kaya hindi sila nagtaka kung bat hindi ako nagpakita sa kanila though nagkikita kami during exams sa mga subjects na classmates kami but lagi akong nauunang lumabas. They went on with their routine without me. During Kim's free time ay pinupuntahan niya ko... dito sa kung saan kami nagkikita ni Vic dati.Nabuhay naman sila ng ilang taon na wala ako, how can they not now? Nabalitaan ko rin na unti unti ng nagkakaayos sina Vic at Cienne. Masakit man on my part pero okay na din to na nagkakaayos sila ng hindi ko nakikita. Mas madali ito para sakin. Mas makakaya ko kapag hindi ko sila nakikita.
This week, pipilitin ko pa ring umiwas sa kanila. Pero nakakakunsensya kasi kahit di kami nagkikita ay hindi pa rin nila ako nakakalimutan, gaya ngayon.
"Kainin mo nga nga kasi yan. Nageffort si Carol na ipagluto ka today!" Si Kim yan na pinipilit akong kainin ang packed lunch na pinapadala ni Carol para sakin.
"Hindi na kasi dapat siya nag-abala pa. Hindi ko naman deserve." Mahina kong sabi.
"Eh kung sa kanya mo kaya sabihin yan?" Tawa ni Kim at tuluyan ng umupo sa tabi ko. Naglabas siya ng notebook at pen at nagsulat ng kung ano, baka school work niya to or what. "Alam mo, Mika. Hindi mo sila maiiwasan forever. Isang taon pa bago tayo ga-graduate. Sa tingin mo ba makakaiwas ka pa nun?"
"Hindi nga. Pero gusto ko lang muna ng space. Gusto ko naman ding maka move on. Babalik naman ako sa inyo pag okay na ko eh." Ngiti ko kay Kim at pilit na pinatatatag ang sarili ko.
"Paano naman kung hindi tuluyang magkaayos ang dalawa? Eh di nagkahiwalay na talaga ang bullies? Hirap naman nitong pinaggagagawa niyo." Seryoso lang ang mukha ni Kim, hindi siya nakatingin sakin pero alam kong seryoso siya. "Gaya mamaya, wala ng exams. Wala ka ng excuse. Classmate mo si Vic."
Tsk tsk. Hindi ko to naisip ng maigi. Tama si Kim. Hindi ko nga talaga sila totally maiiwasan.
"Bahala na," sabi ko saka binuksan ang packed lunch na pinabigay ni Carol.
Pagkatapos kong kumain, nagpahinga lang ako saglit at umalis na rin kami ni Kim. Siya, papunta sa class niya. Ako naman, papunta sa class namin ni Vic.
Pagkarating ko sa room. Ay nakaupo na siya sa seat niya. At sa katabing upuan niya naman, which upuan ko pala to, ay may nakapatong na isang maliit na box ng cookies.
"Hi." Casual na bati niya sakin. Tumayo siya at nakipagbeso sakin, as if walang tension sa pagitan namin. As if hindi siya galit sakin. "Pinabibigay pala yan ni Cienne, nagbake siya kagabi, and nagtabi siya ng para sayo."
"Thanks, hindi na sana siya nag-abala pa." Ngiti ko habang sinusuri ang laman ng box.
"She cares for you, you know."
"I know," agad kong sagot. "But you also know na hindi ko to deserve." Pabulong kong sagot sa kanya, ayokong may ibang makarinig.
"You deserve it," pabulong niya ring sabi. "She's thanking you for convincing me to talk to her."
Hindi ako nakasagot. Ayokong sumagot.
"Kamusta ka?" She asked, starting another conversation.
"I'm good naman. Busy lang talaga. Daming requirements." Pagsisinungaling ko.
"Alam kong hindi ka okay. Nagkakausap kami ni Kim." Mariin niyang sabi habang seryosong iniikot ikot ang pen niya sa desk. "You know din na I'm doing this dahil lang sa favor mo, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)
Fanfiction"It's a beautiful mess, and it's deep down, down." This is a KaRa-CiennAra fanfic.