Warning: This is a short chapter. This is the first part/first half of Chapter 22.
--------------------
"Vic?" Silip ko sa nakababang bintana ng isang itim na Honda Civic paglabas ko sa gate namin. In fairness, sobrang kintab ng kotse, mukhang bago.
Hindi ako expert and I don't find cars interesting pero marunong naman akong tumingin kung bagong model ang isang sasakyan o hindi.
Bumaba si Vic mula sa driver's seat at pinagbuksan ako ng pinto. Ngumiti lang siya sakin at binura ang nagtatakang ekspresyon sa mukha ko by massaging my forehead.
"Magkaka-wrinkles ka niyan. Sakay na." Nakatawa niya pang utos.
"Kaninong kotse to?" Takang tanong ko pa rin pagkasakay na niya. "Saka marunong ka bang mag-drive?" Paninigurado ko pa dahil never ko pa siyang nakitang magdrive.
Sa bullies, siya lang ang never ko pang nakitang magdrive, dahil, Haha, wala naman siyang kotse. Ayaw ni Cienne na magdrive si Vic.
"Ye, makakarating ba ko dito kung hindi ako marunong magdrive?" Tawa niya saka pinaandar na ang kotse.
"Psh!" Pagpout ko na ikinatawa niya. "Pero kaninong kotse to?"
"Andami mong tanong." Tawa niya ulit. "Isipin mo na lang na pinaghirapan ko to, okay?" Saglit na hawak niya sa kamay ko saka bumitaw din agad at ibinalik ang kamay niya sa manibela.
It's been days simula nung nagusap sila ni Kim, simula nung nagkaeksena sila ni Cienne sa rally. In just a span of almost a week ay parang nagkaroon ng 360 degree turn sa paraan ng pakikitungo sakin ni Vic. Mas naging vocal siya, mas naging touchy, clingy, at mas naging palaban siya.
Siguro her talk with Kim let her gain more confidence, yung alam niyang naiintindihan siya, yung alam niyang may kaibigan siyang nakakaintindi sa kanya, sa nararamdaman niya.
Hindi naman sa kinukunsinti ko ang mga sarili namin. But really now, I see no point in stopping her. I tried avoiding her, and maybe I did not try hard enough kasi hindi ko naman siya matiis, thanks to my own feelings.
I still think about what the bullies will say if they found out. I still think about Cienne and hindi pa rin nababawasan ang kunsensyang nararamdaman ko. It's just that... mas matimbang na ngayon yung sayang nararamdaman ko tuwing nakakasama ko si Vic ng ganito. Hindi naman siguro masama na this time, yung sarili ko naman ang unahin ko.
Really, Mika?
I know, masama na unahin ko ngayon ang sarili ko kasi may nasasaktang iba, kasi nasasaktan ang kaibigan ko. But if you ask Vic? Sasabihin niya lang na wala akong kasalanan at hiwalay naman na sila ni Cienne. And you know what? I believe her.
Yun ang masama, kasi naniniwala ako sa kanya. Naniniwala akong, ako, may karapatan din akong sumaya kasama siya.
After her talk with Kim, nawala na rin yung mga usap usapan when we're around, I don't know how Kim handled the situation but she did stop the rumors, at least when we're around nga. There are times na may mga nakatingin pa rin tuwing magkasama kami but the talking stopped which made me feel a little loose. Busy rin lahat ng tao sa university ngayon dahil exam week na, kaya siguro napabilis yung paglimot nila sa nangyari nung rally.
Also, ayaw na rin ni Vic na magtago kami. Salamat na lang talaga kay Kim. Especially nung minsan na kaming nakita ni Carol.
Wednesday...
"Ang sarap pala ng food dito. Nakakasawa na ang pagkain sa caf. Tatlong taon na rin na yung pagkain lang dun ang kinakain ko halos araw-araw." Sabi ni Vic.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)
Fanfiction"It's a beautiful mess, and it's deep down, down." This is a KaRa-CiennAra fanfic.