"Vic, tapos na project natin ah?" Sita ko sa taong napagbuksan ko na naman sa gate namin.Kahapon natapos na namin ang project namin. It has been days simula nang magduda si Cienne na may iba si Vic. And in all those days ay araw araw na pumunpunta si Vic dito to finish our project.
There were nights na halos hatinggabi na siya uuwi. There was an instant pa nga na hindi siya umuwi. She made me promise, I mean, she asked a favor na wag kong sasabihin sa bullies.
Wala tayong ginagawang masama, gumagawa tayo ng project. Okay?
Gasgas na gasgas na ang ganyang litanya niya, pero hindi ko magawang kwestyunin kasi yun ang totoo. At kailangan naming tapusin ang project namin. Wala naman talaga kaming ginagawang masama except for the fact na hindi alam ng bullies, lalo na ni Cienne.
And in those nights na nadito siya sa bahay namin, Cienne would frequently call her, which lagi niyang binababa. Itetext niya na lang si Cienne na nagaaral siya, na naglalaro siya ng basketball, na sasamahan ang Tita niya. On weekends, she would tell Cienne na umuuwi siya ng Pampanga.
Kaya sa araw araw na pagpasok ko sa school ay ganun din ang araw araw na paglamon sakin ng kunsensya ko. Lalo lang ding nahulog ang loob ko sa kanya.
There were days na nakakalimutan ko ang bullies. Nakakalimutan ko si Cienne. At hindi ko yun sinasadya, I swear. Minsan nga para matapos na tong dilemma na pinagdadaanan ko ay naisip ko na lang na magpasagasa, o tumalon sa building, pero wag naman yung mamatay ako, yung tipong magka amnesia lang ba, para hindi ganito karami ang iniisip ko.
May mga araw na parang kami lang ni Vic ang nageexist sa mundo. May mga araw na halos ayaw ko na siyang kausapin kasi... si Cienne.
I'm stuck in the middle of their relationship and our friendship.
Minsan ko na ring naisip na... baka pwedeng maging makasarili na lang ako at landiin na lang tong taong nasa harap ko ngayon.
But, no!
"Bakit ka na naman nandito?" Pagtataray ko sa kanya nang makapasok na siya dito sa bahay namin at naupo na sa sala.
Di niya ko pinansin. Tumayo siya at dumiretso sa kusina para bumati kila Mama at Papa. Di na ko sumunod sa kanya. Mas pinili kong lumabas.
Madilim na ang langit. May iilang bituin na sa kalangitan. At maingay na ang mga kuliglig. Maliwanag na rin buong street namin nang dahil sa mga street lights.
Nakatayo lang ako dito sa gutter sa labas ng bahay namin.
Nagtataka ako kung paano ni Vic naiiwasan ang bullies sa school. Sa ilang araw na nagdaan ay sa lunch lang siya sumasabay. Nakakausap niya si Cienne. Pero hindi na siya yung Vic na parang ayaw padapuan si Cienne sa lamok. Hindi na siya yung Vic na ikikiss si Cienne sa noo randomly, o pagsisilbihan tuwing lunch, o makiki-sit in sa classes niya. Wala ng ganun.
I tried to ask her about it pero iisa lang palagi ang sagot niya.
Unfair kay Cienne kung magprepretend akong okay kami.
Pero hindi ba siya nagiging unfair kay Cienne ngayon? Hindi ba ako nagiging unfair kay Cienne?
Oo ang sagot sa dalawa. Oo pero parang ang helpless ko. Wala akong magawa. Dahil sa nararamdaman ko, unti unti na talaga akong nagiging kontrabida. I want to see Vic everyday. Pero hindi naman sana sa ganitong paraan. Okay naman sana yung makikita ko siya araw araw. Kahit pa magsweet sweetan sila ni Cienne. At least nakikita ko siya.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)
Fanfiction"It's a beautiful mess, and it's deep down, down." This is a KaRa-CiennAra fanfic.